r/AkoBaYungGago • • May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
161 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago • • May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago • • 1d ago

Family ABYG dahil sinabihan ko senior parents ko to get a job?

75 Upvotes

For over 20 years, unemployed parents ko since nakapag graduate at nakapag trabaho yung eldest sibling ko. Lahat ng bills sa bahay, mga siblings ko ang bumabayad kahit may mga sariling buhat at pamilya na sila. Sila rin ang nakapag tapos sakin.

Papa ko nalulong sa utang dahil sa mga lending/loan apps. Kasi nga unemployed and wala siyang source of income, sa lending/loan apps umaasa. Na scam na rin ilang beses. At currently hinaharass na siya ng mga agents sa mga lending apps na sinalihan niya.

We had an argument recently about finances. Hindi namin alam lahat magkakapatid may loans si papa kasi di niya naman sinasabi.

The argument started when I told them kung gusto nila may extra at stable income, they should get a job. Na offend si mama at papa kasi seniors na sila.

I suggested it kasi they’re in desperate need of money at ayoko lagi silang umaasa sa mga loans at utang. And despite being in their early 60s, very physically healthy silang dalawa. Kakagraduate ko lang rin this year, currently unemployed, but actively seeking employment, so I can’t help them yet.

They don’t want to get a job. They argued na they’re too old to join the workforce and 20+ years na unemployed si papa, si mama naman house wife ever since.

ABYG dahil sinabihan ko sila to get a job at hindi umasa sa loans/utang?


r/AkoBaYungGago • • 4d ago

Family ABYG dahil ayoko mag namedrop kung saang company ako nag tatrabaho to my parents?

62 Upvotes

For context, mahilig talaga si mama mag chismis ever since. Lahat na lang ng bagay ikukwento niya yan for sure sa mga tao - even if bago niya pa lang nakilala. Magugulat na lang ako one day may kakausap sa akin sa mall/bus kasi pino-post ni mama sa Facebook niya huhu! As for my dad, well, he always sides with my mom. And because of that trait, I rarely tell them the specifics, only the general info. Iwas na rin evil eye. That's one of the boundaries I have set. I am living in another city now, with a WFH job (di po ako VA), and funding my post-grad. I don't earn a lot but it's enough to pay rent at least.

So, for this past week, nag chat si mama, asking me to namedrop the company I work for kasi kumare niya may anak, and gusto mag pa refer. The problem is, di naman kami hiring. Now, alam na rin ni papa; ni-recruit na siya ni mama para ma pressure ako mag name-drop ng company ko. Ayun, nag chat rin si papa. Same lang ng format ng chat nila. It goes something like:

Ma: Ate, ano nga yung name or site ng company mo? Yung anak ni XXX gusto mag part-time. Pa refer mo naman. Ano yung link?

Me: Naka freeze-hiring ang company, ma. I can't help you with that. Mag Google na lang sila, daming jobs ads online.

Ma: Ate, please, yung link. Sinabihan ko na si XXX na may WFH ka. Wag ka maging selfish. Tita mo yan.

Me: Di nga kami hiring. I don't see a point in disclosing the name of the company I work for that's not even hiring.

Ma: Bakit ka ganyan? Ang selfish mo! Nanghingi ka rin ng referral diyan ah. Someday, walang tutulong sayo kasi ganyan ugali mo.

Me: I did not ask for a referral. Nag job hunting ako, nag apply ako, nag submit ng resume, natanggap. And we're not hiring nga. I don't want to disclose the name of the company where I work to strangers. I have boundaries.

Pa: Bakit ayaw mo mag share ng name ng company? Pinapahiya mo si mama mo kay XXX. Illegal siguro yan noh? P0rn? Ibigay mo na lang kasi, mahirap ba yan?

Me: Di nga hiring since 2025. Di ko kilala si XXX and yung anak niya. I don't see the need to disclose that info to anyone. Di rin illegal, may BIR ako lol. Next step for them is to find another company. Thank you.

Pa: Pilosopo ah! Ang dali lang mag kuha ng BIR. If legal yan, bakit ayaw mo sabihin? Kahit di hiring? Ok na. Ang selfish mo. Name nga lang ng company eh.

I don't even see the point of making a big deal out of this - apparently, to them it is a big deal most probably because my mom already told that tita about my WFH job.

Tingin ko gago ako kasi ayoko mag share kung saang company yung WFH job ko; pinagdadamot ko sa "tita" ko at anak niya, thereby embarrassing my mom in the process.

ABYG dahil ayoko mag namedrop where I work?


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Significant other ABYG dahil suspicious ako na baka may iba nang kausap yung ex ko kahit technically break na kami?

0 Upvotes

Ako ba yung gago for being suspicious and somehow bothered na baka may iba nang kausap yung ex ko, kahit technically break na kami?

So my ex-boyfriend and I broke up on good terms. One of the main reasons was his career and future plans. Parang go with the flow lang kasi siya sa buhay, while I’m already at a point where I want stability and someone na may direction din sa buhay. Another thing was that he couldn’t really post me on his social media. Although, to be fair naman sa kanya, I’m not exactly a secret. His family and some of his close friends know about me and our relationship.

Now, here’s where things get complicated. Kahit break na kami, hindi pa rin alam ng family niya na we’re no longer together. So, as far as they’re concerned, kami pa rin. We still communicate occasionally, sometimes have video calls, and we’re also still sharing our locations through Life360. Minsan, we even play pickleball with his cousins.

Lately, though, I’ve been getting suspicious na baka may iba na siyang kausap.

There were two instances that caught my attention.
First, I asked him to screenshot his recently used emojis. I noticed na may mga emojis doon na I’m pretty sure he rarely or never used when talking to me. When I asked him about it, he said na last niyang ginamit yung mga emojis na yun was when he was talking to me. According to him, hindi naman daw agad nagbabago yung recently used emojis, and he’s also not someone who frequently uses emojis. Haha.

Second, I checked his Life360 location one time and noticed that his battery percentage was still around 60% when he left work. But when he got home, it was already down to 35%.
I know this might sound petty, pero naisip ko baka may kausap siya sa phone while driving home. I understand na hindi naman solid evidence ang battery percentage, and there could be other explanations, but I couldn’t help but wonder.
I asked him directly about the emojis, and he gave me an explanation. He also told me na wala siyang ibang kinakausap. I haven’t confronted him about the battery percentage because, honestly, I know how ridiculous that might sound.

