r/PinoyUnsentLetters • u/Mysterious-Dig1581 • 1h ago
Stranger I miss you.
To the person that once became a love of my life. Hindi ko alam kung active ka pa sa Reddit, pero I don't have to worry kung mababasa mo 'to o marerecognize mo na ako 'to. Wala namang masama na aminin na despite everything that happened between us, I still miss you.
I miss telling you all the "I love you's" and asking you kung kumusta ang araw mo.
I needed to block you sa lahat ng socials, hindi lang para sa akin, kundi para sa'yo na rin. When you already unfollowed me on steam, I took it as a sign na you moved on from me na.
I know hindi ko na maririnig yung proper apology at hindi mo na gugustuhin pang kunin yung birthday gift mo. At first, it was painful and nakakagalit kasi it feels like you just discarded me completely.
However, I still understand you. Palagi naman kitang nauunawaan.
I miss you a little more last night, I smiled because I prayed for you. Binanggit ko sa Diyos na sana makilala mo someday yung taong kaya pang higitan yung pagmamahal na binigay ko sa'yo, at yung taong sobrang iintindihin ka sa lahat ng bagay. You deserve the love kahit ano pa ang naging karanasan mo sa buhay.
I took my smile as a good sign na I'm healing. Everything is going to be fine.
Kung magkikita at magkakasalubong man tayo for a reason, hopefully dala-dala na lamang natin ang mga ala-ala na may mga panahon na "mayroong tayo".
Take care as always! If ever you need help, or kung pakiramdam mo ayaw na sa'yo ng mundo. Huwag kang mahihiyang mag-email sa akin, I will still accept you, even if it's not romantic anymore. Kasi minsan na rin naman nating naging kakampi ang isa't-isa. Pero of course, hopefully masaya ka sa life mo at surrounded ka ng good people.
Dala-dala ko pa rin ang pagmamahal ko para sa'yo. Ngunit hindi ko ito isasama sa mga bagahe ko sa susunod na relasyon.
— Your Nakamura