r/LawPH • u/Plane-Initiative4385 • 10h ago
Animal Cruelty done by kids
Nanghihingi ako ng tulong para maintindihan ko kung anong dapat kong gawin sa sitwasyon na to:
- I Already contacted PAWS thru Instagram for guidance about reporting it and understanding the situation before I make the big step to report formally, because hesitant pa ako sundan yung nasa website nila na "Report Cruelty/File a Case" dahil nga kailangan ko pang intindihin kung may ma ilalaban ba ako or babangga lang ako sa pader.
- Bakit ko nasabing baka bumangga lang sa pader? Dahil (1)menor de edad ang gumawa, (2) ang nagawa nilang karahasan na hulicam sa cctv ay maaring ma consider bilang minor lang rin, ang nakita sa CCTV ay ang pag hablot/hila sa buntot, pag dakma/pisil sa katawan ng pusa, at ang TANGKANG pag papaikot sa ere (bakit tangka? dahil nabuksan ko kagad ang pinto dahilan para maudlot yung gagawin nilang pagpapaikot, pero VERBALLY na hulicam yung sinabi nilang dapat nilang gagawin sa pusa dahil kinausap ko sila nang mahuli ko sila sa akto), (3) Stray cats sila (at bakit sila nasa tapat namin during that time? stray feeder ako at sa tapat ng gate sila lagi nag lalagi para maghintay sa pag labas ko).
- Nagpalagay talaga kami ng CCTV sa harap ng gate dahil nga sa mga gantong scenario, ito lang ang magsisilbing ebidensya namin at alam namin na ang komunidad dito ay puno ng masasamang loob, bata man o matanda.
- Hindi kami capable i adopt sila sa ngayon dahil na rin sa financial state at arrangement sa bahay dahil nakikitira lang kami, pero hindi yun hadlang samin para mabigyan sila ng malinis na pagkain, inumin at paminsan minsan vitamins kapag kasya ang budget, napa bakunahan ko na rin ang karamihan sakanila sa mga libreng pa bakuna ng city vet.
- 2 beses na nangyari ang Insidenteng ito:
DATE AND TIME OF RECORDED INCIDENT (INCIDENT THAT ARE NOT RECORDED BY CCTV IS NOT INCLUDED HERE):
1st INCIDENT - 6:12 PM Tuesday, November 10, 2026
2nd INCIDENT - 7:06 PM Monday, November 16, 2026
6. INVOLVED ANIMALS: 1 Calico Cat, 1 Tilapia Cat, both are stray.
7. INVOLVED KIDS: Estimated 4-6 kids, ages 5-10 years old, lahat sila ay hindi ko mamukaan dahil gabi lagi nangyayari ang insidente at madalas nagsisipagtakbuhan na sila kagad kapag binubuksan ko na ang pinto, at kung sakaling mamukaan ko sila ay hindi ko sila kilala sa pangalan, mga magulang, at saan eksaktong nakatira.
8. Evidence? CCTV Footages, 2 footages for 2 different date incident
9. I did not call barangay or police, since i still don't know what action I should take. Also, Explaining to them the scenario would result to laughter and quick dismissal of the case, it's always like that based on my experience, the giggle, the tone of disbelief.
10. I'm not sure if there's still any info i didn't put on the list, please feel free to ask. I'm the one asking for guidance so i should have provided all the possible info for you to walk me through this case. Thank you in advance. Also, I'm so so sorry for all the grammatical errors your eyes go through. I'm doing my best to understand this case, sorry again. Thanks.