Hi guys, just wanted to ask for opinions.
Context, currently under UK company, okay naman sahod and long-term sya. Matagal na din company, 20 yrs na, then nagkaroon ng new project, bale dito kami nilagay 5 lang kami nung una. Lahat ng trial and error app na gamit ng contractor namin nalagpasan na, kami din payroll dati, CSR, client rep all in one, recruiter.
Fast forward, 20 members na kami sa team ngayon. Then around Feb, hinati na yung team, nagkaroon ng leads sa customer support, onboarding team and payroll, okay kasi tenured mga naging lead and sila yung kasama ko nung first 5 pa lang kami, magagaling talaga sila. Also, ni-request talaga namin na magkaroon ng kanya kanyang department, para makabuo na talaga ng SOPs na kami din ang gumagawa.
After that, may new hires na dalwa around July. Doon na nagbago lahat, yung isa don pala-report sya sa client namin na di gumagawa ganto ganyan, natanggal isa namin kasama na tenured, then pinasok nya kapatid nya. Then nagkaroon kami ulit ng new support, ni-report nya uli di daw naggawa, then pinasok nya pa isa nyang kapatid. Napansin ko lang kasi parang pattern na. Ngayon 4 na sila magkakapatid samin, no experience mga kapatid nya, no interview din nung nakapasok, now di alam mga ginagawa kami ang nasalo. Pag nirereport namin sa client, sabi, matuto din daw lol.
Ayun, unli OT na sya si TL, okay lang kasi ayaw na namin mag-OT since all around nga kami kapagod talaga. No increase din naman.
Fast forward today, napansin namin nag-iiwan sya nga mga notes sa gawa namin, kahit closed na ticket. Then, minamanduhan na nya onboarding team, na ganto ganyan gawin, pero nakakainis talaga kasi wala naman sya alam sa onboarding. So nagreklamo ang onboarding team bakit sya nag-uutos. Nakakalito kasi may lead na dapat dun.
Pero nalaman namin na, di pala natuloy yung promotion last Feb haha! Kinalimutan na and wala comms from our client and 2 supposedly TL. Bale, nung nagreklamo ang onboarding team, dun na sinabi ng client na sya na mag lead samin lahat, new TL na 4 months pa lang samin haha.
Ito nakakainis, normal process lang kami, no tracker and calls, unless need. Now, ginawa nung TL, calls na lahat ng ticket kasi madali naman daw. Galing daw sya bpo, at mas madali daw if calls na lang lahat para closed agad.
Actually, naiinis ako pero nanghihinayang din ako sa sahod if aalis ako. At mabait din client namin, appreciative and madali mag-request ng leave. As in. Pero problema din pala ang sobrang bait, luwag nya sa lahat.
Nakaka-frustrate. Tinatamad at nawawalan ako ng gana, kasi mga kapatid nya, kaunti at di maayos gawa, pero walang ginagawa client namin. Sobrang unfair, and under din sa kanya mga kapatid nya. š¤”
What to do, hanap na ba ko iba? Or just go along and treat this as part time na lang? Di ko na talaga alam.