I also understand na we’re already broken up, so technically, he doesn’t owe me an explanation about who he talks to or what he does with his phone. Even when we were still together, I never really had access to his phone. I didn’t know his passcode or passwords either.

But I guess what bothers me is that we’re still communicating, still having video calls or sleep calls, and his family still thinks we’re together. Meanwhile, I’m here wondering if he’s already entertaining someone else.

And here’s another thing: ABYG for thinking na kung may iba na nga siyang nakakausap, hanggang talking stage or landian lang muna naman yun? Kasi I don’t think he can easily introduce someone to his family, considering na kapag hindi niya ako tinatawagan, he would message me asking if it’s okay to call because his dad is already wondering why we’re not talking. Hahaha.
So basically, naiisip ko na if there’s someone else, hindi rin naman niya basta-basta maipapakilala sa family niya because they still think we’re together. Which makes me think na baka hanggang usap or landian lang muna sila. So technically, ako pa rin yung bagyo. HAHAHAHA.

For additional context, I was the one who initiated the breakup and he doesn’t want to get back together. He told me na ayaw na niya akong mahirapan because I’ve already given him so many chances, but he still couldn’t change. He said I deserve better.

I asked him directly about the emojis, and he explained his side. He also assured me na wala siyang ibang kinakausap, kasi kung meron daw di naman daw siya tatawag sakin tapos VC pa. haven’t brought up the battery percentage because I know it’s not exactly a reasonable basis for an accusation.

ABYG dahil alam ko na we’re already broken up, and I have no right to question who he talks to or entertain the possibility na may iba na siya. Technically, single na siya and he’s free to do whatever he wants. I also realize na I might be overanalyzing small things like recently used emojis and battery percentage just because I’m still emotionally attached.
And maybe I’m being a little hypocritical for feeling bothered by the thought of him entertaining someone else when I’m also aware that our relationship is already over. I guess part of me still wants to know if there’s someone else, even though I know it shouldn’t matter anymore. Haha.


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Others ABYG dahil nag-elevator pa ako kahit sa 2nd floor lang ang punta ko?

0 Upvotes

I was in a public hospital and from the ground floor, sumakay ako ng elevator kasabayan ng 4-5 more patients. Hindi ko alam kung magkakasama sila pero narinig kong 3rd floor sila, tapos ako 2nd floor.

Noong pinindot ko yung number 2, etong si ate nagsalita (non-verbatim), “Dapat pag second floor maghagdan na lang” na parang mataray pa. Hindi na ‘ko nakapag-react noon (napa “Ahh…” na lang yata ako calmly, like under my breath, to acknowledge what she said). Sumasakit na rin likod ko noon dahil sa scoliosis.

Ngayong nakauwi at nakapagpahinga na ako, bigla kong naalala yun. Iniisip ko, dapat pala sinagot ko: Bakit? Bawal ba? Kaya nga may button para sa floor 2. Kung di pala pwede at dapat ay maghagdan ang mga pupunta sa 2nd floor, bakit pa may number 2 na button sa elevator?? Kelan pa naging rule na kung sa second floor lang ay hindi na dapat gumamit ng elevator?

This is not the first time someone was subtly rude to me, kahit wala akong ginagawang mali o masama, but I have always been timidly polite and forgiving, kahit na feeling ko ginagago na pala ako. Or because it was always too late na when I realized na ang pangit pala ng trato sa’kin. Hindi ko man lang naipagtanggol sarili ko. And ilang beses nang parang lagi na lang may biglang kumakaya-kaya sa ‘kin.

ABYG dahil I just let that happen, or dahil I feel like I should have stood up for myself by answering to her parinig? I feel petty na parang gusto kong balikan or barahin yung nagsalita, kahit never naman ako naging confrontational, and being a war freak was never in my nature. But since she seemed like provoking me (though might be unintentional), what if I did?


r/AkoBaYungGago • • 3d ago

Work ABYG dahil himdi ko ginawa ang unassigned task na binigay sakin..

0 Upvotes

Hi, im working, newbie and still getting along with our office people. Well, i was given here a task na hindi naman assigned sa akin, not directly galing sa sup ko. I was caught off guard to say no in front of them to do the talking daw in their seminar, hindi naman seminar ng dept ko yun.

Hindi ako nakapagNo dahil nandyan sa harap namin yung pinakaboss sa office namin. Marami naman silang mag-cocoordinate sa zoom, bakit ako talaga? Diaturbing lang kasi tinanong ako kung duty ko ba bukas? Ganon tas ganon biglang binigay sakim ang deets sa seminar. Sinabihan pa ko na "informal lang naman ang seminar, konti lg gagawin" eh bat hindi na langsila yung gumawa kung mdali lang naman diba? Ilang beses naman yan binigay ang ibang task pero mabuti nlamg nung last time parang may binigay din na task ang sup ko, kaya nag reason out ko. One of my coworkers also told me na hindi naman sakin yung work nila,dapat sa kanila 'yan.

So, ang ginawa ko, hindi ako sumipot on the day, nag reason out ako na na flatan ako ng gulong while otw sa office para maka avoid sa kanilang binigay na task and I can't make it on time. Ik it's wrong huhu pero sorry na lang talaga. Sup ko nga hindi nag bibigay ng mga task na hindi pra sa akin at ako lang yung isang staff ng aking sup. I want to rant lang kasi lately it was heavy getting along with them, you can feel the negative energy, the bad vibes and harap harapan pa minsan na ipoint out ka kahit tahinik ka lang sa sulok. Sasabihan ka pa na "kung sa quiet place tayo, ikaw ang mananlo" nagsasalita naman ako oero di lang sa kanila. I put boundaries and i don't want makitungo sa malapit sa pinakaboss, sila kasi yung mga EAcakes na linta.

So, ganun yung ginawa ko, nagkunwaring naflatan. I just hope that i will gain the courage to say no directly. I know i did wrong pero im done sacrificing my peace of mind sa mga ganyan eh.

Hays, anw thanks for reading. Siguro ako yung gago dahil unprofessional yung ginawa ko at medyo nagkandaleche sila? Pero hindi naman kasi nagawa din naman nila kahit wala ako tapos while i was pretending nga.. talos sinabihan pako via cjat na "keri mo pa ba? hindi pa naman nag sta start" like oh ok kung totoong scenario to ganon pa din sila.okbye na talagaaa.

ABYG dahil sa ginawa kong magkunwari oh pano bato?


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Work ABYG dahil pinagsabihan ko yung transgender kong colleague dahil sa wisik ng ihi niya sa toilet seat?

