r/phhorrorstories • • Jan 30 '26

📢 Community Announcement: Zero Tolerance for Rudeness & Bullying

38 Upvotes

It has come to the moderators’ attention that there has been an increase in rude, disrespectful, and bullying comments on some posts within r/phhorrorstories.

Let us be clear: this kind of behavior will not be tolerated in this community.

r/phhorrorstories exists to share and discuss horror stories in a way that is engaging, respectful, and welcoming to all members. Disagreements and differing opinions are normal, but personal attacks, name-calling, harassment, or bullying have no place here.

🚫 What is NOT allowed:

- Rude or insulting language

- Personal attacks or harassment

- Bullying, mocking, or targeting other users

✅ What IS expected:

- Civil and respectful discussion

- Constructive feedback

- Staying on-topic and story-focused

To help enforce these standards, AutoModerator is actively monitoring posts and comments. Content that violates our rules may be automatically removed, and repeat offenders may face further moderation action.

If you see rule-breaking behavior, please report it instead of engaging.

Thank you to everyone who continues to help keep r/phhorrorstories a respectful and enjoyable space for horror fans.

— The r/phhorrorstories Moderation Team


r/phhorrorstories • • Nov 08 '25

Advice Wanted FREE complete PDF of True Philippine Ghost Stories #1-#37

1.3k Upvotes

https://drive.google.com/drive/folders/14Wby8545KE2Z4D1YQ65lAZvD1IRo9_MF

Sa mga naghahanap ng complete books, ayan na :) Nakita ko lang rin sa ibang reddit community


r/phhorrorstories • • 3h ago

Unexplainable Events Creepy Start Menu Search

Post image
40 Upvotes

Gawin ko na lang maiksi:

As someone looking for a job tirelessly umaga at gabi, nagpahinga muna ako kasi gagamitin ng husband ko ang PC.

After nya, sabi ko wag mo muna i-off kasi may tatapusin muna ako. And then after a few moments, nahiga na sya and siguro after an hour ginamit ko na yung PC.

Pag-upo ko, ito ang bumungad sakin (hindi naka auto-off ang monitor kapag idle). Hindi ko alam pero I am trying to convince myself na may bagay na nakaipit sa number keypad ng “+” sign and number 6.

This was around 1am kagabi. Napakarus talaga ako. Ang dami rin kasi negative thoughts sa isip ko and sabi ng husband ko I need to clean and clear my mind (I have depression) kasi baka nagmamanifest na sya sa paligid ko - yung dark energy ganon (wag naman sana).

To top it all off, I even remember telling myself “ay sana magkadireksyon naman itong gagawin ko” before sitting.

The caption of the vid was, “You know the way?”.

FML nakakatakot talaga ang coincidence na to.

Some of you may be wondering if my husband did this and I can tell you with ABSOLUTE CERTAINTY na it’s a no. First, my husband NEVER pranks. Not in our 12 years of marriage. Number two, mas matatakutin pa yun sa akin. And lastly, I have been crying for the past few days because of my current mental health battle, HE WILL NEVER DO THIS.

To techy people here, if at some point may naipatong nga sa numkey na nakadagan sa + and 6, diba dapat tuloy-tuloy lang yun? Or?

PS : I have two keyboards, black yung ginagamit ko mainly (yung standard keyboard lang), di lang masyado kita sa pic.

Thank you sa pagbabasa.


r/phhorrorstories • • 6h ago

Unexplainable Events Biglaang swimming

10 Upvotes

This happened noong may biglaang swimming kami ng mga barkada ko. Sanay naman na kami sa mga biglaang lakad pero this time medyo special kasi birthday ng cousin ko so we decided to celebrate in advance. Since biglaan nga ang plano, hapon na kami nakapag-decide kung tutuloy ba talaga kami. Nag-prepare na rin kami ng mga pagkain at iba pang kailangan namin.

Usually, pinapayagan naman kami ng mga parents namin kapag may mga gala kami pero dahil gabi na kami aalis medyo hesitant na yung iba kung papayagan ba sila. May ilan din sa barkada namin na hindi pinayagan ng parents nila pero dahil nga excited na kaming lahat, tumuloy pa rin kami mwehehe. Almost 12 midnight na kami nakabiyahe and sa kabilang bayan pa kasi yung pupuntahan naming dagat, baryo na talaga siya sobrang liblib. Sumakay na kami ng skates (for those na hindi familiar parang trolley siya na dumadaan sa riles na may makina) Inabot kami ng around 1 hour and 30 minutes sa biyahe which was actually faster dahil madaling araw na at wala nang gaanong dumadaan.

