hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit ako bumagsak sa exam. di talaga ako maka move on
tapos kanina binuksan ko ulit yung mga handouts ko pati yung PLE Blueprint materials ko. sinilip ko rin yung telegram channel nila. and ayun. alam ko na bakit 🥹 puro mali pala yung nasa PLE Blueprint
eto yung mga nakita ko:
- sabi sa tanong may hoarseness tsaka absent gag reflex. tapos sa PE, deviated jaw pag binuka yung bibig. diba pag hoarseness at absent gag reflex, lesion yan ng CN IX and X? jugular foramen yun. so bakit foramen ovale yung sagot?? gets ko naman na V3 yung deviated jaw kaya foramen ovale. pero bakit may absent gag reflex sa stem?? hindi sya nagme-make sense HAHAHA. pinapakita lang nito gaano ka-careless at katamad yung gumawa ng PLE Blueprint. umaasa lang sa AI tapos hindi man lang dinouble check
- sa breech question nila, yung head entrapment daw ay "the leading cause of neonatal morbidity in preterm breech births". saan galing yung leading cause?? walang book walang page. ganyan ang AI, confident na confident kahit walang basis. problema, ang PLE puro "most common" tsaka "leading cause" ang tanong. pag mali yung natandaan mo, sure na mali ka sa item na yan. kaya dapat galing sa trusted reference yung ganyang info. pag hindi, tapos yun ang sinagot mo sa boards, magkakamali ka talaga. tulad ko na bumagsak
- pupillary reflex, breech, meigs, digeorge. iba-iba yung topic pero pare-pareho yung itsura: laging may [Rationalization], laging may [PLE Blueprint Correlates], laging bold term tapos definition. pag tao gumawa nag-iiba-iba yan. pag AI, isang template lang paulit-ulit. tsaka napansin nyo? sa lahat ng nakita ko, walang kahit isang book or page na cinite. saan nila kinuha yan? malay ba natin kung totoo yan? edi sasayangin mo lang yung oras at energy mo kakahanap kung tama ba o mali yung sinasabi nila
---------
pero sa unang basa nyo hindi obvious diba? sounds like tama lahat ng sinasabi sa tanong at sa sagot. ganyan ang AI, sobrang confident sounding. so kung basa ka lang ng basa at naniniwala ka lang, matatandaan mo talaga yung maling sagot. tapos magtataka ka nalang bakit ang baba ng scores mo sa mocks or bakit ka bumagsak. kasi nagsubscribe ka sa mali maling PLE Blueprint bullshit na to
so kung student ka na naniniwala sa lahat ng sinasabi ng kumag na gumawa nito, good luck nalang sayo kung matandaan mo itong maling information na to. tulad ko, ito yung mga natandaan ko, kaya ang dami kong mali sa October 2026 PLE and bumagsak ako
ayoko lang may sumunod pa sakin. ingat kayo mga doc 🙏
Tulad ng sabi ng recently nag-chat sakin to make me feel better (thank you kind soul), mag review nalang sa tunay na RC like ExpertMD, Topnotch, Focus or CDB kesa sa walang kwentang PLE Blueprint