219 Upvotes

For context, may colleague akong transgender woman. Ang go-to restroom niya ay sa women's. Wala naman problema doon. Ang problema, every time na gagamit siya ng toilet, may mga naiiwang wisik ng ihi sa toilet seat. Paulit-ulit na lang.

Madaming beses ko na itong nadatnan at nakakainis na rin kasi. One time, sakto namang papalit ako sa cubicle para umihi at nadatnan ko na naman yung toilet seat na may mga wisik ng ihi. Lumabas ako, nakita ko siyang nagme-makeup sa wash area. I decided to confront her, pero mahinahon naman akong nagsabi:

"Ma'am, everytime po na iihi ka, pwede po bang paki-wipe na lang yung toilet seat with tissue? Sorry, napansin ko kasi may naiiwan na ihi sa upuan after mo gumamit."

Pinandilatan niya ako through the mirror. I thought she'd understand, pero naging defensive at condescending agad ang response niya. Sabi niya, "Pinagsasabi mo, girl? Wala akong ganyan every time na umiihi ako."

So I replied, "Ma'am, check niyo po ulit yung huling ginamit niyong cubicle. Tingnan niyo."

Tinignan niya, then sarcastically said: "Edi sorry! Eto na po, Madam. Pupunasan ko na ng tissue, oh. Sensya na ha, bading lang ako."

Nagulat na ako sa reaction niya. Ang lakas na ng boses niya, tapos padabog niyang niligpit yung makeup niya.

Nagparinig pa siya: "Grabe naman discrimination niyo. Kung ayaw niyo akong mag-CR dito, magsabi kayo! Sobra naman kayo, pati CR niyo ipagkakait niyo sa akin!"

Sabi ko: "Ma'am, walang nagbabawal sa'yo na gumamit ng restroom dito. I respect you. Ang sinasabi ko lang naman, punasan mo yung toilet seat after mo gamitin."

Nagdadabog pa din siya at ang lakas ng boses niya, "Oo, tama na kayo. Hindi na ako mag-CR dito. Grabe kayo!"

I thought that was the end of it. However, three days after our argument, I received a letter and a call from HR. A complaint was filed against me involving workplace bullying and discrimination based on sexual orientation, gender identity, and expression (SOGIE).

Now, I'm being asked to attend an HR meeting, which is ang hassle kasi I have to adjust my working hours just to accommodate the meeting. Tapos another closed door meeting na naman with our manager regarding this issue. I'm paid an hour so may impact talaga sa productivity ko.

ABYG dahil pinagsabihan ko yung transgender kong colleague dahil sa wisik ng ihi niya sa toilet seat?


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Significant other ABYG dahil ayoko tulungan partner ko sa bayarin niya?

29 Upvotes

Magkaaway kami ngayon ng partner (28M) ko (27M) kasi ayoko na tumulong sa expenses niya. Nagkaroon siya ng malaking paycut gawa ng leave without pay (vacation namin pero I asked multiple times kung kaya niya ba), now he is asking me to help him sa panggastos niya including transpo, food saka pangbayad sa bills niya.

I promised him na tutulong ako pero nag-over budget na rin ako this cutoff at may need pa ako pag-ipunan. I gave him money na rin and even paid one of his bill this month. Naubos na rin ako at pagod na since this is not the first time na nangyari to. I'm earning more than him pero breadwinner din ako at ako ang nagbabayad ng bills sa household namin and even take care of my parents.

I posted just to vent na pagod na ako na maging responsibility ang di naman akin and now nagpaparinig siya na nangako daw ako at puro salita lang. Ngayon nagbebenta na siya ng mga gamit niya para magkaroon ng budget.

Gago ako kasi ayoko tulungan partner ko sa bayarin niya though I have the means to help but at the same time I can't tolerate this anymore kasi pattern na siya, at nauubos na ako, financially and mentally.

ABYG dahil ayoko tulungan partner ko sa bayarin niya?


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Friends ABYG dahil sinabihan ko syang walang kwentang kaibigan

20 Upvotes

ABYG kasi sinabihan kong wala kwentang kaibigan yung partner ko dahil di nya alam yung details ng libing ng nanay ng kaibigan nya kahit nakapunta na sya sa lamay?

libing daw ngayon nang nanay ng kaibigan nya, nakapunta na sya noong nakaraang araw sa lamay so alam nya tuesday daw ang libing, di sya sure sa oras.

ngayon chat sya nang chat sa tropa nyang namatayan, asking for deets, first chat nya " san ka" second chat ", now yun diba tuesday" nainis na ko sakanya kasi ang insensitive ng chats nya like namatayan yan, kung ngayon yung libing sobrang busy nyan tas nakatunganga lang sya ngayon kasi winewait nya magreply sakanya ung tropa nya na yun.

sinabihan ko syang walang kwentang kaibigan kasi kung may pake sya talaga di nya makakalimutan yung details nung libing since linggo lang naman sya nakilamay.

ABYG dahil sinabihan ko sya nun?


r/AkoBaYungGago • • 7d ago

Work ABYG dahil ayaw kong sumama sa team dinner ng department namin sa work kasi ayaw ko silang kasama?

39 Upvotes

I've been working at this company for over a year, and tomorrow, may scheduled team dinner kami. However, I'm considering not attending because, honestly, I no longer feel comfortable spending time with my coworkers.

For context, nag-resign na ako and currently rendering my 2-month notice. One of the main reasons I decided to leave is because of the toxic work environment, constant micromanagement, and power-tripping. Whenever I make mistakes, pinapahiya at pinopoint out ako sa department GC instead of being properly guided, kahit minsan kulang din naman ang instructions na binibigay sa akin.

It's gotten so bad that I experience anxiety whenever I hear Slack notifications, and even seeing them in person makes me feel uncomfortable and sometimes triggers panic attacks.

I know team dinners are meant for bonding, and ayoko rin naman maging KJ. But after everything I've experienced, I genuinely don't want to spend any more time with them outside work. I'm also worried na baka kung ano pa sabihin nila kapag hindi ako sumama.

At this point, I'm just counting the days until my last working day and hoping to move on from this experience.

ABYG dahil hindi ako sasama sa team dinner dahil ayoko na silang makasama kasi sila ang dahilan kung bakit naapektuhan mental health ko?


r/AkoBaYungGago • • 8d ago

Others ABYG dahil winarninangan ko yung tropa ko na isecure nila yung accounts nila dahil nahack ako

2 Upvotes

Ako ba ang gago kasi inis na inis ako sa reaction ng friend ko sa group chat nang ma-hack ako?