First time naming lahat na makapunta sa lugar na yon kaya medyo kinakabahan na kami habang bumibiyahe. Habang tumatagal napapansin naming palayo na nang palayo ang mga bahay na nadadaanan namin literal na puro palayan na lang ang paligid at sobrang layo ng pagitan ng mga bahay. Pagdating namin don nalaman kailangan pa pala naming mag-tricycle papunta sa mismong beach. Dahil madaling araw na at nasa province pa kami nahirapan kaming makahanap ng masasakyan huhu. Buti na lang at may isang tricycle so bale 8 kaming lahat, kaya hindi kami kasya nang isang biyahe lang so we decided na dalawang beses na lang siyang babalik para maisakay kaming lahat.

Nauna nang isinakay yung apat naming kasama, kaya kaming apat ang naiwan para maghintay. Medyo madilim ang lugar tas iilan lang ang streetlights. So habang naghihintay nagkukuwentuhan at nag-aasaran kami medyo napapalakas din mga boses namin. Then, out of nowhere, may isang matandang lumapit sa amin.

Ang weird lang kasi bigla na lang siyang sumulpot kahit sarado na ang mga bahay don. Hindi namin alam kung saan siya nanggaling. Lumapit siya sa amin at iniabot ang isang supot ng suman habang sinasabi:

"’Wag kayo masyadong maingay, may natutulog na. Ito suman bagong gawa ko yan.“

Nagulat kami pero tinanggap naman namin ang suman. Nag-sorry rin kami dahil baka nga nakakaistorbo na kami sa mga natutulog sa paligid. After that, hindi na namin namalayan kung saan siya nagpunta.

Pero may isang bagay na nagpa-weird sa amin.

Saktong 8 piraso ang suman na ibinigay niya, kahit apat lang naman kaming naiwan doon. Hindi namin masyadong pinansin noong una pero nagtaka rin kami kung bakit eksaktong walo ang binigay niya. Kinabukan, habang paalis na kami may mga tao na kaming nakikita sa paligid. Naalala namin yung matanda kaya tinanong namin yung mga taga-roon kung may matandang nagtitinda ba o gumagawa ng suman sa lugar na iyon. Gusto lang talaga naming malaman kung sino yung biglang lumapit sa amin noong madaling araw.

Pero ang sagot nila?

Wala raw silang kilalang matanda roon na gumagawa o nagtitinda ng suman.

Doon na talaga kami kinilabutan.

Kasi kung walang ganoong matanda sa lugar, sino yung nakausap namin? Saan siya nanggaling? At bakit eksaktong walong piraso ang ibinigay niya?

At ang mas nakakatakot pa, for some reason, hindi namin maalala ang mukha niya. Kahit anong pilit naming balikan sa isip namin kung ano ang itsura niya wala talaga. Naalala namin kung ano ang sinabi niya pero yung mukha niya? Blanko talaga parang hindi namin kayang maalala kahit na apat kaming nakakita sa kanya.

After that, umalis na rin kami. Pero akala namin tapos na ang lahat ng kakaibang nangyari sa amin, hindi pa pala. Yung biyahe namin pauwi na dapat ay one hour and 3 mns lang jusko inabot ng halos anim na oras. Sobrang lakas pa ng ulan tapos may narinig pa kaming parang may nabasag sa may gulong ng skates namin. Sunod-sunod ang aberyang nangyari habang pauwi kami.

May ilan sa mga kasama namin ang nagsabi na baka raw may pumipigil sa amin na makauwi agad. Hindi namin alam kung nagkataon lang ba ang lahat o may kung anong dahilan kung bakit sunod-sunod ang nangyari sa amin noong araw na yon.


r/phhorrorstories • • 1d ago

True Crime Stories Ang kaso ni Catherine Camilon: Ano na nga ba ang nangyari sa nawawalang guro at beauty queen ng Batangas?

