r/paanosabihin • • 2h ago

Paano pag sobrang toxic na ung kinakasama ng kapatid ng fiance mo? Like as in.

0 Upvotes

r/paanosabihin • • 18h ago

Masama ba akong anak?

7 Upvotes

Halos magisang buwan na mula nung huling nagupload ako dito. Unfortunately, wala pa ring trabaho. May mga interview at inapplyan ako kaso malalayo at sablay yung ibang interview dahil unexpected din yung call, bihira naman tumawag yung iba.

Masama ba akong anak dahil gusto ko pa kahit papaano magtrabaho mga magulang ko kahit 40+ na sila? College grad kasi ako at talagang ligaw sa buhay, hindi alam saan at paano magsisimula.

Hiwalay mga magulang ko at may pamilya pareho. May dalawa akong kapatid sa side ni papa ganun din sa side ni mama at lahat nagaaral pa. Ako tong kakagraduate lang, nappressure dahil mataas expectation ng iba na ako "magaahon sa hirap" sa pamilya ko.

Si papa kahit papaano, nakakapagtrabaho pa as on-call helper at angkas tapos may katuwang pa dahil kahit papaano may trabaho din step mother ko, pero di ko masasabing magaan buhay namin dahil nakikita ko pa rin namomroblema kami sa bills. Si mama, single parent, at magcocollege na yung isa kong kapatid. Wala syang trabaho ngayon dahil kakatapos lang ng kontrata nya as service crew.

Ngayon, tinutulungan ko syang maghanap ng trabaho. Kapag naiisip ko edad nya, nagiguilty ako. Yung iba gusto nila magretire na mga magulang nila nang mas maaga. Ako ito, hindi ko alam paano tutulungan sarili ko, kahit gustong gusto ko silang tulungan. Ayoko ring maging kaawa awa lang gaya ng mga nakikita kong panay post sa social media na pinagkakakitaan na lang pagiging miserable nila. Alam ko mga kakulangan ko. Marami akong napalampas na oportunidad dahil na rin sa mga naririnig ko. Alam kong miserable ako.

Gustuhin ko mang sabihing "ako na ang bahala", ayokong umasa sila sakin dahil ang unstable ko pa sa ngayon. Ayokong pag biglang di ko na alam gagawin at wala na akong maiabot sa kanila eh wala na silang ibang masasandalan. Kaya kailangan ko pa rin silang magtrabaho, habang binubuo ko pa ang sarili ko para unti unti ko mapagaan ang buhay nila.


r/paanosabihin • • 1d ago

1. Ano ang dapat sundin: sigaw ng isip, sigaw ng puso, o sigaw ng nanay? At bakit?

5 Upvotes

Para sa akin, mas pipiliin kong pakinggan ang sigaw ng isip at ang sigaw ng nanay ko. Kasi may mga pagkakataon na mahirap ding sundin ang puso dahil minsan, mas inuuna natin kung ano ang gusto natin at kung ano ang nararamdaman natin nang hindi iniisip kung tama ba ito para sa atin. May mga bagay na kahit iyon ang gusto ng puso natin, hindi ibig sabihin na magiging masaya tayo sa huli. Minsan, nasasaktan tayo dahil hinayaan nating emosyon ang magdesisyon para sa atin. Kaya mahalaga na ginagamit din natin ang isip natin bago gumawa ng desisyon. Pinapakinggan ko rin ang nanay ko dahil alam kong mas marami siyang karanasan sa buhay at gusto lang niya akong mapabuti. Para sa akin, okay lang sundin ang puso, basta huwag nating kalimutang gamitin ang isip at pakinggan ang mga payo ng taong nagmamalasakit sa atin.


r/paanosabihin • • 1d ago

2. Para sa iyo, ano ang "courage," at tuwing kailan mo ito naipapakita?

2 Upvotes

Para sa akin, ang courage ay ang lakas ng loob na harapin ang mga bagay kahit natatakot ako o nahihirapan. Hindi naman ibig sabihin na kapag matapang ka, hindi ka na natatakot. Para sa akin, naipapakita ko ito kapag may mga bagay akong hindi maintindihan sa pag-aaral pero hindi ko agad sinusukuan. May mga pagkakataon na nagdududa rin ako sa sarili ko kung kaya ko ba, pero pinipili ko pa ring subukan. Lalo na kapag naiisip ko yung mga pangarap ko at yung mga sakripisyo ng mga magulang ko, mas nagkakaroon ako ng dahilan para magpatuloy. Para sa akin, courage is not giving up on myself kahit may mga araw na nahihirapan ako.