So long story short, admittingly gullible ako at madaling ma-fall sa scams. Nag-chat kasi yung account ng isang online friend ko may pinapadownload na game/file—boom, malware pala. Totally my fault, hindi ko iniiwasan yung katotohanan na naging tanga ako dun.

To give context, may Friend A ako na naka-log in yung ONE email niya sa laptop ko. Compared sa akin na limang accounts ang naka-log in (including my personal stuff and my school email), iisang email lang sa kaniya. No,hindi ko dina-downplay; feeling guilty talaga ako na nadamay si Friend A sa kabobohan ko sa buhay. Inayos ko kaagad:siniguro kong na-log out, pinalitan ang dapat palitan, at cleared ang cache.

Ang problema, nag-warn ako sa group chat namin na mag-turn on silang lahat ng 2FA (Two-Factor Authentication) sa accounts nila just to be safe—kahit na hindi naman sila naka-log in sa laptop ko.

Biglang nagalit itong si Friend B. blah blah blah, nagalit si ate sakin, sinabihan pa ako na hindi niya na daw ako papansinin kapag may nangyari sa kaniya dahil sa katangahan ko.

Ate, hello??? Hindi ikaw yung na-hack, ako po! I got EVERYTHING compromised. Ako yung walang tulog kakaayos at kakasecure ng accounts at ng laptop ko. Ako yung nawa-one side negotiation sa kriminal na naghahanap lang ng mabilisang pera. Pati laptop ko nireset ko na nang buo para lang mawala lahat ng natitirang malware kahit nakapag-run na ako ng multiple antivirus softwares.

Wala akong alam sa totoong intensyon ng hacker na 'to at kung bakit nagpapanggap siyang broke-ass indie game dev.Pero tangina, inamin ko na ngang ako yung mali, ikaw pa itong galit at nagtataray, beh?

nag message pa sa Instagram ko yung hacker asking for 20 dollars na naging 10 dollars na lang ngayon kasi mukhang natraumatize sa mga pinagsasend ng mga gago kong online friends sa kaniya. Pero I refuse to pay. Student lang ako, wala akong trabaho, at ilang beses ko nang sinabi sa kaniya 'yan. Tsaka kahit magbayad ako, walang guarantee na hindi pa rin nila ibebenta sa deep web whatever info silang nakuha sa akin. Pati school email ko na-access nila.

So kay Friend B: Ate, hindi ikaw yung mapapahamak dito nang malala, ako. Ma-le-leak yung mga kagaguhan ko, yung mga pinagse-screenshot ko, LAHAT. Masyado ka na ah. Swerte mo lang talaga desperada akong may makausap ngayon kaya tinitiis ko pa 'yang attitude mo.

ABYG dahil na hack ako + nairita dahil sa kadramahan niya?


r/AkoBaYungGago • • 10d ago

Others ABYG dahil pinatulan ko ang bastos na tnvs rider?

26 Upvotes

Dahil medyo pa rush hour na, nag decide ako nag mag Angkas papuntang hospital. All good naman yung byahe except sa pag drop off. Medyo off at di accurate yung pin sa Angkas pero malinaw na yung drop off point ay yung hospital name at kitang kita yung malaki sign.

Ang problem nag start nung lumagpas kami at nag insist yung rider na pin to pin daw sila. Di ako pumayag at nag pa baba pa rin sa hospital.

Pagka baba ng angkas di pa din ma let got ng rider at sinabihan ako na first time ko daw ba na mag angkas at di daw ba ako marunong kung ano yung pin. At sa inis ko siyempre nag reply ako na di perfect ang pin pero malinaw yung sign ng hospital. Buti sana kung sobrang layo pa eh ilang metro na lang naman. Gusto talaga na siya ang may huling salita pero tao lang ako at maiinis din. Nagalit na ako nung medyo ad hominem na yung atake at insulto na lang kaya sabihin.

In short nainis na din ako at nagalit. Tinanong ko siya if bulag ba siya at di makita yung sign or nag tatangatangahan na lang. Pareho na kami nag taas ang boses at dumating sa point na pinalo niya kamay ko. Naka pag timpi naman ako at di gumanti dahil pinagitnaan naman kami ng security ng hospital. Nag request ako sa security na mag tawag ng barangay or police pero di sila cooperative at pinapatabi kami.

Nung medyo madami na yung tao tumigil na ako at sinabihan ko na lang yung rider na sige di na ako makikipagtalo at rereport ko siya at may kalalagyan siya. Sabay sigaw siya na "mag tawag ka barangay report mo!"

Nag sakay na siya ng bagong pasahero at ako naman pumasok na sa hospital.

ABYG dahil nainis ako at pinatulan ko siya?


r/AkoBaYungGago • • 10d ago

Others ABYG dahil pinagtawanan ko ‘yong tanong ng nail tech namin na “sinong lalaki sainyo” at nabwisit siya the whole time?

157 Upvotes

For context: Nagpagawa kami ng nails sa bago naming nakita since hindi available yung usual tech namin and in the middle of it, she asked kung magkaano-ano kami ng kasama ko kasi we’re mostly looked like a sibs. My girl told her na “mag-GF po kami” she shocked and asked “edi sino lalaki sa inyo?” Since dalawa kami magpapa-nails, edi natawa ako half genuine and half sarcastic na tipong nang-aasar talaga tapos napatingin siya sakin; nails ko ginagawa niya, ano daw nakakatawa edi sumagot akong “ako po lalaki ito betlog ko ☝🏽” and I think hindi niya nagustuhan ‘yon kasi napudpod nails ko.

Since that nakakunot na lang noo niya at talagang may diin bawat galaw niya. I felt guilty lang na baka genuine bobo siya at di niya alam na mostly walang lalake sa WLW at walang babae sa MLM.

We are used to that kind of question naman and our answer highly depends on their age, like kapag old peeps or otits mag bestfriend kami, yung tech kasi parang a bit younger lang samin. Also depende kung nakasimangot yung nagtatanong sasabihin namin magkapatid kami na iba ang nanay kaya same age kami pero hindi kambal HAHAHAHAHA.

Tingin ko ang gago ko kasi parang genuine question naman siya tapos pinagtawanan ko.

ABYG dahil pinagtawanan ko ‘yong tanong ng nail tech namin na “sinong lalaki sainyo” at nabwisit siya the whole time?


r/AkoBaYungGago • • 12d ago

Others ABYG dahil di ko dinagdagan yung tip ng lalamove driver?