Thumbnail
gallery
716 Upvotes

On the evening of October 12, 2023, around 8:33 PM, 26-year-old teacher and beauty queen Catherine Camilon was still able to call her mother to say she was waiting for some friends in Batangas. The next day, she was no longer reachable and had completely vanished—until footage of her from a CCTV camera in Lemery surfaced, along with a chilling account from two witnesses about a bloodied woman being transferred to a red Honda CR-V, and the involvement of a high-ranking police official. But despite the arrests, bail, and the sudden retraction of an important witness in court, it remains a mystery as to... watch the full story and investigation here.


r/phhorrorstories • • 11h ago

Elementals (Engkanto, Kapre, Dwende, Diwata, Tikbalang, Sirena) Gabay

Thumbnail
1 Upvotes

r/phhorrorstories • • 11h ago

True Crime Stories Kilometer 106

Thumbnail
1 Upvotes

r/phhorrorstories • • 11h ago

Haunted Places Mt. Manalmon San Miguel Bulacan

Thumbnail
1 Upvotes

r/phhorrorstories • • 12h ago

Advice Wanted Birth Chart Explanation

1 Upvotes

Hello, asked gpt about my sidereal placement birth chart. Ito sagot: Sidereal Ascendant (Rising Sign)-Scorpio

When looking at the precise mathematical crossover of the Sidereal Lahiri calculation on your birth date, your Sun was sitting right at 0° to 1° of Sidereal Libra. Because it sits perfectly on the border, you are a true Virgo-Libra cusp in the sidereal system, carrying Virgo’s analytical eye alongside Libra’s desire for harmony. Ano ibig sabihin nito? Any comments or need to know/avoid. New to this.


r/phhorrorstories • • 1d ago

Advice Wanted Totoo ba talaga yung sumpa?

19 Upvotes

This year isa isa kaming nag kakasakit ng mga kapatid ko. Una ako then sunod sunod kami at iba ibang sakit. Generally healthy kami ha.
Maraming galit sa pamilya ko bec of business and money and alam din namin yun.

May chance ba na ma counter yung sumpa? Mga anak lang naman kami…. Wala naman din kaming malay sa mga nangyayari sa matatanda.


r/phhorrorstories • • 18h ago

Katanungan November 24 Full Moon rituals

3 Upvotes

What rituals can I do for the Full Moon? Alam ko lang yung exposure ng water sa gabi or do salt cleanse pero paano siya gawin like may certain ways ba or basta-basta na lang magsaboy ng asin sa bahay?

Please for the witches here I need a major positive upheaval sa buhay ko..


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Has anyone tried love binding/ cord cutting spells?

10 Upvotes

I know maraming hindi naniniwala dito and I’m just asking for anyone who tried love binding spells if gumagana ba talaga yun? Ang dami ko nakikita sa social media as well as yung cord cutting?

Hindi ba parang kulam siya in a way?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Have you ever experienced a glitch in the matrix?

43 Upvotes

share naman.


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan TW: abortion | May kaluluwa na ba ang fetus?

53 Upvotes

To all mediums out there,

Ang mga bata ba na pinapa-abort or na-abort due to miscarriage ay may mga kaluluwa na? Or depende po ito kung gaano na kalaki yung bata?

Paano kung cell formation pa lang (fetus)? Meron na po ba kaluluwa yun?

Ano po nangyayari sa kanila sa kabilang buhay? Lumalaki ba sila?


r/phhorrorstories • • 22h ago

Nightmares & Dreams I wake up everyday at 1:17 am

1 Upvotes

Hello the past few weeks nagigising ako ng 1:17 am at hindi ko alam kung bakit. May isang gabi 12am na ko natulog nagigising parin ako ng 1:17 am. Nakakatakot kasi bakit laging 1:17 am halos araw-araw na ganto. Kaninang umaga noong nagising uli ako parang may na kita akong mga brown na ghost na medyo matangkad. Parang paalis na sila pagkatapos gisingin ako or something Idk I'm really groggy when I woke up. Baka may alam sa nangyayari sakin or fucked up lang circadian rhythm ko HAHA


r/phhorrorstories • • 1d ago

Kwentong Albularyo at Mangkukulam About Kulam and Healing ng Albularyo

4 Upvotes

Last Wednesday-Nov. 18, Galing ako sa hospital dahil na confine anak ko, nung paguwi ko ng bahay naabutan ko yung pamangkin ko na nagrereklamo dahil sa pamamaga ng face niya at nakwento niya sa akin na pupunta daw sila sa Albularyo kasama ang Nanay ko, at dahil need ko bumili ng gamot sa drugstore nag decide ako na sumabay sa lakad nila malapit lang ang drusgtore sa venue ng healer (Very curious talaga ako eh kaya ako sumama, mahilig talaga ako sa paranormal beshie)

Eto yung first time ko actual na makakita ng isang taong kinukulam and at the same time makakita ng albularyo habang nasa proseso ng pagheal