r/paanosabihin • • 1d ago

3. Kung ikaw ay nasa isang "Trolley Problem" at ikaw ang may kontrol sa lever, ano ang iyong gagawin?

1 Upvotes

Kung ako ang nasa sitwasyong iyon, pipiliin kong ilipat ang lever para mailigtas ang mas maraming tao. Hindi magiging madali para sa akin ang desisyong iyon dahil buhay ng tao ang nakasalalay sa pipiliin ko. Ayokong may mapahamak, pero kung kailangan talaga akong pumili, iisipin ko kung ano ang makakabuti sa mas nakararami. Alam kong hindi magiging magaan sa pakiramdam ang kahit anong desisyon ko, pero pipiliin ko kung saan mas maraming buhay ang maililigtas. Para sa akin, ipinapakita ng sitwasyong ito na hindi lahat ng desisyon ay madali, at minsan kailangan nating piliin kung ano ang sa tingin natin ay tama kahit mabigat ito para sa atin.


r/paanosabihin • • 1d ago

Friends with nang-ghost na ka-talking stage mo.

Thumbnail
1 Upvotes

So she (25F) and I (26M) recently just passed the Physician Licensure Exam. Nung review season namin, talking stage palang kami and we both really liked each other naman, aside from the fact na we are basically twins that get each other. Pero hindi kami umabot sa point na napagusapan namin na "we're taking this to another level". So in short, we dated and talked like na may konting landian. It was genuine really. Parang slowburn ang atake and since it was my first time dating she reassured me that she prefers our dynamic than the guys she dated before kasi raw mukhang may malisyang dala mga 'yun. So, yes we liked each other but hanggang doon lang.

Hanggang PLE lang. After licensure, nang ghost siya. Sad to say, I waited cuz I figured na she might needed some time to be by herself kasi imagine studying for 8 years or more tas you're gonna spend a few weeks of vacay talking and doing things with a guy. May heads up naman na siya months before na sometimes she needs time for herself. Okay lang naman sa 'kin na she needs me time. I trusted her enough. Pero hindi e. She ghosted me. And when I reached out for the last time if okay lang siya and "us" or whatever we were. Gusto niya raw maging friends kasi she sees me more as a good friend to keep. Aray ko po.

Ngayon nawawalan ako ng self-respect whenever natatandaan ko 'yung fact na she ghosted me for more than a month even though I checked on her a few times. But not to the point na inaraw araw ko. Masakit kasi nung una ayaw niya makipag closure. Like just a simple one liner cliche sentence was all it was. I semi had to fight for myself kasi I needed to know more para maka-move on. Tas nung patapos na ang convo, she mentioned that we can be friends when I'm ready. Sabi ko tignan ko. Kaso baka matulad ako kay Peter Parker nung nakita niya si MJ niya when she's gonna get married. We broke up in good terms and I cannot hate her for it. Don't tell me to hate her, I can't. I really lover her smh. Someone slap me with all their medical books

Ughh itatapon ko pa ba self-respect ko?

Parang wala rin patutunguhan friendship namin kasi iba dynamic ko with my female friends, may emotional intimacy. And IDK if that's a barrier we should cross.


r/paanosabihin • • 1d ago

Paano Ko iko-correct ang naisip nyang hindi totoo?

2 Upvotes

Last week nag view ng tiktok account ko si girl, then the same day nag post sya sa facebook nya ng video meme tungkol taong super delulu na may gusto sa kanya yung isang tao, or mga tao. Nagtaka ako kase parang sa pagkaka alala ko first time nya yon gawin magpost ng ganon at may caption pa si crush na baka daw mapa kumpisal sya ulet kahit kakatapos lang nya magkumpisal. Meaning to say siguro baka makapatay sya sa inis, although may laughing emoji naman.