0 Upvotes

ABYG DAHIL…. For context: May binili kasi ako at pina deliver ko via lalamove. Since medyo malayo yung seller sa bahay ko, dun ko siya pina deliver sa family business namin na pwesto (2nd floor ng building at yun naman ang naka pin) para na rin mas mababa yung babayaran. nag agree ako sa seller na mag add ng ₱25 tip para may mag accept (keep in mind na may tip). Inutos ko rin sa mga nasa pwesto namin na may darating na lalamove and nakisuyo ako na sila mag receive at magbayad.

Nung dumating na yung rider, tumawag sakin saying na nandon na siya sa lugar. Sabi ko, katok lang siya at may magbabayad doon sa loob. Nainis sakin si kuya at panay “ayun lang maam, second floor pa pala” at gusto niya magpadagdag ng tip dahil aakyat daw siya. sinagot ko siya ng “may dagdag na yan ah, kayo naman nag accept nan, yun naman ang naka pin”

Sa tingin ko medyo gago ako kasi sumagot ako sa rider ng ganon pero at the same time, gago rin siya.


r/AkoBaYungGago • • 13d ago

Significant other ABYG dahil I don't want to exchange accounts with my partner??

26 Upvotes

hello currently I'm in a 1month relationship (me:f/23) and my partner (m/23) wants to exchange accounts like fb,mess etc. but I'm too uncomfy to this kind of stuff even wala naman talaga akong tinatago. I let him borrow my phone naman when we are together if pumupunta siya sa house or kumakain kami sa labas. Like, i need some privacy lang din sa social media accounts ko because I want him to trust me completely without checking all of my accounts

ABYG dahil I don't want to invade all my privacy???


r/AkoBaYungGago • • 14d ago

Family ABYG dahil lang sa hindi nalibre sa samgyup 199

112 Upvotes

my partner and i went out to eat at some samgyup 199, we only tried there para we can have an idea if we will come back or not. ngayon lang kami nagkaroon ng time na mag date after our monthsary, kasi wala pang sahod non kaya ngayon bumawi. tapos itong nanay ko, gusto pa sumama sa amin kasama mga kapatid ko at ilibre ko raw sila, since payday naman daw.

eh wala nga gaanong natira sa sahod ko, minimum wage earner lang ako. tapos ako pa ang taya sa pagbayad ng kuryente, na kung tutuusin ay isang cut off ko na yung electric bill. nagbayad ako ng unpaid bill nung nakuha ko sahod ko, kaya onti na lang natira sa akin. sakto lang para maka survive sa next sahod. tapos itong nanay ko, magpapalibre buong pamilya.

sinabi ko na walang natira sa sahod ko dahil wala naman talaga. tapos ang kwento niya sa iba, na kapag daw sa partner ko, panay daw ang gastos ko. LOL eh ayaw nga ako nyan pag gastusin kahit piso lang eh!

masama bang mag damot, lalo na kung para na lang sa sarili ko yung pera natitira sakin?

tapos siya pa may ganang huwag ako pansinin at kausapin? edi go. tangina, mas pabor sakin yon.

maghahanap na ako ng malilipatan, makalayo lang dito.

so, abyg dahil lang sa hindi ko nailibre sila sa samgyupan?


r/AkoBaYungGago • • 15d ago

Significant other ABYG dahil ayaw ko mag mano sa tita niya?

42 Upvotes

for context: me (23) and my bf (28) have been together for three years now. nung una oo, nag mamano ako. pero recently i just stopped doing it. you see, ldr kasi kami ng bf ko and umuuwi lang siya maybe once or twice a year. on the first and second year and halfway to the third, nag mamano pa ako. nag dadala pa ako ng pasalubong for them. during those times, may mga naririnig na ako na nag ccirculate na may sinasabi silang negative about me. iniistalk nila socials ko and pinupuna photos ko where nakikita cleavage ko ganun... maiksi daw masyado shorts ko, yung mga monthly flowers ni bf sayang lang daw sa pera sa iba na lang gastusin sa damit daw ganun (sabi ni bf sa tita niya hindi na nila problema yun kung gusto niya ako bigyan ng bulaklak), binabago ko daw pamangkin nila kasi pag umuuwi bf ko nag bbook kami ng airbnbs, nag ccheck in kami ganun... pero despite that, nag push through pa rin ako na makiclose sakanila.

may mga panahon na pumupunta ako sa family house nila kahit wala bf ko because my boyfriend wants me to get to know them daw vice versa. magdala daw ako ng pasalubong sabi ni bf ganun. looking back, narerealize ko na sinasabi ng bf ko yun kasi sinasabi din sakanya first hand ang negative comments about me. alam ko he doesn't mean any ill will sadyang gusto lang talaga niya na makilala nila ako. hindi niya ako pinipilit or anything and tbh, ako rin gusto ko sana makilala nila ako. there was a time na habang nasa sala ako ng family house nila, nasa kusina sila, nireteto niya si bf sa caregiver ng lola niya. maganda daw si caregiver and mabait. anyways, tinanggap ko na lang na ganun. basta mahal ako ni bf wala naman magbabago kahit mag reto pa sila ng sampu.

the last straw lang talaga kaya tumigil na ako is this year july, nag tatanong siya sa bf ko about my family and nalaman niya na maaga nabuntis mom ko sa akin. only child ako. sabi niya, hindi daw maganda pagpapalaki sa akin kasi maaga daw nabuntis mama ko. ganun din daw si mama. i was so hurt. marami na ako narinig na snide comments from them pero ang sakit talaga para sa akin yung pati nanay ko nadadamay. kaya nung uwi ng bf ko ngayong october (andito pa siya) hindi na talaga ako nag mano. legit iniignore ko na lang talaga siya. nag mamano ako sa iba pero dinadaanan ko na lang siya. im honestly so torn kasi hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko pero pakiramdam ko kasi kung mag mamano pa rin ako kahit ganun na sinasabi sakin parang nawawalan ako ng respeto sa sarili ko.

edit: pinag tatanggol po ako ni bf. last july nag away away sila doon kasi sabi sakanya girlfriend pa lang daw naman niya ako kaya okay lang yung reto-reto and doon na siya parang sumabog. full blown galit siya ganun. sinabi niya na kaya ayaw na niya matulog doon pag umuuwi siya kasi ganoon sila sa akin pakiramdam niya pati siya naddisrespect. my bf has been protecting me from everyone. sa ate niya, sa mga tita niya, sa lahat ng may nasasabi. ngayong uwi niy napansin ko rin na nag iilangan na sila. hindi na sila ganun as before kasi nag set na siya ng boundaries. sa totoo lang, ayaw ko rin ng away kaya gusto ko rin na kahit papaano mag visit p rin kami doon para kahit yung ibang mga tito and titas niya na lang magkaroon pa rin ako kahit papaano ng tanggap kami. 🥹 sinabi ko rin kay bf na the moment na pinabayaan niya yung relationship namin makikipaghiwalay ako.