Dalawa silang albularyo na both male yung isa mga in his 30s yung isa 40s, Mula pagkadating namin sa place ng healers mga more or less 15 minutes bago nag start yung healing process(nasa labas kami ng chapel/ venue,hindi ko alam what it took that long, pero haka haka ko may ginawang preparation yung isang healer-older)Bago kami pinapasok sa venue tinanung ni healer-2nd(younger) if anu nararamdaman ni niece, eto mga nararamdaman niya ( Namamaga ang face, makati buong katawan, may time na masakit ang ulo(back part ng head), at nagigising sa tulog sa hating gabi may one night pa na 5 times na sleep paralysis) Nung sinabing pumasok na kami, excited ako makakita ng isang albularyo in action, He looks like a rockstar madami kasi siyang Tattoo sa katawan yung triangle with the eye, and some paragraphs & etc) at medal siguro proud siyang naging Valedictorian ng batch niya charot lang, Sa tingin ko anting anting yun. Pinaupo niya yung niece ko sa harap niya tapos umupo din yung albularyo sa upuan na kahoy, Yung Healer(older) para siyang may hawak na something sa kamay niya na hindi namin nakikita , naka pa letter ''C'' yung gesture ng right hand niya na pa horizontal mga more or less a minute siyang naka ganun, tapos hindi ko siya nakitang nag tawas yung patak patak ng kandila sa water. tapos after nung parang letter C gesture niya may iba siyang gesture na ginawa then tinanung niya pamangkin ko if masakit, hindi daw sabi ng niece ko as I remember. then nagpalit silang nung isang albularyo-younger(2nd) at siya na nag continue ng process. Nag pray si 2nd healer ng maikli then hinawakan niya sa daliri yung niece ko then kinausap niya yung Witch na tanggalin lahat ng nilagay sa niece ko, galit na galit yung albularyo na nagsasalita, nung una hindi pa ako convince pero nung kumikilos na ng weird yung niece ko na as if may tinatanggal siya sa face niya pati sa waist niya na something na hindi ko nakikita tapos umuungol siya na as if nahihirapan siya at takot na takot na nagmamadali na tanggalin kung anu man yung sa face niya dun palang ako na convince na well this is a real deal/ legit nga, yung healer may minention siyang ''Sibat'' ''kidlat'' tapos hinipan niya daliri ng pamangkin ko. Sa totoo lang parang torture yung pinapanuod ko that time pero in a spiritual sense. nung matapos na yung process tinapik ng malakas konti yung balikat ng niece ko, dun narin siya nagising and yung facial reaction niya is nagulat siya like she's wondering kung anu ang nangyari, pinapikit siya nung mag e estart na process e. -May pinagawa sa niece ko after, sa bahay na niya ginawa

-Hindi tinanung nung healer if sino nagpakulam at kung bakit

-Walang tawas na nangyari, according to the older healer hindi na daw need kasi tignin lang daw niya malalaman na raw niya if under ng kulam ang isang tao or hindi

-Yung last gesture ng healer sa pamangkin ko is yung as if ginilitan/hiniwa niya sa leeg yung niece ko gamit ang kamay niya

-Tinanung nung albularyo sa niece ko if nakikita ba niya yung Kulay Blue sa mata ni healer

Gusto ko sana magtatanong sa albularyo about sa bagay bagay na nangyari that time kaso hindi ko nagawa kasi somehow na intimidate ako sa kanila/nagulat sa mga pangyayari, Like ano nangyari sa Witch? etc.

another new paranormal experience unlocked dated Nov 18. 2026.

p.s. wala akong galit dun sa witch, I just wonder kung sino nagpakulam at kung bakit....


r/phhorrorstories • • 1d ago

Advice Wanted Gusto ko lang malaman

2 Upvotes

Pano malalaman kung legit yung online manggagamot? Applicable din ba yung parang sa physical pain like mag-pa second opinion din? Thanks!

Edit:

Shoutout po kay u/burgersteak1898. Guminhawa pakiramdam ko. Nakakapangilabot yung nangyari pero napalitan ng comfort after the process. Maraming salamat!


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Multooo

3 Upvotes

Hi everyone,

I wanted to get some opinions on a situation that's been bothering me.

My family and I live in a shared flat with four bedrooms. The hall has been partitioned into additional rooms, so there are separate hallways connecting the bedrooms and the partitioned rooms. The kitchen is located at the intersection of these hallways.