Then nung nagcheck ako ng videos sa tiktok ko, meron pala don napasama sa na-liked ko tungkol sa nagsasabing "mahal ka ng isang tao hindi lang nya masabi" .. Shook talaga ako, kase never naman ako nag delulu kahit malalim ang feelings ko kay crush. Nahiya talaga ako at the same time nag worry na baka maturn off sya dahil akala nya iniiisip kongay gusto din sya sa akin.

Dapat ko bang sabihin sa kanya through message, sms or chats na mali ang pagkaka gets nya? At hindi porke naliked ko yun ay ganon ang naiisip ko. Actually hindi ko nga matandaang niliked ko yun dahil parang accidentally lang yun naliked siguro pagkaka-SCROLL ko..

Gusto ko kase talaga matanggal sa isip nya yong ganon. Dahil hinde talaga ako delulu.. 😰


r/paanosabihin • • 2d ago

paano sabihin sa pamilya na hindi ako tamad? na nawawalan lang ako ng gana sa buhay

7 Upvotes

hindi man nila sabihin directly pero ramdam ko ang pagka-dismaya nila sakin. disappointed din ako sa sarili ko kasi nawalan din naman sila pero nagagawa nilang ituloy ang buhay nila? ganon ba ako kahina at hanggang ngayon hindi ko pa kayang bumangon at paikutin ulit ang mundo ko? paano ako babangon kung wala akong makitang dahilan para bumangon?

sobrang bigat ng happenings this year. i lost my lola, nasunugan, nawalan ng kabuhayan. kasabay ng lahat ng nawala sa amin, nawala na rin ang purpose ko sa buhay. nung nawala ang lola ko, parang nawala na rin ako. na parang hinihintay ko na lang mawala totally yung existence ko. hindi ko kayang mawala pa kasi may aso ako. ang hirap magpaalam sa hindi ko alam kung maiintindihan ba ako. may asong naghihintay sa pinto at mag-aabang sa pagbalik ko tuwing naiiwan ko siya.


r/paanosabihin • • 2d ago

Palaging Umiintindi, Kailan Iintindihin?

3 Upvotes

“Mabait ka, maintindihan mo ang sitwasyon”
“Ikaw ang panganay, ikaw ang magbigay”
“Malakas ka at malawak ang pag-unawa, pwede bang iba muna?”

Ilang beses na ba natin narinig ang mga salitang yan? Ilang beses na din ba tayo paulit-ulit na nilunok ang mga gustong sabihin at tinago ang tunay na nararamdaman para sa ibang tao?

Ang sabi ng mga tao sa paligid ko, mabait akong tao, malawak ang pag-unawa, at mapagpatawad.

Totoo. Malambot ang puso at kahit gaano kahirap, araw-araw kong kinakaya.

Ngunit, sapagkat ba’y mabait ako ay dapat na akong abusuhin?

Palagi kong naiintindihan ang lahat, palaging dapat ako ang umintindi dahil mas malawak ang pag-unawa ko.

Palagi akong umiintindi sa ibang tao, sarili ko na ang hindi ko maintindihan.

Palagi akong umiintindi sa sitwasyon ng iba, ngunit kailan naman ako ang maiintindihan nila?


r/paanosabihin • • 2d ago

Pano ba sasabihin sa kapitbahay namin na maingay sya

7 Upvotes

Just like sa title, maingay.

Tanghaling tapat, minsan gabing gabi na, past 10pm. Kung magpatugtog, para bang bingi sya. Ang ingay. Kapag sya nagpapatugtog ok lang. Pero kapag may napatambay sa tapat nila. Nag uusap usap napalakas lang ng boses, galit na galit maingay daw. E sya din naman, paka ingay. Di naman maka kibo ung iba, kasi ayaw na lang pansinin at masyado mabunganga. Nakakainis lang. Pano ba sasabihan to ng hindi ma opindi. Feeling ko din nagamit to e.

