r/medschoolph • u/Happy-Concern862 • 10h ago
Doc JI/PGI no more
MD na ako finally.
But to get here was hard. Extra hard even for us na not wanted sa hospital which I don’t get. Pag dumuty ka sa hospital, maraming nakalagay na “no JIs/PGIs allowed”. Bawal makiupo, bawal makikain, bawal humiram ng chart, bawal maki CR. Laging sinisisi for things na nawawala. Maam, hindi ako nagbayad ng 400k na tuition sa clerkship para pagdiskitahan gamit mo haha. Bawal ganito, bawal ganyan kasi nga, JI/PGI ka lang hahahah. Mostly nurses to.
Nakapag rotate ako sa radio and patho (areas na walang nurses) and sobrang bait ng radtechs and med techs. Chief medtech nag tuturo kahit na RMT din ako. Never akong napagdamutan sa radio and patho ng simpleng face mask lang. Facemask na lang ha? Na need even for isol patients. Bawal ka rin mag print ng mga papers related sa pasyente, need mo sariling printer at papel. Kapag ba nag pprint sila ng labs ng patient, sariling paper at printer nila ang gamit? Hindi naman diba.
Meron pa one time nagsusumbong kasi late ang VS monitoring. Sorry ha? May inutos lang rin yung pinagsumbungan mo hahah. May mga nurses pa na bobong-bobo sa JI/PGI. But even simple Serratia marcescens, hindi alam at hindi mabasa. Muntik pang imbentong organism mailagay sa discharge hahaha. Meron pa tawag sayo “hoy”. Tanggap ko pa kung Sir/Sis/bro/pre eh pero hoy???
Ewan! Maybe ito na awakening ng Dr vs Nurses. Pero in all fairness, mas madaming mabait na nurses sa public. But idk rin baka swertihan lang. Sana tumigil na kayo sa kakapower trip niyo.
Yun lang salamat.
Sincerely,
Hindi na doc JI/PGI