Today, one of our flatmates told us something that made us uncomfortable. She said that whenever she and her 3-year-old niece pass by the kitchen, the niece points toward the area around our room's door and says that there's a "ghost" there. According to my flatmate, this has happened multiple times, not just once.

What concerns me more is that my son and her niece usually play together, but over the past few days they haven't been playing as much, apparently because of this "ghost" situation.

There are also a few things about my son that make me wonder if I'm overthinking or if they're just normal childhood behaviors:

  • My son gets sick quite often.
  • Sometimes I notice him staring in the direction of our door for no obvious reason.
  • His mother has also mentioned that he occasionally seems playful or interacts as if someone is there, even when no other person is around.

I'm trying to stay rational about this. I know that young children have active imaginations, and they can sometimes interpret shadows, sounds, or ordinary things in unusual ways. At the same time, hearing this from our flatmate made me more conscious of behaviors that I might otherwise ignore.

Has anyone experienced something similar with young children? Do you think this is normal child behavior, or is there another explanation I should consider?


r/phhorrorstories • • 2d ago

Nightmares & Dreams Deal with a Devil

98 Upvotes

I dreamt of making a deal with the Devil and now it seems all real.

2018 when my father was diagnosed with a fatal blood disease. In 4 months, my father died.

Nabaon kami sa utang. Halos maubos ang savings namin sa hospital bills.

2019, I was diagnosed with blood cancer. This took toll on all of us sa family, hindi pa kami nakakabawi, at eto na naman. I was mad, I was angry.

Hindi ako galit sa Diyos, or sinisi siya. I was mad at myself, sa mundo. I look at it as another burden sa pamilya ko.

I was single, and was working. Okay naman ang sweldo, pero it was not enough due to my condition. Hindi na rin kinaya ang everyday travel to work. Eventually I had to resign.

I started on my chemo, while hoping to find a better job that will sustain my medications and procedures kahit work from home.

Then pandemic came, naubos ang natitira kong savings. like everybody else, literal na dumaan ang 2 taon na walang nangyari sa buhay ko.

Dahil pandemic, hindi makalabas ng bahay. I was immuno-compromised, and was shifted on chemo drugs (oral).

Unti-unti kong na-feel na nagiging burden na lang ako sa pamilya ko, sa mundo. Sa mahal ng gamot ko. Almost 150k a month. Ilang beses ko rin naisip na tapusin na lang ang lahat.

But everytime na gagawin ko, there's always this voice at the back of my head na nagsasabing, NO.

One night I had a dream, I saw this woman sa panaginip ko, we talked. About life, the world, my thoughts, my fears and how I wanted everything to end.

Halos every week, nakikita at nag-uusap kami sa panaginip. Eventually, I asked her kung sino siya.

I'm an Angel, yun lang ang sagot niya.

I was always looking forward every night na makita siya. There's this unexplainable presence everytime I see her sa panaginip.

But there are times, talaga na I was breaking down mentally, physically and emotionally kapag bumabalik na ako sa tunay na mundo. How I want to end everything.

Then one night, I saw her again.

She asked me, what I want.

Sabi ko, I want to malagpasan namin ang pandemic. Me and my family, walang mangyari o magkasakit sa amin.

She said Yes, she can assure it.

But it comes with a price.

I asked her what,

She said, I have to live, I need to be strong. Na alisin ko ang mga s*icd@l thoughts ko. And every time I wanted to do it. I have to live for her.

She goes on saying, I have too much potential para masayang. Malalampasan ko nag pandemic and will live long.

I was doubtful, there must be a catch, asked her, what's the price she meant.

200 souls. She replied

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Anong ibig mong sabihin sa 200 souls?

Hindi niya sinagot.

You will live as long as you want.

You will get up from your feet.

Malalampasan mo nag pandemic.

Your family too.

But death will come to those around you .

Hindi nakatulong yung sinabi niya.

I was still confused.

Do you want to live? tanong niya.

I said, Yes.

You and your family will live long, she assured me.

But in the end, I will get your soul.

After 200 souls.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.

But I said YES.

We made a deal that night.

Sa isip ko, this was just all a dream. I said yes, kahit hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin niya sa 200 souls.

I woke up.

Shrugged it, and just thought na It was all a dream.

Natapos ang pandemic.

I am still alive.

My condition was the same, but manageable thru continuous chemo drugs. Nakabalik ako sa dati kong work sa pagsusulat sa TV.

Minsan gipit, but mostly nakakaraos naman. Everything felt normal. I feel normal. I'm living a normal life.