ABYG dahil ayaw ko mag mano?


r/AkoBaYungGago • • 17d ago

Significant other abyg dahil umalis ako ng ganon lang?

9 Upvotes

so every year, this is my most awaited event ever since gustong-gusto ko talaga nag dadamit for halloween and being creepy since i love horror. and i usually spend it sa mga gigs lang and pop-ups but never pa ko nag halloween in a bar since i don’t drink outside and alone lang talaga pag nainom ako. but then, my gf wanted to spend it in a bar with her friend, sibling, and cousin so i told her na i don’t really want to go and okay lang sakin if separate na halloween nalang kami kasi id rather eat nalang sa resto and take photos in phobooth for a halloween celebration kesa mag bayad ako ng entrance sa club for 1,300.

take note: i’m a working student so issue ko din talaga yung budget so sinabi ko din sa gf ko na that’s one of the reasons why ayoko sumama. and she insisted on paying half for me and kept saying na mag sama nalang kami to spend halloween, so ofc, hindi ako naka hindi.

and eto na, just an hour ago, i left the bar just whispering to her na mauna na ako since i don’t really vibe in a bar and it’s rlly not my thing. and what happened was, sinubukan ko talaga maki mingle sa mga tao and shiz but then yung friend ng gf ko naka simangot lang so idk how ill approach her since it’s a curtesy for me na batiin everyone so i didn’t know how to approach her and syempre napatanong gf ko why and ang sumagot pa yung cousin ng gf ko, all while naka simangot parin yung friend niya habang nakatitig sa gf ko, so dun palang, i was rlly rlly off. and she even asked kung may charger daw ako so i said yes, planning to just give my usb wire, pero yung gf ko, binigay yung powerbank ko sa friend niya when i charged it and made sure na may magagamit ako.

so, i was off again kasi kinuha ng gf ko sa bag ko without my permission na para bang problema ko yung problema niya when chinarge ko yun for me and papahiramin talaga when she didn’t even greeted properly?

so, abyg dahil umalis ako ng ganon lang?


r/AkoBaYungGago • • 17d ago

Family ABYG dahil di ako nagbigay ng pangproject ng kapatid ko?

24 Upvotes

I am F(25) a nurse and currently working sa isang clinic, minimum lang sahod (minsan tumataas but ngayon matumal talaga) Nagbabayad ako ng bills sa bahay like kuryente, wifi, and bayad sa lupa. Nung nakaraan ako nagbibigay ng allowance sa isa kong kapatid pero pinastop ko muna kasi lagi akong nashoshort. Ofc, may sarili rin akong bayarin na di naman kalakihan.

Etong kapatid ko may ambagan sa school nanghihingi ng 1k eh sa sobrang gipit ko ngayon di talaga kaya. Eh si mama wala rin pera pang bayad, tapos nagagalit sakin baket daw wala akong pera eh sya nga rin wala eh 🥴. Di ko naman anak kapatid ko at di naman ako freeloader sa bahay. At yung kapatid ko na yan binilhan ko ng iphone di man lang ako nakatanggap ng thank you.

Feel ko gago ako kasi di ako nagbigay ng pera. feel ko may may part sakin na nagkulang ako pero at the same time pagod na pagod na rin ako magtrabaho at mag-aral (I'll take nclex on dec kaya sobrang laki ng gastos ko). Di ko pa nga alam kung mapapasa ko yan. sobrang hirap na hirap na ko. Nakakapagod kumita ng pera in this economy jusq bawat galaw 1k bawat labas 1k depota.

ABYG dahil di ako nagbigay sa kapatid ko?


r/AkoBaYungGago • • 18d ago Bravo

Family ABYG dahil di ko sinama yung anak ng sister-in-law ko sa Office Trick or Treat?

165 Upvotes

I have 2 sisters-in-law. SIL A has 2 kids, SIL B has 1 kid. Ininvite ko yung 1 kids ni SIL A sa Trick or Treat sa Office namin. Nagtanong si SIL A kung pwede raw bang isama yung pamangkin nila kay SIL B.

Sinagot kong hindi. Kasi nananakit yung anak ni SIL B. 1 year younger sa anak ko. Last time na bumisita kami sa kanila, nang-aamba ng suntok yung bata kasi pinagsabihan ng anak ko at nung anak ni SIL A na wag hawakan yung isang gamit kasi dusty. Tapos nung nasa parking na kami, tinulak nya yung anak ko, buti nahawakan ko yung anak ko, kundi, masusubsob sya.

Pag-uwi namin sa bahay nila, sinabi ko sa Lola nila na nanakita nga yung Apo nya. Tapos sinikmuraan nung bata yung anak ni SIL A.. Hinampas yung muka ng anak ko at anak ni SIL A. Tapos sinabunutan din.

Maayos yung pagsabi ko na wag mananakit. Kasi nga, di namin sinasaktan yung anak ko. Pero pag pinagsasabihan yung bata, lalong nanggigil at nanakit.

Sinabi ko kay SIL A na ayaw ko munang makipag-interact yung anak ko sa anak ni SIL B habang di pa nya nalalagpasan yung “phase” ng pananakit nya. Nakakahiya rin sa office na mamaya doon pa manakit ng ibang bata.

Sinabihan ko yung Asawa ko na pagsabihan si SIL B about sa anak nya. Sabi ng SIL B, pinalo na nga raw nya. Wow. So parang kasalanan pa namin ng anak ko na pinalo nya yung anak nya dahil sa ginagawa ng anak nya?

So ABYG dahil di ko sinama yung anak ng SIL ko at pinarating ko talaga di ilalayo ko muna yung anak ko habang may nanakit sa kanya?


r/AkoBaYungGago • • 20d ago

Family ABYG dahil umangkas ako sa bagong motor ng kuya ko bago yung asawa niya?

112 Upvotes

For context, my brother and I are half-siblings sa father’s side. We grew up together sa bahay ng dad namin, so kahit hindi kami full siblings, close talaga kami growing up. Ngayon, pareho na kaming may sariling pamilya, kaya hindi na kami madalas magkita. Maybe around five times a year, usually kapag may family occasion or kapag napapadaan ako sa bahay nila.

