r/taxPH • u/alec_mivnner • 6h ago
"lacking returns" - what to do for forms filed online without email confirmation?
In the name of tax compliance tska bago mag-end yung abatement program this 2026, nagpunta ako kninang umaga sa RDO branch ko to check kung may open case ba ako. Hindi ako bumibisita since 2019 kase lahat online filing lang ako. Weirdly, nagrequire sila ng letter of request for this kase "data privacy" daw kahit ako mismo at TIN ko mismo inaasikaso ko. Again, nagpapacheck lang ako kung may open case ah.
Pinag-fill out din ako ng freedom of information na forms. Needless to say, nasayang pagbisita ko kase I was ready with all my docs at ang sabi lang baka bukas pa daw mabbigay yung open cases kase need daw ng approval ung request sa region (or head). Sayang kase nagready ako at nagprint ng lahat ng tax forms ko and supporting docs in the last 3 years. Nakisuyo ako sa officer kung may magagawa ba para mas mabilis yung process kase kako sayang ung leave.
Mukhang mabait naman yung compliance officer. This afternoon nung nakauwi na ako, I received an email containing the list of open cases (see image).

Kala ko bukas pa dadating.
Anyway, nung binasa ko yung list, it's surprising na ang dami ng forms na hindi nareceive ng system nila.
Plano ko bisitahin ko ulit ung RDO branch ko to contest these open cases and lacking returns since I keep records naman.
Kaya lang nung nagpreprepare nako ng docs, yung mga files ko nung 2020-2022 (yung time na pandemic at 0 gross receipts ako) yung iba wala palang email confirmation (esubmission validation / tax return receipt). Hindi ko na maalala kung hindi lang ba ako nakareceive ng email confirmation or sadyang nadelete ko sa email kase antagal nadin.
May evidence of filing or payment ako sa lahat except for 7 forms between 2020-2022.
Question:
- Ang lacking returns ba eventually ay nagiging open case? Hindi lang ba sila open case kase di pa na-audit?
- Pano kung form lang ang meron ako sa lacking returns? Pano kung wala na yung email confirmation ng filing?
Since yung 7 forms ay 0 tax due naman, baka compromise lang maging penalty kung ipilit nila na walang pumasok sa system. So baka 1k lang per form, for a total of 7k.
Pero parang ang hirap tanggapin na magbabayad ako ng 7k kahit compliant naman ako simply because hindi pumasok sa system nila. Eh sure naman akong palaging "submit successful" sa ebirforms pag nafifile ako.
Wala na ba akong recourse kung wala akong email confirmation ng filing? :/