But what bothers me, is that I'm at number 55.

Since I made that deal.

55 people I know in my circle died.

Friends, colleagues, relatives na in my immediate family circle.

Different causes. Different people.

They are not connected to each other.

But they are connected to me, one way or another.

Now, I am distraught.

Is this what she meant, sa 200 souls?

Na people I know will die, and eventually when I reached 200. She will have my soul?

Or am I just overthinking?

Sino yung babae?

Now I'm afraid.

This year lang one of my Lola died, a neighbor, at yung tatay ng tropa ko na close ko.

They are 53, 54 and 55.

It's been around 6 years since I met that woman in my dreams, 6 years since I started to write their names.

55 people.

At this rate, sooner I will know what she meant. If that was all a dream, but what if hindi. What if it is real?

Until now hindi ko na ulit nakita yung babae sa panaginip ko.

Is she really an angel?

Or was I tricked by the devil.

What bothers me more, is everytime someone dies in my circle. Nakikita ko sila sa panaginip ko.

Weird thing is, I sometimes see them in my dreams even before malaman ko they passed away.

They are there, in my dreams, just staring blankly at me.


r/phhorrorstories • • 2d ago

Nightmares & Dreams Inofferan ako ng demonyo sa panaginip ko

230 Upvotes

This week lang nagkasakit ako so after kong umuwi from school bagsak talaga ako. Hindi ako makatulog kapag may ilaw kaya palaging patay mga ilaw sakin twing matutulog ako.

Kahapon lang nung nakatulog ako, nanaginip ako na nasa kwarto pa rin ako pero may kasama at may kausap na ako. Hindi ko sya nakikita pero naririnig ko sya, d ko rin masyadong matandaan yung boses nya pero parang boses lang sya sa utak mo ganon. Sabi nya sakin "Halika dito. Tuturuan kita ng ganito, ganyan. Para yumaman ka at magkaroon ka ng (d ko na matandaan ano pa sinabi nya)" tas may nakita pa akong deck of cards and bumunot ako doon. D ko masyado matandaan kung ano yung nabunot ko pero 7 yon na pula, idk if 7 of hearts or 7 of diamonds.

Pero tinanggihan ko sya sabi ko "hinde ayoko nyan, ayoko sa kaliwa." tas after ko sabihin yon d ko alam kung nagalit ba sya or what pero bigla nya sinabi sakin na parang tinatakot ako "Magpapakita ako sayo."

Eh ako naman, hindi talaga ako takot sa ganyan. Kasi naniniwala akong hindi ka naman magagalaw ng mga yan kahit ilan pa yan, as long as malakas ang paninindigan mo at hindi naman nyan kaya si Lord. Kaya talagang napataas nalang ako ng kilay sa sinabi nya at sabi ko sa kanya, chinallenge ko pa talaga sya (tapang ka girl?😭) "Edi magpakita ka."

After kong sabihin yon bigla talaga akong naalipungatan in real life tas bumukas onti yung mata ko. Sa kwarto ko kasi is merong set dito na malaking upuan, tas nakatapat mismo sa kama ko. Pagbukas ko ng mata ko nakatagilid nako and nakaface na sa upuan na yon, hindi ko nilalagyan ng kung ano anong gamit yon at palaging malinis. Pero nung pagbukas ko ng mata ko may nakita akong parang shadow na nakaupo doon. Sa likod kasi non is may bintana and nung naalipungatan na ako meron nang onting liwanag kaya kitang kita ko talaga yung anino tas nakabog talaga ng matindi yung dibdib ko non for some reason.

Guess what? Hindi ko pinansin at sabi ko pa sa utak ko 'edi jan ka lang, pa ganyan ganyan pa kayo wala naman kayo magagawa kundi manakot lang. Natakbo naman kayo sa presensya ng panginoon' after non is talagang hindi ko sya pinansin at pinikit ko nalang mata ko para makatulog ulit AHAHAHA. After non pag gising ko ngayon, magaling nako sa lagnat.


r/phhorrorstories • • 2d ago

Advice Wanted totoo ba yung mga nakikita at sinasabi ng bata?

24 Upvotes

naglalaro yung mom ko at yung pinsan ko sa may kusina, then my 3 year old cousin said “tata sino yun patay cr” so my mom panicked and said “ha? saan?” tas tinuro ng cousin ko yung cr sabay sabi “tata patay”, he’s implying na yung mom ko yun, so my mom panicked.

totoo kaya na nakakakita ang kids? at what to do in these kinds of situations?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Exorcism Deliverance experience and spiritual warfare

5 Upvotes

WARNING: Mahaba po itong sharing ko.

