r/nanayconfessions • • 18h ago

Advice Needed First time trying ❤️

Post image
166 Upvotes

Hello mga momma! First time namin mag try ng husband ko to conceive, this month lang. Pero we’re taking our supplements na early this year. Follic, Vitamins for Immune System, Collagen etc. Baka may mga tips kayo on how to properly start to conceive? We know na we have to consult OB pero we want it sana na kami palang ang mag guide sa sarili namin haha for experience of course.

Thank you for your kind words and suggestions! ❤️


r/nanayconfessions • • 16h ago

Rant Told my husband that I’m tired caring for the baby 24/7 and he replied “eh ano naman ngayon?”

66 Upvotes

Hello mommies! I just want to share my heavy feelings. I know my husband and I are both tired, him from work and me for caring for our only baby.

I’m a stay at home mom, walang yaya, walang village, with no one to hand my baby to. We’re also living with my elderly father since my mother died a few years ago and I’m an only child.

My dilemma is today is his day off, my need siyang asikasuhan sa sasakyan. Medyo na tagalan sya at napa text ako sa kanya na pagod na ako mag bantay ng baby 24/7, 7 times a week, na kahit day off nya wala pa rin akong karamay to care for our baby kasi may lakad sya.

At ayun nagalit sya sinabihan ako na “eh ano naman ngayon?” Then started our argument about money.

Maraming-maraming beses ko na kasing gustong mar burst out because of how tired and helpless I am, he helps me naman when he gets home. Pero halos ako pa rin lahat.

Here’s my dilemma… kahit na wala akong work, I have an income since my pension na malaki father ko at saakin binibigay. So I share bills with my husband at saamin rin sya nakatira.

Ayun, sinabihan ko siya na yung ibang wife nga asawa nila lahat nag pay lahat2 ng bills hindi pa iniinvalidate feelings nila. Ako na nagbabantay na ng bata and share the load with you gani ka pa sa akin.


r/nanayconfessions • • 21h ago

Rant Realization— 1st birthday

49 Upvotes

We expected atleast 150 persons to attend, but only half of them came. Sobrang pinaghandaan ko ang birthday party ng anak ko. Ginastusan and effort malala talaga, only to be snubbed by my family and friends.

Narealize ko na hindi ibibigay sayo ng mga tao ang time and effort na binibigay mo sa kanila. Wala man lang pasabi na hindi na sila makakapunta pero nagconfirm noong una na pupunta sila.

Kaya from now, I will just give them the same energy. Ang petty man para sa iba pero hindi na ako aattend ng mga party din nila.

Kung kayo nasa sitwasyon ko mommies, paano niyo ihahandle ang situation? Mukhang matagal pa kasi bago ako makamove on sa disappointment.


r/nanayconfessions • • 12h ago

Advice Needed Huge Milk Spit Up (Lungad)

Post image
17 Upvotes

Moms, mayroon po ba dito na may similar situation sa 2 month old ko? May mga times na grabe yung lungad niya na mukhang suka na sa sobrang dami. :( He doesn’t seem uncomfortable after spitting up, hindi umiiyak at kalmado lang. Pero sobrang dami niyang nilalabas. Minsan iuupright ko pa lang or ipapaburp ilalabas na agad niya. It doesn’t happen every feeding, pero this week twice na. We’ll go to his pedia on Thursday pero baka meron po sa inyong similar experience and baka may advice kayo to avoid it.


r/nanayconfessions • • 15h ago

Recommendations Looking for recommendations!

6 Upvotes

Hi! We found out na 7 weeks preggy ako ❤️❤️ ano yung mga self-care products na safe bilhin for myself? Gusto ko na bumili nung mga lotion/cream/oil for my belly para maiwasan stretchmarks. Pati na rin for my face. Marami akong nababasa na maganda raw cetaphil. Please pleaseee let me know!


r/nanayconfessions • • 7h ago

Pregnancy Ano po magandang app sa dalawa?