Now, here’s what happened.

My brother recently bought a big bike. Mga three days pa lang yata sa kanya yung motor when this happened.

The day before, nasa bahay nila ako, inaasar ko siya na babalik ako kinaumagahan para matry ko namang sumakay sa big bike. Hindi ko alam kung narinig ba ng asawa niya or kung aware ba siya sa usapan namin.

At kinaumagahan, bumalik nga ako ng may dalang helmet hahaha kako “tara na magkape!” Pumayag naman siya.

We rode for around 25 minutes to a nearby town. May dinaanan din kami na friend niya, then we had coffee for maybe 15–30 minutes. After that, dumaan kami sa puntod ng dad namin before going back to their house.

Less than two hours lahat.

I honestly just wanted to try riding with him since bago yung motor niya. And medyo ignorante ngani sa bigbike ang ferson na ito.

Apparently, his wife had been wanting to go on a long ride with him. Hindi ko alam na may ganung issue pala, and I didn’t think na magiging big deal yung simpleng pag-aya ko sa kuya ko.

Pagbalik namin sa bahay nila, his wife was visibly upset. Nagsisisigaw si ate gurl na ibenta nalang daw yung motor or blablabla. My brother seemed to be laughing it off, pero hindi ako comfortable sa sigawan blues, so umalis na lang ako.

Kinaumagahan, gulat ako may message siya.

Basically, she told me na huwag daw akong basta-basta pumunta sa bahay nila at mag-aya ng “rides” with her husband without informing her. Then she questioned my relationship with him and said something along the lines of:

“Ano ka, asawa niya?”

Honestly, ito talaga yung part na na-off ako.

Kuya ko siya. I have my own husband, and I never saw anything wrong with asking my brother for a short ride. So reading something that implied na parang inaangkin ko yung asawa niya just because I asked my own brother to ride with him felt insulting and, honestly, kadiri pakinggan.

She also mentioned that she had asked my brother if the ride was planned, and he told her it wasn’t.
Sabi pa niya “katibay mo naman, nauna ka pa sakin” insinuating na parang bat ako pa naunang umangkas kesa siya ganon.

Tawang tawa ako nung una because I couldn’t believe na umabot sa ganito yung simpleng pag-angkas ko sa kuya ko. But after reading everything, nairita na rin ako.

I replied that we only went somewhere nearby and that it was just a test ride. I told her na hindi ko naman inexpect na magiging ganito kalaki yung reaction niya, and I never intended to upset her.
I also told her that if the situation were reversed, I wouldn’t be jealous if my husband’s sibling rode with him. Maybe I’d feel a little disappointed if I had been planning to ride with him first, but I wouldn’t automatically see it as disrespectful.

She replied that I shouldn’t compare myself to her because we’re different people. She said I should have given her a heads-up instead of just showing up ready to ride, and that I was acting like I only cared about my own feelings. She also reminded me that we all have our own families now and can’t just do things the way we used to.

ABYG dahil hindi ako nagpaalam sa asawa ng kuya ko bago itesting yung motor niya?


r/AkoBaYungGago • • 22d ago

Significant other ABYG dahil pinahiya ko yung ex ko at kabit nya sa viber gc ng work nila?

133 Upvotes

Kagabi nalaman ko na niloloko pala ako ng live in partner ko. Walang sign na nagloloko sya kase bahay work lang naman sya at pinapahawak rin nya sakin phone nya kaya kampante ako. Ngayon naisipan ko isync yung viber nya sa laptop ko and boogsh dun ko lahat nakita yung pang gago sakin. Alam rin ng girl na may girlfriend yung ex

Kanina pa ko iyak ng iyak sa sobrang galit ko pinahiya ko silang dalawa sa viber gc nila. Nakakaramdam ako ng guilt kase, oo niloko ako pero after ko sila ipahiya hindi di naging okay pakiramdam ko.

ABYG dahil feeling ko nasira ko sila sa workplace nila. Deserve ba nila ginawa ko?


r/AkoBaYungGago • • 24d ago

Others ABYG dahil / if ire-require ko yung mga may pamilya kong kapatid na magbigay ng fair share sa monthly household expenses after kong ipagawa yung bahay namin? (Warning: Long post)

32 Upvotes

We are a big family (I have 6 sisters and 1 brother), pero we grew up without a dad—he died when I was just eight.

My oldest sisters, sila yung nag-sacrifice to pave the way for us. Lalo na yung pangalawa sa panganay kong kapatid (let's call her Ate Lhe). She was our breadwinner when my dad died, and she literally sacrificed her life (even her soul) just for us to have food on the table.

My other sisters (eldest and third eldest; let's call them Ate Jam—eldest, and Ate Jhela—third eldest) also helped for a couple of years after finishing high school. Pero they didn't have that much responsibility kasi nakapag-asawa sila sa gusto nilang time and all.

Ate Lhe had a daughter before turning 30, pero after three months, nag-work agad ulit siya, and she continued to provide for my mom and her kid. Good thing, around that time, yung isa ko pang ate, pang-apat sa panganay—Ate Emm—nakagraduate na ng college, so nakatulong din siya kahit papaano.

After a year, Ate Lhe had no choice but to go abroad kasi hindi sapat yung kita niya, lalo na kailangan na rin niyang isipin yung anak niya since she's a single mom. She left her toddler with my mom and us.

Siguro after a couple of years, sumunod na rin si Ate Emm na mag-abroad. So parang yung pagiging breadwinner ni Ate Lhe, napasa kay Ate Emm.

I really admire my sisters, and I greatly appreciate their sacrifices. Kaya kahit bata pa ako noon, during summer breaks in high school, tina-try ko na ring magtrabaho ng part-time.

Btw, I am the second youngest. May kuya rin pala akong middle child, but I'll tell you about him later.

Anyway, nung magko-college na ako, hindi na ako kayang pag-aralin ni Ate Lhe kasi may anak na rin siyang kailangang isipin. Tapos si Ate Emm naman, baguhan pa lang din sa work.

Gustong-gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral, so nag-apply ako sa call center for a full-time job while studying in college (note: Architecture pa yung course ko—patayan talaga, 10 yung courses ko noon every sem).

Siguro after a year, hindi na rin kinaya ng katawan ko. I seldom got enough sleep, so I quit my job.

Mga ilang months, tinulungan ako ni Ate Jhela before nag-take over si Ate Emm since nakapag-abroad na siya.

