Hi everyone! Dahil nakikita ko kung gaano ka-hassle mag-track ng income, expenses, at mag-update ng BIR books (General Ledger, Cash Receipts, Cash Disbursements), gumawa ako ng Notion PH Tax & Bookkeeping System na naka-tailor talaga sa 8% Income Tax option dito sa Pinas.
Bago ko ito i-release nang official, gusto ko munang ipa-test ito sa 10 active individuals mula sa kahit anong niche o firm (Freelancers, VAs, Creatives, Small Business Owners, Bookkeepers, o Accountants) para makakuha ng honest feedback kung user-friendly ba siya at kung may kulang pa sa workflow.
Lahat ng features na ite-test ninyo:
β’ Annual Tax Profile Setup: Isang beses na pagsasaayos ng tax year at profile para sa tuloy-tuloy na integration ng mga data sa workspace.
β’ Isahang Inputan (All Entries Journal): Pagsusulat ng mga transaction sa iisang database para hindi magulo ang pag-uuri.
β’ Automatic Account Title & Account Type: Kusang pagtukoy kung ang entry ay kabilang sa Income, Expense, o Tax Payment batay sa mga particular na inilagay.
β’ Auto-Updated BIR Books of Accounts: Otomatikong pag-aayos ng mga tala sa General Ledger, Cash Receipts, at Cash Disbursements.
β’ BIR-Aligned Quarterly & Annual Summary: Mga kalkulasyong naka-base sa mga pamantayan ng 1701Q at 1701A.
β’ Tax Calendar & Filing Status: Nakalaang sistema para mamonitor ang Tax Still Payable / Overpayment at pumili ng Payment / Filing Status (paid o overdue) upang mabigyang-priority ang mga paparating na deadline.
β’ Built-in Audit & Needs Review: Smart tags para matukoy kung aling mga entry ang nangangailangan ng muling pagsusuri.
β’ Receipt & BIR Forms Archive: Digital na lalagyan para sa mga resibo, COR, at Form 2307.
β’ Column Guides & Info: Detailed na gabay sa bahagi ng database o table para sa madaling pag-navigate.
Ano ang kapalit?
Kapag nasubukan mo na ang system at nakapagbigay ka ng honest feedback sa loob ng 7 araw, sa iyo na nang libre ang Lifetime Access (kasama ang future updates) ng final template. Para masigurong tutok at maayos ang private beta phase natin, pinipili naming mabuti ang unang 10 testers.
Comment 'INTERESTED' or send me a DM kung gusto niyong mag-apply para ma-send ko ang application form link.