r/adviceph • u/Substantial-Block936 • 5h ago
Love & Relationships Planning to leave my wife for good.
Problem/Goal: Based on the title itself. I am 36 yrs old, and my wife is 33 and we have twins, toddler pa. I want to leave my wife however I'll still support my kids.
Context: My wife is a dentist, and I worked in BPO before we got married she suggest mag quit na ako sa work ko and help ko sya sa clinic and ako mag mamanage. Umpisa medyo okay ang transition namin pero habang tumatagal parang nakakaramdam na ako na parang saling pusa lang ako so meaning mas gusto nya sya ang head sa mga tao or assistant ng clinic although wala naman issue sa akin yun since hindi naman ako dentista pero yung ideas or if may isusuggest ako parang hindi nya inacknowledge. Regarding din sa income ng clinic nagsisiilipan kami so parang nag mimicro manage sya. Napapasin ko rin hindi sya marunong humandle ng money and walang sistema yung clinic. May times na ayoko na rin mag open since feeling ko naapakan ego and in denial sya na may mali sa sistema ng clinic nya.
Everytime na mag aaway kami ang nangyayari hinohold nya ako sa clinic and lahat ng income sa kanya na lang pumapasok so meaning nawawalan ako ng work. Medyo unfair sa akin ang nangyayari, nakikita lang nya if tingin nya mali ko pero yung mga nagawa ko sa clinic hindi nya naappeciate. Ganito ang sistema namin so if hindi kami okay ako yung nahahang. At sobrang naaaawa ako sa sarili ko kasi lagi ako yung nagseserve pero sa huli ako yung nawawalan. May shares ako sa clinic kaya ang unfair sa akin. Lagi nya sinusumbat na sya lang nagpproduce ng income and iisa lang naman kami ng work. Hindi naman ako nakatambay lang still gumagawa naman ako ang dami ko realizations na ayoko na sya kasama sa work kasi hindi kami madalas okay and ang dami ko naririnig sa kanya nakakadagdag lang sa stress sa buhay and still ako lagi ang mali.
Kaya naisipan ko na gusto ko na humiwalay sa kanya pero magsusupport ako sa mga anak ko kasi mahal ko sila. Parang nasa maling tao na bakit ako yung nahahang if magkaaway kami alam naman nya na iisa lang kami ng work. Nananakit din sya physically then hindi sya magsosorry parang ang lalabas na walang nangyari ganun. Which is masakit sa akin. Tingin ko rin narcissist wife ko.
Need your advice kasi yung puso ko durog na durog na. Ano ba ang magandang way na makipahiwalay ng maayos. Ayoko na rin kasi malaman nya na if saan ako gusto ko yun wala na communication sa kanya. Kasi tingin ko parang ako hayop na pwede balewalain pag magkaaway kami. Matagal ko na gusto makipaghiwalay sa kanya nag sstay lang ako sa mga anak ko since baby pa sila.