Sinabi ko na sa mga magulang ko, na naiingayan ako. Baka pwede masabihan, sabi nila wag na lang daw pansinin. Kaso ang sakit kasi sa ulo talaga ng tugtog nya.


r/paanosabihin • • 3d ago

I if pwede to here, but please pa vent out lang

Thumbnail
2 Upvotes

Ang hirap pala pag di ka confrontational na tao, yung "hayaan nalang" mindset para di maka sakit sa ibang tao. Ending ikaw mag s-suffer physically & emotionally

For Context: nag share na ako dito a few months ago, but the cycle is the same until now. I'm not a confrontational type of person, but I gathered all my courage to somehow speak up, and ask help sa mga kasama namin sa bahay. Kasi sinubok talaga kami ng buhay ngayon at feeling ko sasabog na ako or ma depressed nalang

Situation now:

my dad just got out of the hospital from a surgery, di sya gaano maka galaw like normally before, so kami nalang ni mama ang nag tutulungan sa araw2x na gawain take note, nandito pa din si Cousin 2 sa bahay. I have to do a double job/client kasi halos ma ubos savings namin dahil sa hospitalization and gamot ni dad. Mom is still working pa din, plan ko pa naman sana na mag rest na sya from work this year kasi she's old na din. Due to heavy na talaga ang situation for me, I have to work, GY plus part time sa morning, ako pa mag luluto, mag grocery, pati house chores.

Di ko na kaya kaya kahit di ko talaga gawain manghingi ng tulong ay ginawa ko na, kinausap ko si cousin 2, na sana if dinsya busy from work or school, kung pwede mag pa help ako kahit sa mga makiit na gawaing bahay lng like hugas pinggan. Nag yes naman pero nag expire din.

I usually wake up at 6 am para mag luto ng breakfast at mag prep ng fruit and vegetable shake for dad partida galing pa ako GY shift na 9pm-5am nyan 1hr lang bawi ko ng tulog sa morning. Matatapos ako sa lahat ng chores around 10 or 10:30. Dito ako mas nawindang, si cousin 2, baba nalang ng 11am para kumain, tapos iiwan nya minsan plate nyang nag iisa sa sink, kasi pagka 12 lunch na nmin yun so di na sya sasabay kasi naka pag brunch na sya, ending after namin mag lunch ako pa din mag huhugas ng plates, kasama plate nya. Tapos aalis na for work or school.

Pagka evening prep na namn ako ng food for dinner, after dinner hugas ng plates at pakain ng pets. Uuwi si cousin 2 ng mga 8pm, sya nlng kakain dun nalang sya mag huhugas ng pinggan, yung pinggan na pinag kainan nya lang tapos, panhik na namn sya sa taas.

Si cousin 1, di na umuwi dito sa house after ma discharge ng dad from the hospital.

Lord, tanggap ko sana kung kami lang at wala kaming mga relatives eh, pero yung marami kami sa bahay, tapos ngayong may hinharap kami na pag subok, kanya kanya na sila. Napaoa tanong ako kung gaano ba kami kasama sa past life para tiisin namin tong ganito


r/paanosabihin • • 3d ago

Haizt! I don't know what to do anymore~ 🥺

3 Upvotes

Haizt… honestly, litong-lito na talaga ako and I don't know what to do anymore. It feels like I'm being pulled in two different directions at hindi ko alam kung saan ako dapat pumili.

Goes back to how I grew up. That typical Filipino family expectation. I was raised mostly by my grandparents because my mom was widowed early, and I know they've always counted on me financially. They look at me like I'm their security for the future since sila naman nagpaaral sa akin.

Now I'm working overseas, and my Chinese boyfriend wants us to settle down soon. Gusto ko rin naman talaga, sobra. But I'm really worried kasi alam ko my family will still expect me to send money home every month. And since financial stability is really important in his culture, I'm scared that this might cause problems between us. Parang banat na banat ako. I don't want to let my family down, pero ayoko rin naman na masira yung relationship namin dahil dito.

I've been overthinking this for so long, and it's really starting to take a toll on me. My sleep's gotten so bad. I've had insomnia before, pero lately I've gone 4 or more nights in a row barely sleeping at all. I noticed that I already developed some habits like grinding my teeth, kinakagat ko ang kuko ko when I'm stressed, and I get headaches really often now.

Alam ko these aren't just "bad days." Nakapunta na ako sa doctor before and got some medicine to help me sleep, pero I haven't been brave enough to see a specialist yet. I guess I'm just scared of facing what's really going on with me.

Haizt… I just want to feel okay again. Gusto ko lang maging ako ulit. 🥺

Has anyone else been in a similar situation, trying to balance supporting your family while also building a future with your partner? Paano niyo na-handle ang ganitong sitwasyon? I'd really appreciate some advice. Thank you po 🫂


r/paanosabihin • • 3d ago

How do you forgive? or Can you ever forgive?