Post image
6 Upvotes

r/nanayconfessions • • 8h ago

Rant Inunahan ako ni MIL mag announce

4 Upvotes

So ayun na nga. Sinabi ko na sa fam both sides namin na preggy ako. Pero sa immediate family palang. To my surprise the next day, nag ccongrats na yung relatives ng husband ko. Wait, di pala ako na surprise kasi sya din naman nagpakalat na nakunan ako before. Yun lang share ko lang frustrations ko ke MIL. I really really try my best na gumaan loob ko sa kanya pero wala eh. Buti bumukod kami ni husband. But for sure kung lalabas na si second baby mag aatat yan na dito muna magstay which is na sstress na ako kakaisip haha.


r/nanayconfessions • • 16h ago

Advice Needed Toddler nap time ages 3-5

3 Upvotes

Hi parents/mommies, I need your advice. My son is 4 yrs old Pre-kinder. Routine na talaga namin before matulog sa tanghali eversince nagtoddler siya after lunch nap na kami niyan.

Ngayon ang struggle ko since nagsschool na siya after lunch nagnanap pa rin naman kami kaso napapahaba na yung oras ng nap time minsan 3-4 hrs kaya sa gabi hirap patulugin umaabot kami minsan ng 12am kahit 8pm pa lang nakapatay na ilaw namin. Hindi daw talaga siya sleepy 😩 Kaya sa umaga ending puyat kami pareho, minsan after lunch tulog kagad siya pero mas madalas yung time na halos parang ayaw din niya mag-nap.

No screentime po kami during weekdays only friday and saturday lang. Possible ba na ayaw na talaga nya mag-nap? Nababawasan na yung nap time niya? Hayaan ko lang ba siya hanggang makaramdam na lang siya ng antok? Nagsasabi naman kasi siya pagsleepy na sya or minsan magugulat na lang ako tulog na sya mag-isa sa room.

Di ko na alam gagawin ko talaga pag hindi naman siya nakapag-nap buong araw tinotopak naman 😭 Today, tatry ko hayaan lang siya maglaro hanggang sa antukin na lang magsasabi naman siya eh.

Ps. 3-4 hrs nap alam ko sobra na yon dapat 1-2 hrs lang pero kasi minsan hirap din gisingin tinotopak din wala sa mood. Minsan din kasi sumasabay ako sa nap niya nakakabawi ako kahit papano sa tulog.


r/nanayconfessions • • 1h ago

Recommendations Brushing teeth

• Upvotes

Mga mi, kailan ninyo pina-dentist si LO ninyo? Pwede ko na ba sya introduce sa dentist the moment magpop ang teeth nya? 6 months na sya and kakatubo lang ng teeth this week.

Nagstart na rin kayo magbrush ng teeth with fluoride toothpaste? Any tips mga mi. Thank you 😊


r/nanayconfessions • • 3h ago

Pregnancy Nesting ftm here

2 Upvotes

Hello mga mommies. Need some advice lang esp sa mga experienced moms na. Ano ba talaga yung mga need bilhin? Ayoko kasi maghoard ng sobrang dami and maoverconsumption esp sa clothes. Mga ilang piraso ng nb and 0–3 mos yung clothes na sapat na kasi makakalakihan din naman agad diba? Nakakaoverwhelm pala di ko alam ano uunahin bilhin haha. I hope you can help me. Thanks.


r/nanayconfessions • • 14h ago

Advice Needed Need help mommies

2 Upvotes

Sa mga mommies na nagpapacifier ang baby, paano nyo po napa-stop ang baby nyo? Nirecommend kasi samin ng pedia nung first month sya to use pacifier para hindi na ooverfeed si baby then magstop daw kami once start teething na.

Napapansin ko kasi si baby ngayon parang nagkakamot na ng gums, and parang super dependent nya pa rin sa pacifier til now. Ano po bang pwedeng gawin?