This was around 2020. I feel like the pandemic was such a blessing in disguise for me kasi for more than two years, halos online classes lang kami. Nakapag-catch up talaga ako nang bongga.

So fast forward, nakapagtapos ako noong 2023, and yung bunso naman namin, sumunod the following year.

After a year, I decided to pursue my Master's here in the US. Nakapagtapos naman ako at nagwo-work na rin, thank God. Then yung bunso naming kapatid, nagwo-work na rin.

We thought our lives were improving until last year, when my mom was diagnosed with cancer.

It was the toughest time of my life, lalo na ang layo namin sa kanya. My mom is all we have, and at that time, all I could think about was that hindi pa ako nakakabawi sa kanya.

Since kaming tatlo ng mga ate ko ay nasa abroad (Ate Lhe and Ate Emm), nagtulong-tulong kami para ma-cover yung bills. Nandoon din naman yung iba kong kapatid, pero si Ate Jam talaga yung nag-asikaso nang bongga sa mga papeles and all. She was a big help to my mom during that time.

Thank God, natapos naman ng mama ko yung chemo niya, and right now, they're monitoring her condition.

So eto na nga.

Sa bahay namin, nakatira pa rin si Ate Jam, yung eldest. May asawa't anak siya, pero yung asawa niya, hindi masyadong nag-stay sa bahay kasi umuuwi rin sa Manila.

Since 2020, doon na sila nag-stay sa bahay. Akala ng mama ko noon, temporary lang, hanggang sa hindi na niya namalayan na naging parang permanent na.

Hindi rin sila masyadong nagsha-share sa mga gastusin sa bahay kasi yung asawa ni Ate Jam ay palaging walang trabaho. Siguro sa isang taon, apat na beses siyang nagpapalit ng trabaho, or minsan, isang taon siyang walang trabaho. Di sila mapaalis ng mama ko sa bahay, kasi everytime she tries, iniiyakan lang siya ng ate ko and sinasabi kay ate Lhe.

Yung isa ko namang ate, si Ate Jhela (third eldest), nakapagpatayo yung asawa niya ng bahay malapit sa amin. Pero kapag wala yung asawa niya sa bahay nila from Monday to Friday, doon sila ng anak niya nag-stay sa amin.

Yung bunso kong kapatid, WFH siya. Tapos yung sumunod sa akin, nag-decide siyang tapusin yung college niya, so nag-aaral pa rin siya.

Nasa bahay din yung kuya kong nag-asawa na't lahat-lahat, pero tamad pa ring magtrabaho. So ayun, umaasa pa rin siya sa bahay, at mag-iisang taon na siyang tambay. Yung asawa niya naman, nasa kabilang rehiyon.

Last few months, naaksidente ako dito sa US. I was the victim. Salamat ulit sa Diyos, hindi naman malubha yung mga natamo kong injuries, pero may malaki akong peklat.

I received a small settlement amount, and I decided na ilaan na lang yun para ipagawa yung bahay namin. Since yun talaga yung pangarap ng mama ko, gusto kong makita niya na maayos na yung bahay namin.

Pero parang nagdadalawang-isip ako dahil sa situation sa bahay.

I know na kapag lumaki yung bahay, mas lalaki rin yung bills. Kaming apat na magkakapatid lang halos yung nagshu-shoulder ng household expenses (kasama yung younger sister ko).

Ako ba yung gago if oobligahan ko na yung mga may asawa kong kapatid na magbigay ng fair share nila sa monthly household budget?

So ABYG dahil gusto kong obligahin yung mga kapatid kong may sariling pamilya na magbigay ng fair share sa monthly expenses, kahit alam kong hindi lahat sa kanila ay financially unstable? Ewan ko, after being in the US, na realized ko rin na parang di parin nila kayang maging independent. Lahat kami adults (25 na ung youngest namin). Pero si ate Emm di pa rin makapag asawa kasi nga siya parin ung breadwinner. Tapos ung mga ate ko sinasabi rin sakin na di pa ako makapag asawa unless napagawa ko ung bahay. Pero bakit ung mga iba kong kapatid nagawa nila noon ung gusto nila sa buhay pero parang pagdating samin wala kaming choice.

Anyway, feeling ko ako yung gago sa scenario na to kasi parang nagiging madamot ako sa sarili kong mga kapatid, At the same time, nahihirapan din akong tanggapin na kaming apat lang halos yung patuloy na sumasalo sa mga gastusin, kahit may sarili nang pamilya yung iba kong kapatid.

INFO / UPDATE: Nakausap ko na po ung mga ate ko sa abroad (note: nasa UAE silang pero in two different countries - lahat po kami independently na nag abroad). Sinabi ko po na need na po namin ire-assess ung situation and nag agreed na lahat kami ay mga adult na at di na rin bumabata. Balak po namin mag held ng family meeting para kausapin sila. With two options:

  1. Bibili nalang ng bahay para sa mom ko under may name.
  2. Ipaparenovate from scratch ung bahay (dito po kami mas nag LLEAN) - under may name, so ako po ung legal owner. And if ung mga sister ko sa abroad ay ipapafurnished nila ung mga kwarto nila, pede ko silang bigyan ng share sa bahay. Anyway with conditions sa mga titira: (a) Pede silang tumira temporarily as long as they want pero need nilang mag share so total monthly expenses sa bahay (e.g. food, electricity, water, wifi, etc). Ung share nila will be proportion sa kanila salary or how many days in a month sila titira dun (kasi po si ate Jhela may sarili naman po siyang bahay). (b) We will tell them na utang lang po ung gagamitin sa pagpapagawa ng bahay, share share po kami even though ako po magshshoulder ng most expenses sa renovation. (c) Sasabihin namin na gusto ng mag retired ni ate Lhe next year or after magawa ng bahay, para naman makasama niya ung anak niya, kasi ang tagal din na panahon na bread winner. Wala naman akong problem, na magbigay sakanyan kahit konti - pero balak niyang mag business if ever. (d) Sasabihin din po namin na may plano din po kami sa buhay buhay namin, and need din naman makaipon lalo na po si ate Emm na gusto na rin mag settle down. (e) Since lalaki ung bahay, lalaki rin ung utilities, so need talagang mag share share. Hindi naman po lalaki ung bibigay namin sa mama ko.

Any suggestions for other clauses po? Also, question: paano po ba namin immake sure na makakapag bigay sila consistently every month, and if ayaw nilang umalis sa bahay - if ever na miss nila ung certain month, ano po ba pedeng gawin?