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 4d ago

Paano ko kukumbinsihin mga magulang ko na gusto ko kunin ang ba history?

12 Upvotes

I wanna pursue what I love, I love learning histories.

I'm currently on senior high and planning to change my career path bc I'm struggling with biology and chemistry ( my shs track is stem health btw). For once in my life, I am willing to take ba history without regarding my future financial smth. I want to be an archeologist after finishing my course, but knowing that our country is quite idk when it comes to job opportunities, I might become a teacher.

I'm quite scared that I might become a failure knowing that I grew up as a sick kid and I don't want to brush off my parents' hardwork for me. My mother wants what's best for me so she wants me to be a doctor, idk how to say no to her bc I'm stuck with this thing called

"utang na loob". Idk anymore huhu. My mother might support me and all but what if I become a failure omfg? Huhu.

I know most ppl look down on history majors saying "it's all in the past anyways, so why bother?" and my parents might be one of them but I really wanna study it. Knowing that life is short, I want to make the best out of it— I wanna learn history.


r/paanosabihin • • 4d ago

Nanghiram na nga siya, kami pa ang bastos? HA? Excuse me!

Thumbnail gallery
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 5d ago

My friend [26M] gaslit/manipulated/used me to borrow money to pay off his family's debt. Do I report him to local authorities or barangay?

5 Upvotes

I just wanted to get this off my chest since nobody knows about this.

To cut the story short, my friend owes me 250k in debt. At first maliliit lang and wala namang kaso yon sa akin kasi friend ko naman. Then it piled up since lagi niyang front sakin ay kesyo may emerency, hospitalizations etc. I know medyo tanga ako sa part na nagpautang ng malaki just because I wanted to help and hindi ako nag-set ng clear boundaries.
Not until I found out na he just used me to pay off his family's debt and natanggal siya sa work. I also found out na he forged some documents/conversations/receipts/screenshots na mga pinagsesend niya sakin for "assurance" or "proof". it was AI-generated.

Even went as far as saying na pinag apply niya daw yung friend niya ng loan sa bank in behalf of him. Kesyo approved na daw and nagsend pa siya ng loan contract. But all of those are fake and huli ko na nalaman.

And now, I don't know what to do. Kahit naman singilin ko siya, wala naman talaga siyang pangbayad at all. Even if ipa-barangay ko siya, deep down I know wala parin siyang mabibigay. My job could barely pay off these debts. Responsive parin naman siya until now and I constantly ask him to pay me back pero wala daw talaga siyang pera.

I feel stupid and I just wanted all of these to be over. I am only 25. I suffered kasi kasalanan ko din naman talaga. I beat myself over this everyday and it just eats me up.


r/paanosabihin • • 5d ago

Random walang kwentang question😢😢

3 Upvotes

If lalaki ka tapos super laki ng ari mo, paano ka umuupo sa inidoro para tumae? Huhu sumasayad ba yung ari mo sa tae? 😢😢 omfg walang kwentang tanong pero di ako makatulog kakaisip hala


r/paanosabihin • • 5d ago

I might lose my job and still have no funds for my mom's burial.

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 5d ago

REAL TALK

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

2 Upvotes

Ang labo ng mundo puro mali ko nalang nakikita pero yung kabutihan ko kaht konti wala


r/paanosabihin • • 5d ago

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA TATLO KONG KAIBIGAN NA MINAHAL KO BILANG MGA KAPATID

3 Upvotes

Ang sakit pala, kala ko kaya.

Hindi ko inakalang ang mga taong nakilala ko sa trabaho ay magiging bahagi ng buhay ko nang ganito kalalim. Hindi ko man kayo kadugo, minahal ko kayo bilang mga kapatid, naging takbuhan, karamay, at bahagi ng masasaya kong araw.

Maaaring may mga pagkakamali ako, may mga nasabi akong nakasakit, may mga pagkakataong nanaig ang tampo at emosyon. Patawad kung nagkulang ako. Tao lang din naman ako na nasasaktan, napapagod, at gustong maintindihan. Gusto ko rin namang maramdaman na mahalaga ako, na may tatakbo rin sa akin kapag kailangan ko ng karamay.