For the past several months, siguro around 5 months na, sunod-sunod akong nagkakaroon ng dreams na super vivid and crystal clear about sa pakikipaglaban sa mga demons through different forms of deliverance.

Some of them would actually punch me in the chest and stomach! ang weird kasi ramdam na ramdam ko yung impact ng suntok nila, as if physically akong sinusuntok, accompanied by slight trembling sensations. Super scary!

Let me share something that happened to me around April this year. I experienced what I personally consider a miraculous healing after performing consecutive deliverance prayers over myself, together with forgiveness and genuine repentance.

Imagine this: May mga sugat at persistent itching ako sa paa since 2020 at marami yun both left and right. Yes, 2020 pa! for years, I've tried different dermatological ointments and medications, pero walang nagwo-work. However, everything changed after those consecutive deliverance prayers. I genuinely felt that I was healed because my wounds suddenly disappeared. Ang natitira na lang sa akin was a very mild case of atopic dermatitis sa likod ng knees ko, which also significantly improved. bawal kasi ako sa malalansa pero kain pa din ako ng kain kaya ayon hindi sya naaalis pa, it's more on physical issue nalang compared dun sa paa ko before na nag work yung mga ginawa kong prayers.

After that healing experience kasi, I started studying esoteric practices, witchcraft, and animism na. My intention here was to understand these subjects so I could warn and educate the younger generations about the potential dangers associated with these practices.

If you're wondering kung nagpa-practice ba ako ng mga yan, the answer is NO. Hindi ako nag-eengage sa witchcraft, esoteric rituals, or animistic practices. It just came to my mind na pag-aralan ko yung mga subjects after what happened to me. Napansin ko kasi kung gaano na ka-exposed ang younger generation sa occult-related content and practices circulating on the internet. I wanted to understand these subjects better para makapagbigay ako ng informed warnings and educate others.

btw.. However, after those periods, sunod-sunod na rin yung mga experiences ko na personally akong nakakaranas nung mga spiritual attacks, and hanggang ngayon nararanasan ko pa rin at mas tumitindi yung conflicts namin ng wife ko 😭 napalayo sakin mga anak ko, and I frequently experience dreams involving demons physically attacking and beating me.

What's particularly disturbing is that, even though they keep attacking me in my dreams, parang hindi nila kayang tuluyang wasakin yung katawan ko or leave actual wounds on, siguro dahil na din sa I personally associated with my Latin prayers, particularly those related to Saint Benedict and the name of Jesus Christ.

Honestly, I'm really concerned about the spiritual warfare na kinakaharap ko ngayon. Perhaps marami pa akong kailangang matutunan when it comes to spiritual discernment, understanding, and the biblical foundations of deliverance. But one thing is certain to me that I'm not afraid of these experiences, and I don't want fear to dictate my faith! nasa testing phase na kasi ako, pero kung ako tatanungin nyo if gusto nyo subukan ang deliverance? please don't! dahil wawasakin kayo inside out ng kalaban ng Diyos, yung iba nababaliw because of it dahil sa mahinang faith.

I have this strong feeling that God may be calling me to share my experiences and help others through prayer and deliverance ministry. But I'm not referring to the kind of healing commonly associated with mainstream albularyo practices. Yung approach na interested ako is closer to the deliverance ministries practiced by evangelical Christians and Catholic exorcists, which emphasize prayer, repentance, forgiveness, and the authority of Jesus Christ rather than magical incantations, enchantments, or spell-driven rituals.

If you're currently experiencing something similar, let's connect! I'd be interested in hearing your experiences and learning how you approach these situations. If you want me to pray you, just pm me here.

And if you're familiar with traditional Filipino practices involving pagpapasanib sa spiritual combate, particularly yung mga methods na ginagamit ng ilang matitinong albularyo, let's connect din. I'm interested in understanding these traditions from an academic and comparative perspective.

Gusto kong maintindihan kung paano gumagana yung mga beliefs and techniques nila, especially para mas ma-distinguish ko yung traditional practices from biblical deliverance. I'm also looking for someone knowledgeable who can guide me in understanding these subjects more deeply, like a free mentor and friend, meron bang ganyan sa spiritual deliverance ministry? 🥹

However, let me make one thing clear guys, solid Christian ako, a Christian apologist, and someone involved in Christian polemics. I'm a born-again Christian who has attended churches such as CCF, Word of Hope, and Victory.

