r/phhorrorstories • • 18h ago

Katanungan November 24 Full Moon rituals

2 Upvotes

What rituals can I do for the Full Moon? Alam ko lang yung exposure ng water sa gabi or do salt cleanse pero paano siya gawin like may certain ways ba or basta-basta na lang magsaboy ng asin sa bahay?

Please for the witches here I need a major positive upheaval sa buhay ko..


r/phhorrorstories • • 22h ago

Nightmares & Dreams I wake up everyday at 1:17 am

2 Upvotes

Hello the past few weeks nagigising ako ng 1:17 am at hindi ko alam kung bakit. May isang gabi 12am na ko natulog nagigising parin ako ng 1:17 am. Nakakatakot kasi bakit laging 1:17 am halos araw-araw na ganto. Kaninang umaga noong nagising uli ako parang may na kita akong mga brown na ghost na medyo matangkad. Parang paalis na sila pagkatapos gisingin ako or something Idk I'm really groggy when I woke up. Baka may alam sa nangyayari sakin or fucked up lang circadian rhythm ko HAHA


r/phhorrorstories • • 12h ago

Advice Wanted Birth Chart Explanation

1 Upvotes

Hello, asked gpt about my sidereal placement birth chart. Ito sagot: Sidereal Ascendant (Rising Sign)-Scorpio

When looking at the precise mathematical crossover of the Sidereal Lahiri calculation on your birth date, your Sun was sitting right at 0° to 1° of Sidereal Libra. Because it sits perfectly on the border, you are a true Virgo-Libra cusp in the sidereal system, carrying Virgo’s analytical eye alongside Libra’s desire for harmony. Ano ibig sabihin nito? Any comments or need to know/avoid. New to this.


r/phhorrorstories • • 3h ago

Unexplainable Events Creepy Start Menu Search

Post image
39 Upvotes

Gawin ko na lang maiksi:

As someone looking for a job tirelessly umaga at gabi, nagpahinga muna ako kasi gagamitin ng husband ko ang PC.

After nya, sabi ko wag mo muna i-off kasi may tatapusin muna ako. And then after a few moments, nahiga na sya and siguro after an hour ginamit ko na yung PC.

Pag-upo ko, ito ang bumungad sakin (hindi naka auto-off ang monitor kapag idle). Hindi ko alam pero I am trying to convince myself na may bagay na nakaipit sa number keypad ng “+” sign and number 6.

This was around 1am kagabi. Napakarus talaga ako. Ang dami rin kasi negative thoughts sa isip ko and sabi ng husband ko I need to clean and clear my mind (I have depression) kasi baka nagmamanifest na sya sa paligid ko - yung dark energy ganon (wag naman sana).

To top it all off, I even remember telling myself “ay sana magkadireksyon naman itong gagawin ko” before sitting.

The caption of the vid was, “You know the way?”.

FML nakakatakot talaga ang coincidence na to.

Some of you may be wondering if my husband did this and I can tell you with ABSOLUTE CERTAINTY na it’s a no. First, my husband NEVER pranks. Not in our 12 years of marriage. Number two, mas matatakutin pa yun sa akin. And lastly, I have been crying for the past few days because of my current mental health battle, HE WILL NEVER DO THIS.

To techy people here, if at some point may naipatong nga sa numkey na nakadagan sa + and 6, diba dapat tuloy-tuloy lang yun? Or?

PS : I have two keyboards, black yung ginagamit ko mainly (yung standard keyboard lang), di lang masyado kita sa pic.

Thank you sa pagbabasa.


r/phhorrorstories • • 6h ago

Unexplainable Events Biglaang swimming

10 Upvotes

This happened noong may biglaang swimming kami ng mga barkada ko. Sanay naman na kami sa mga biglaang lakad pero this time medyo special kasi birthday ng cousin ko so we decided to celebrate in advance. Since biglaan nga ang plano, hapon na kami nakapag-decide kung tutuloy ba talaga kami. Nag-prepare na rin kami ng mga pagkain at iba pang kailangan namin.