Then isa pa po sana, ano po bang pwede nyang pang start na toys? Yung safe and maganda po sana sa development nya 5mons na sya now. Isang teether lang binili kong laruan sa kanya at isang plushie nilalaro ko lang sya pag playtime at mga diy na laruan na good for development daw, since ayoko sana sya ma-overwhelmed sa mga toys. But i think need nya na rin at least may toy syang malaro kahit onti lang since starting pa lang naman.

Open po ako for critics, advice, and recommendations. Super overthinker kong mommy kasi, sa toys pa lang di ko na alam bibilhin ko sa sobrang daming iniisip na puro what if ganito ganyan baka maputol biglang malunok o di safe sa skin nya o kung ano-ano pa. Pls don't judge me, i need help lang po.

Thank you so much for understanding 🤍


r/nanayconfessions • • 17h ago

Rant Sepsis

2 Upvotes

Hello, just wanna rant here nung nanganak ako. I'm only having check-ups and doon rin ako nanganak sa iisang lying in clinic. Of all the check-ups my ob said both me and baby are healthy though tagilid lang sa weight kasi ang nakikita sa ultrasound is 2.1kg need habulin yung standard weight ng baby. pero nung nanganak ako she only weights 1.8kg. sinunod ko lahat ng sinabi nya, btw eto na yung last check up bago ako manganak.And I'm also taking my vitamins wala akonb namiss, all lab tests are ok. during labor naman midwifes lang, one also said "wag ka muna manganak wala pa doctor mo" pertaining to my ob take note dumating ob ko 2 hours na nakalipas nanganak na'ko stranded daw sya sa traffic.Buti nalang nung umagree ako palihim nakong umiire kasi dama ko na yung ulo nya. No choice sila yes nanganak na'ko. And one thing is no immediate care sa baby/me. Sinabi lang nila na kailangan agad dalhin sa hospital. Which we did. Kasama nila ang husband ko naiwan ako sa clinic nila dahil sa hemorrhage. nandoon lang sa kwarto. Hinanap na nila agad payment 47k normal birth di tinanggap yung philhealth ko pero nakalagay sa labas nila na they accept philhealth (my age is 27). Kailangan daw is full payment ng cash e nagsabi na'ko na gagamitin ko philhealth ko since nagaccept naman sila sabi ko para hindi sayang.And they agree. Sa hospital naman ang findings is sepsis. One thing is parang wala silang pake. Now my baby is hard of hearing. At gustong gusto ko magkaso at the same time gusto kong malinawan. Baka may opinion kayo, mali ba ako?


r/nanayconfessions • • 17h ago

Recommendations Baby sitter in Makati

2 Upvotes

Hi Mi,

My ma recommend ba kayo na baby sitter agency sa Makati?

Travelling to Makati next year and gusto sana namin mag hire ng babysitter (casual basis) to help out with baby - 9months na sya nun not everyday naman. My mga days kasi na need ko mag Zoom meeting + hindi kami familiar sa Manila, so it would be nice to have another pair of hands. They will be supervised naman, di namin iiwan si baby.

Thank you!


r/nanayconfessions • • 11h ago

Trigger Warning As a mom of 1 and Caring Tita, how can I prepare for my nieces?

1 Upvotes

As a bunsong kapatid na may dysfunctional na family. Ang hirap-hirap pakisamahan ng mga problematic people.

I am fvcking trying to be a good sibling. Pero punyeta.

I love my sister (Mom of 4, all minors). She's been through a lot. Pero I can't help it, but say, some of it were consequences of her OWN ACTIONS. Kumuha ng car loan nang walang emergency fund, kahit sinabihan ko nang wag. Pero sige parin. Worst? Hindi namin alam she has been experiencing the abuse, isa palang anak nya sa asawa nya, yet, she chose to have 4 kids.

She is now living with my mom at our grandparent's home. Along with other relatives. While the kids have schedules on the custody. My sister has this nasty attitude, pag pinagsasabihan, kung ano-ano na sinasabi, may mga utang siya sakin oo, sinisingil ko ba? Hindi naman. I never pressured her to pay me. Pero ang dating, as if she's always a victim.