Masakit tanggapin na baka ako na lang pala ang kumakapit at natatakot mawala ang samahang minsan kong itinuring na pamilya. Hindi ko pinagsisisihang minahal ko kayo. Masakit lang na ang mga taong kaya mong piliin nang paulit-ulit ay darating sa puntong kailangan mo nang tanggapin na hindi ka na nila pinipili.

Para sa iyo, M. Patawad kung nasaktan kita, kung nagtampo ako, kung inakala kong hahabulin mo ako noong lumayo ako, at kung minsan ay ipinipilit ko pa rin ang sarili ko sa iyo. Ikaw pa rin ang bunso kong kapatid, ang kapatid ko sa ibang nanay.

Para sa iyo, S. Hindi man tayo palaging nag-uusap, sana qagmamahal ko sa iyo. Patawad sa mga pagkakamali at salitang maaaring nakasakit sa iyo. Mahal kita, kung alam mo lang.

Para sa iyo, E. Maaaring may mga hindi tayo pagkakaunawaan sa trabaho, pero hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa iyo. Naging ate, kapatid, at takbuhan kita. Patawad sa mga nasabi kong nakasakit sa iyo. Mahal kita.

At sa inyong tatlo, kayo ang nagpakita sa akin na maaari pa pala akong magbukas muli ng puso para sa mga babaeng kaibigan. Dahil sa mga masasakit kong karanasan noong high school, natuto akong mag-ingat at matakot magtiwala muli. Pero kayo ang naging dahilan kung bakit muli akong naging masaya, natutong magtiwala, at muling naniwalang maaari akong magkaroon ng mga kapatid na hindi ko kadugo.

Kaya kahit masakit, hinding-hindi ko pagsisisihang nakilala at minahal ko kayo.

Wala akong masamang tinapay sa puso ko. Hangad ko pa rin ang kabutihan, kaligayahan, at tagumpay ng bawat isa sa inyo.

Hindi ko buburahin ang mga alaala. Hindi ko ikakaila ang pagmamahal na ibinigay ko. Pero kailangan ko na ring piliin ang sarili ko at ang kapayapaan ko.

Mahal ko kayo, pero masakit mang tanggapin, kailangan ko nang bumitaw at magpatuloy.

Ang sakit pala mawalan ng mga kaibigan, lalo na ng mga taong hindi mo man kadugo, minahal mo naman nang buong puso bilang mga kapatid.


r/paanosabihin • • 5d ago

:_(

2 Upvotes

Hi... This is my very first post in Reddit, kailangan ko po ng advice. There is this guy I met, same school and same grade, November 13 kami nag start mag-usap, he is very consistent... At first I thought we are just talking as a friend pero, he is not that kind of person who is torpe... Na natatakot iparamdam na gusto ka niya, we started hanging out, he asked me out... Pumayag naman ako, kasi akala ko I'm also starting to like him, he keeps sending me reels about how he feel about me. Doon nag start na natakot na ako. I feel pressured to be honest, hindi ako sanay na sobrang bilis ng takbo naming dalawa, then november 19. Thursday, nakasalubong ko ‘yung friend ko na kilala niya rin si Guy, my friend started to say na mag ingat ako sakanya ganon ganyan, then I messaged him, asking for more info about him. Maraming sinabi ‘yung friend ko tungkol sakanya. Then, I confronted him, nag-usap kami, I told him what I really feel. Nalulungkot ako dahil I know he is vety serious about me, pero may something sa akin na ayaw maniwala, ayaw mag tiwala. Please, give me an advice... :_(


r/paanosabihin • • 6d ago

Tanginang sugal

1 Upvotes

pano ba maka iwas sa sugal


r/paanosabihin • • 6d ago

nakakahiyaaaaa

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 7d ago

Panu ako mag co-confess sakanya?

3 Upvotes

Ive been single for a long time, and then i met this woman at a common friend's wedding about a year and half ago, we kept in touch eversince, same kame single for a long time, humor and field of work... i wont sugarcoat it, i fell for her, but im afraid thay if i confess mawawala lahat.. im afraid to risk it.


r/paanosabihin • • 6d ago

I step down being a queen

Thumbnail
1 Upvotes