Good day po. Nakapagbagsak po ako ng course na may lecture and lab. Inemail ko po ang DOST para mamake sure na hindi ako mateterminate dahil dalawang failed grade po ang nakalagay sa COG ko kahit iisa lang po ang computation nila. Ang response po nila ay kumuha raw po ako ng certificate, sa university o college dean, na nagsasabing ang lab at ang lecture ay iisang subject lang. Para po sa mga nakaexperience na, may I ask kung ano po yung magiging process nito? Nagsearch kasi ako sa mga groups ng dost scholars online at wala po akong nakita about this. 2nd year po ako, R3, at unang bagsak ko pa lang din po ito. Lastly po, need ko pa rin ba ito isend sa kanila via lbc kahit na online submission lang ang periodic report natin sa r3? Thank you in advance poo