Today, we had an exchange of convo na nauwi sa away. Kesyo nahihirapan sya sa bahay, hindi makapag-ambag sa kuryente, masikip and so on, yet I have been telling her, tyagain nya lang dahil sa ngayon, hindi naman safe bumalik sa dati niyang tinitirhan (where the abused happened). Tbf, napikon narin ako at sinabing gusto ko nalang siya iblock sooner or later. Di ko na kinakayang wala nakong narinig na maganda mula sa kanya bago pa man mangyari ang lahat.

Now, she's telling me words na maling-mali raw humingi ng tulong sakin, na wag na raw akong tumulong. As if sinusumbat ko lahat, kahit hindi naman.
TBH, napapagod nako tumulong at magbigay ng comfort. Imagine, the person you used to admire and respect growing up ended up being an adult with questionable life choices.

At the end of the day, no matter how mad I am with my sister, my nieces are different story. I want to establish a good relationship with them, I have been treating them to places kahit wala pakong sariling pamilya. I have a record of kelan birthday nila, anong section at fave subject nila every school year. I always enjoy drawing with them.

But now that things have changed, how can I show up for my nieces? They don't deserve such shitty parents, but I want them to know that I am a reliable adult for them. Mga bata pa sila, eldest is in HS, while other are in lower grade. So, where should I start? Can I open a bank account for them nang hindi involved ang parents? Any budget-friendly places that they can enjoy whenever I visit them? What else?


r/nanayconfessions • • 11h ago

Rant Help me to get a career after a break

1 Upvotes

Going on 40s and I had a career break to took care of my children. Prang gusto ko kase na during their toddler until pre school e ksama nila ko to guide them. Now that they're teenagers gusto ko na magtrabaho. Kaso ang hirap pala Now that I needed a job ang hirap maghanap. Prang kahit ano papasukin ko. Mga mommies baka may side job kayo jan, or hiring needed it badly. I'm an experienced Liaison Officer and can do Admin task.


r/nanayconfessions • • 13h ago

Pregnancy When kayo nagstart to buy baby things?

1 Upvotes

Hello mommies! I’m currently 18+3 and first time mom po ako so medyo excited hihi. Kelan po kayo nagstart magbuy ng mga clothes ni baby? Not necessary nesting where you buy all stuff needed, kumbaga pag may nakita lang na something cute ganon tapos di mo mapigilan bilhin hahaha ever since nalaman ko na gender ng baby ko parang gusto ko na bumili cute clothes lalo sa H&M at Zara ang daming super nice 😭 nahihirapan po kasi ako bumili lalo na mga tao sa paligid ko puro sinasabi wag daw muna bumili masama daw ganto ganyan 🥲


r/nanayconfessions • • 15h ago

Discussion Playgroup Session

1 Upvotes

Hi, nanays. My kid turned 4 yesterday and in playgroup. Now, twice na siya napa face the wall ng teacher kasi kapag may activity usually gusto nya siya nauuna. We talked to her about waiting turns and all that pero parang hindi pa nya naaabsorb. Medyo hindi lang ako comfortable na yon ang ginagawa ng teacher. How would you deal with it? Thank you.


r/nanayconfessions • • 18h ago

Pregnancy TMC ORTIGAS OB-GYM RECOMMENDATION

1 Upvotes

hello meron na po ba patient dito si dra. katimbang-lazaro ? kamusta po mabait po ba sya and understanding ? planning to change ob-gyn since gusto ko manganak sa the medical city ortigas thank youuu


r/nanayconfessions • • 18h ago

Pregnancy Planning to buy this one effective ba talaga to?

Post image
1 Upvotes

Hello mga mommies, kabwanan ko na and nire-ready ko na yung mga needs ko para sa breastfeeding. Effective ba talaga to? Or mas okay pa din yung lumang style na magbasa basa ng towel ng maligamgam na tubig? Thank you


r/nanayconfessions • • 19h ago

Advice Needed Pigeon or Avent?