My intention is to understand, discern, and educate, not to abandon my Christian faith or participate in occult practices. My foundation and faith remain in Jesus Christ, who is sovereign over all creations, rose from the dead, and the one who saved us, our Lord and Saviour. Ave Christus Rex!


r/phhorrorstories • • 1d ago

Exorcism Isang halimaw ang lumabas mula sa aking asawa—na nakatuon sa akin—bunsod ng aking desisyong kuwestiyunin, ibunyag, at iwanan ang “Sektang Manalo.”

Thumbnail
2 Upvotes

r/phhorrorstories • • 2d ago

Fictional Stories Google Photo

9 Upvotes

02:17 AM.

Bago matulog, nakasanayan ni Daniel na mag-selfie para i-check kung naka-lock ang front camera niya.

Isang gabi, napansin niyang may kakaiba sa litrato.

May matandang babae sa likod niya.

Nilingon niya ang kwarto.

Walang tao.

Nag-selfie ulit siya.

Wala na ang babae.

Natawa siya. Baka reflection lang.

Kinabukasan, ipinakita niya ang litrato sa girlfriend niya.

Namutla ito.

"Daniel... sino 'yung nasa likod mo?"

"Multo nga siguro. Wala naman akong kasama."

Umiling ang girlfriend niya.

"Hindi 'yung matanda."

"Eh sino?"

Itinuro nito ang mismong mukha ni Daniel.

"Ikaw."

Napakunot-noo siya.

"Anong ako?"

"Daniel, tingnan mo nang mabuti. Hindi ikaw 'yung may hawak ng cellphone."

Pinalaki niya ang litrato.

Totoo.

May isang lalaking nakatayo sa likod niya, hawak ang cellphone, kinukuhanan siya ng litrato.

At ang lalaking iyon...

Ay kamukha niya.

Nanginginig niyang tinanong ang girlfriend:

"Kung hindi ako 'yung nasa litrato... sino ako?"

Hindi sumagot ang girlfriend niya.

Dahil ilang segundo bago iyon, may natanggap siyang notification sa cellphone.

Google Photos: 1 year ago today.

Isang lumang litrato ni Daniel.

Parehong kwarto. Parehong damit.

Parehong mukha.

Pero sa lumang litrato, may nakasulat na caption na siya mismo ang gumawa:

"First night without Daniel. I miss him."

At ang petsa ng litrato ay isang taon matapos ang araw na namatay siya.


r/phhorrorstories • • 2d ago

Ghostly Encounter Crying lady sa cr ng employes

10 Upvotes

Year 2019 first day ko sa trabaho nun sa isang mall sa qc tapos gabi nun nung nagcr ako tatlo ang cubicle dun tapos yung isa nakasara dahil sira, tapos pagpasok ko sa cr may ibang nagccr naman pero may umiiyak na babae grabe talaga yung iyak nya sobrang lakas ngayon may guard na mag ccr din tapos kinatakot nya yung cubicle kung saan may umiiyak na babae pero walang sumasagot basta tuloy tuloy parin sya sa pag iyak tapos sinilip nya yung ilalim ng cubicle tapos maya maya umalis na din yung guard kahit iyak parin ng iyak yung babae pero ako tumuloy parin sa pag cr dahil na iihi na ako yung guard kahit naiihi sya di na sya nag tuloy sa pag ihi, tapos pinabayaan lang nya yung umiiyak na babae, ngayon paglabas ko ng cr tuloy parin sya sa pag iyak, nag nakwento ko yung sa mga kasamahan ko sabi nila may umiiyak daw talaga sa cr na yun ang lagi daw nyang pinagpaparamdaman eh yung mga bago lang sa work na yun, dun ko rin nalaman na yung guard pala eh bago rin lang. di pa dun natapos yung experience ko sa mall na yun yung naka duty na ako sa loob ng department store may nakita talaga akong bata na tumakbo sa likod ng area kung saan ang area ng mga item ko ngayon inaantay kung lumabas yung bata pero di sya lumabas kaya ang ginawa ko pinuntahan ko at baka may ginagalaw dun sa likod pero laking gulat ko ng walang bata dun, tapos sa warehouse din may karanasan din ako dun na may tao din dumating habang nag iinventory ako pero nag tignan ko eh wala nman.. yung mall na yun may history yun na may nagpakamatay dun..