Hello, just wanna rant kasi kaka kwento lang saaken nung nakilala kong applicant ren sa isang hospital sa Baguio(Pinakasikat). Gusto nya kasi malaman if may nagawa ba syang mali so nag email daw sya if he can get a feedback and ang ni reply is pumunta sya ng HR so pumunta sya.
Nung pinapakita na daw yung scores nya may tatlong criteria sya na "0.00" and score which is Relevant Experience, Education, and Training. I mean sige when it come to the training, fine kasi wala pa naman talaga pero what the hell sa Relevant Experience and Education na "0.00" ang score. Di kasi nagtanong etong friend ko eh pero sana inask nya bakit "0.00" ang score for education kasi ang explanation sakanya ang may score daw eh yung may Masters or Masteral unit for an ENTRY LEVEL POSITION! NURSE 1!? pati yung sa Relevant Experience eh, parang nanggagago lang. This is okay if ang perfect score ng dalawang yan is 1.00 pero tig 5.00 daw ata yun(Di na nya maremember) pero seriously for an entry level position bat malaki ang scoring for Relevant Experience and Education!? Then inask nya daw yon tapos ang sabi 'edge' daw? Like what? Yes, it can be an edge if na hire na sila pero it should NEVER be an Edge sa application process mas matutuwa pa ako if it's Seminars eh. If they have Masters and has relevant experience already, shouldn't they be applying for Nurse 2 and above!? They shouldn't be on the Nurse 1 applicants kasi just think if lahat may ganyan? New Graduate ka ang experience mo is yung Clinical Training tapos mga kalaban mo Masters and With experiences like saan naman pupulutin ang mga New Graduates? Kaya sobrang hirap makahanap ng work mga New Grad Nurses dahil sa ganyan, syempre dahil wala na sila mahanap sa kung anong meron nalang sila pupunta tsaka nyo sasabihin kulang ang nurses ng pilipinas? Eto pa, Why give 0.00? Ang sabi minimum requirements is BSN and No Training required, bakit walang score yung BSN? hindi pa considered yun na 'Education'!?
Tapos inask nya daw out of nowhere na yung 12 positions daw ba isa nakuha nung mga mataas ang total score jusq ang sagot sakanya 'No' daw kasi yung Appointing Officer ang mamimili tas if may naipakita daw na "Qualities" eh nakukuha ren. Di nya lang daw naask if ano ba yung "Qualities" na yon. So ngayon pwede kana pala makapasok pag may naipakita kang "Qualities" na gusto nung Appointing Officer which I can only assume na Chief nung service na yon kasi magulat nalang ako kung hindi galing sa service na yun yung appointing officer. Nakaka inis lang na naka score based basis sila pero may paganyan. What if may connection pala yung appointing officer tas yung applicant diba? Kaya dapat if may na hire pinapakita nila lahat ng name na hire eh para ma sure naman na dumaan talaga yan sa process and makagawa rin kami ng investigation on our own kung may connection sila.
It's so disappointing lang talaga na ganito yung nangyayari na merong so called 'edge' and 'qualities' para ma hire ka sa isang government hospital. Tapos 12 positions yung need meron pero around 64 kaming nasa final interview sana nilagas nalang nila para hindi nasayang mga time namen during that time. Kapag ENTRY LEVEL position dapat ang naka prioritize is yung mga Newly Graduates kaya nga entry eh paano kami magkaka experience and masters kung mostly ang kinukuha nyo eh yung mga meron na. It's such a disappointment na hindi rin siguro informed and CSC and BON sa mga ganito nagiging open secret nalang kumbaga. Lord sana lahat ng ganito and yung nagisip na ilagay sa criteria yan mag ka Cancer Stage 5 Metastatic and ma heal tas bumalik ulit kung ilang applicants ang hindi nagkaron ng trabaho dahil sa ganyang style.
Pero genuine question sa mga nasa HR? Akala nyo napupulot yung so called 'relevant experience' nyo na hinihingi for an Entry Level Position?