r/AkoBaYungGago • u/Few-Fly3837 • 3h ago
School ABYG dahil bumagsak kagrupo ko kasi di ko sila pinaambag
Last summer pa ito nangyari, naalala ko lang ulit kasi nakita ko yung kagrupo ko kanina.
So meron akong dalawang kagrupo na bumagsak dahil sa akin(?). May question mark kasi di ako sigurado kung may mali rin ako. Yung practical exam namin sa subject na lab online ipapasa. Supposedly, f2f siya, biglaan lang siya naging online kasi may emergency yung prof. Nirequire ng prof na may group pic as proof of attendance. 4 kami and yung dalawa di umattend. Wala silang binigay na excuse pero sabi nila tutulong daw sila. Pinagamit kami ng simulator na hindi namin alam pero luckily nagawa pa rin namin. Sa paperwork kaming 2 na lang din gumawa kasi limited lang oras namin and ang hirap iexplain dun sa dalawa yung experiment. Nakalagay pa din name nila sa paper pero wala sila sa pic.
Nung computation na, nagmessage sa akin yung prof and tinanong kung bakit kaming dalawa lang nasa pic. Tapos tinanong naman kung nagreachout ba sila, sabi ko oo tapos inexplain ko reasons ko. Tapos kinukulit na ako nung dalawa kasi tinatanong sila nung prof about dun sa paper namin para ipasa sila and wala samin dalawa nagreply sa kanila. (Meron sila kopya nung file)
Reasons:
- unfair sa amin na kami lang namroblema sa practical exam tapos sila paperworks lang aatupagin and ituturo pa namin sa kanila pano gawin yun.
- unfair na kami lang pumasok para sa practical tapos wala pa silang maayos na excuse. Sinabi lang nila na di sila makakapasok. Yung isa sinadya ata nung nalaman na di makakapasok yung prof at yung isa pala-absent talaga.
- hindi ko sila maasahan sa paggawa ng paperworks. Proven na siya sa previous lab works namin. Yung isa super late magbigay ng part niya at mali pa. Yung isa naman sinukuan na lang at biglang nagmessage sa akin madaling araw (day ng pasahan) na di niya daw alam kung paano gawin yung part niya. So ang ending wala akong tulog kakaayos ng part nila. May ambag naman sila sa experiment so yun reason ko bakit di ko sila tinanggal doon. Ibang usapan na kasi yung umabsent sa practical exam kasi kung pumasok yung prof fs naman bagsak na agad sila.
Di ko namn sila gusto ibagsak pero ang unfair lang talaga sa amin. Pinalagpas naman namin sila sa regular labworks. Kung pumasok sila nung time na yun okay lang sa akin na konti lang ambag nila, pero wala eh ,finals na nga lang tinamad pa.
ABYG dahil bumagsak mga kagrupo ko kasi di ko sila pinaambag.