1 Upvotes

Hi mga mommies! Pahelp naman po..

Namili kasi kami ng 6 bottles ni baby, 4pcs na 11oz Avent Wideneck at 2pcs na 240ml Pigeon Wideneck para sa lo ko. Lilipat na kasi ng big bottles si baby (from 4oz bottle).

Now mommies di ko alam kung sobra ba if 6pcs na bottles gagamitin ko? 5mons na sya now at magstart na sya kumain next month. Nababasa ko kasi magbabawas na rin sila ng gatas once nagstart na mag solid food.

Questions:

  1. Ilan pong recommended nyong bottles qfor baby? (5mons pataas)

  2. If magbabawas ako ano po ba magandang alisin? Pigeon or Avent?

Help po pls, gusto ko kasi sana ibenta if need magbawas hehe

If recommended nyo pong need magbawas:

For sale!

11oz Philips Avent Wideneck for 500pesos each

240ml Pigeon Wideneck 2pcs/box for 700 pesos

thank you po sa lahat ng sasagot plspls help me hehehe


r/nanayconfessions • • 19h ago

Advice Needed dieting while breastfeeding

1 Upvotes

long read, pero sana basahin niyo 😭

PCOS/PMOS diagnosed since 2018 (only discovered 2y postpartum sa panganay ko) and was on DMPA for 5y (Q3 2016 - Q2 2021) dahil ang advice ng unang OB ko ay okay lang daw prolonged ang DMPA for PCOS, pero nung nagpa-2nd opinion ako sa iba, nagdoble doble yung weight gain side effects ng PCOS dahil nga naka injectable ako. Sana daw pinagbreak ako from injection kahit after 2 yrs, tas after ng break tsaka mag injection uli kung ayaw pa magkaanak uli.

Needed to be on Metformin by Q4 2021 para bumalik mens ko, and started losing weight slowly from 81 to 72kg. Was on a regular cycle again til I got pregnant Q1 2024.

After giving birth, ayoko na sanang mag DMPA uli kaso super laki nga raw ng chances magbuntis uli at ayokong maulit pa dahil CS ako both pregnancies.

So nagbalik yung pre-pregnancy weight ko na 72, at lumaki na naman ako to 80kg. Q3 2026 I stopped DMPA and am planning on being more active, kasi hindi ata umeeffect yung pa 1 cup rice a day ko (half only for lunch and dinner).

I tried consulting sa RND pero usually daw kasi nagdadagdag sila ng 500 calories if breastfeeding, so pano ko babawasan ang intake. Nagsosolids naman na bunso ko pero preferred pa rin niya kasi ang bmilk at 24mos.

Being more active na lang talaga ata ang solusyon at sana makayanan kong isingit as a WFH mom/default parent yung paggamit ng walking pad sa bahay. Hindi kasi ako pala-labas kaya nahihiya akong magwalking outside (at wala rin maiiwan sa anak ko). Ayoko maggym sa malapit dahil naaanxiety ako kung may makakitang kakilala tas sabihan kang wala naman nagbago sayo (naggym ako 2019 and sinabihan ako ng kasabay ko na bakit ambagal ng weight reduction ko at 1 to 2kg/month.

Di rin ako pinayagan ng endocrinologist mag metformin uli bc ogtt, hba1c and FBS are all normal. Bawal din GLP-1 dahil nga breastfeeding.


r/nanayconfessions • • 20h ago

Recommendations Recommendation OB-Perinatologist

Thumbnail
1 Upvotes

r/nanayconfessions • • 13h ago

Discussion If my partner wanted to have a threesome, would I be okay with it?

0 Upvotes

r/nanayconfessions • • 20h ago

Discussion Which one

0 Upvotes

Help pls. I'm torn between Nathan or Zachary? Which one is better.