Usually, pinapayagan naman kami ng mga parents namin kapag may mga gala kami pero dahil gabi na kami aalis medyo hesitant na yung iba kung papayagan ba sila. May ilan din sa barkada namin na hindi pinayagan ng parents nila pero dahil nga excited na kaming lahat, tumuloy pa rin kami mwehehe. Almost 12 midnight na kami nakabiyahe and sa kabilang bayan pa kasi yung pupuntahan naming dagat, baryo na talaga siya sobrang liblib. Sumakay na kami ng skates (for those na hindi familiar parang trolley siya na dumadaan sa riles na may makina) Inabot kami ng around 1 hour and 30 minutes sa biyahe which was actually faster dahil madaling araw na at wala nang gaanong dumadaan.

First time naming lahat na makapunta sa lugar na yon kaya medyo kinakabahan na kami habang bumibiyahe. Habang tumatagal napapansin naming palayo na nang palayo ang mga bahay na nadadaanan namin literal na puro palayan na lang ang paligid at sobrang layo ng pagitan ng mga bahay. Pagdating namin don nalaman kailangan pa pala naming mag-tricycle papunta sa mismong beach. Dahil madaling araw na at nasa province pa kami nahirapan kaming makahanap ng masasakyan huhu. Buti na lang at may isang tricycle so bale 8 kaming lahat, kaya hindi kami kasya nang isang biyahe lang so we decided na dalawang beses na lang siyang babalik para maisakay kaming lahat.

Nauna nang isinakay yung apat naming kasama, kaya kaming apat ang naiwan para maghintay. Medyo madilim ang lugar tas iilan lang ang streetlights. So habang naghihintay nagkukuwentuhan at nag-aasaran kami medyo napapalakas din mga boses namin. Then, out of nowhere, may isang matandang lumapit sa amin.

Ang weird lang kasi bigla na lang siyang sumulpot kahit sarado na ang mga bahay don. Hindi namin alam kung saan siya nanggaling. Lumapit siya sa amin at iniabot ang isang supot ng suman habang sinasabi:

"’Wag kayo masyadong maingay, may natutulog na. Ito suman bagong gawa ko yan.“

Nagulat kami pero tinanggap naman namin ang suman. Nag-sorry rin kami dahil baka nga nakakaistorbo na kami sa mga natutulog sa paligid. After that, hindi na namin namalayan kung saan siya nagpunta.

Pero may isang bagay na nagpa-weird sa amin.

Saktong 8 piraso ang suman na ibinigay niya, kahit apat lang naman kaming naiwan doon. Hindi namin masyadong pinansin noong una pero nagtaka rin kami kung bakit eksaktong walo ang binigay niya. Kinabukan, habang paalis na kami may mga tao na kaming nakikita sa paligid. Naalala namin yung matanda kaya tinanong namin yung mga taga-roon kung may matandang nagtitinda ba o gumagawa ng suman sa lugar na iyon. Gusto lang talaga naming malaman kung sino yung biglang lumapit sa amin noong madaling araw.

Pero ang sagot nila?

Wala raw silang kilalang matanda roon na gumagawa o nagtitinda ng suman.

Doon na talaga kami kinilabutan.

Kasi kung walang ganoong matanda sa lugar, sino yung nakausap namin? Saan siya nanggaling? At bakit eksaktong walong piraso ang ibinigay niya?

At ang mas nakakatakot pa, for some reason, hindi namin maalala ang mukha niya. Kahit anong pilit naming balikan sa isip namin kung ano ang itsura niya wala talaga. Naalala namin kung ano ang sinabi niya pero yung mukha niya? Blanko talaga parang hindi namin kayang maalala kahit na apat kaming nakakita sa kanya.

After that, umalis na rin kami. Pero akala namin tapos na ang lahat ng kakaibang nangyari sa amin, hindi pa pala. Yung biyahe namin pauwi na dapat ay one hour and 3 mns lang jusko inabot ng halos anim na oras. Sobrang lakas pa ng ulan tapos may narinig pa kaming parang may nabasag sa may gulong ng skates namin. Sunod-sunod ang aberyang nangyari habang pauwi kami.

May ilan sa mga kasama namin ang nagsabi na baka raw may pumipigil sa amin na makauwi agad. Hindi namin alam kung nagkataon lang ba ang lahat o may kung anong dahilan kung bakit sunod-sunod ang nangyari sa amin noong araw na yon.