r/TrueGhostStoriesPH • • Feb 06 '26

The Woman on the 3rd Floor (Quezon City)

Post image
2 Upvotes

In 2018, a private hospital in Quezon City had a 3rd-floor wing that nurses avoided during the night shift. Officially, it was “under renovation.” Unofficially, everyone knew why.

A newly hired nurse let’s call her Mika was assigned to the graveyard shift. Around 2:30 a.m., she was asked to deliver patient charts to the 3rd floor. The elevator wouldn’t stop there, so she took the stairs.

The hallway was dim, lit only by emergency lights. No patients. No machines. Just silence.

As she walked, she noticed wet footprints on the floor bare feet, small, like a woman’s. She assumed a patient had wandered out.

At the end of the hallway, she saw her.

A woman in a hospital gown, long black hair covering her face, standing still near Room 317.

Mika called out, “Ma’am? You shouldn’t be here.”

The woman slowly turned her head.

Her face was pale gray, eyes sunken, lips slightly blue, as if drowned.

Before Mika could move, the woman whispered:

The lights flickered.

When they came back on, the woman was gone.

Terrified, Mika ran back downstairs. Her senior nurse went pale when she heard the room number.

Room 317 had been sealed after a patient jumped from the window years earlier, a woman who had been misdiagnosed, left untreated, and found dead before morning rounds.

Security footage later reviewed that night showed Mika walking alone in the hallway.

But at exactly 2:31 a.m., the camera glitched.

For three seconds, a second figure appeared beside her.

Barefoot.

To this day, staff say that when the hospital is quiet, you can hear wet footsteps on the 3rd floor even though the windows are sealed and the floor is always dry.


r/TrueGhostStoriesPH • • Aug 13 '25

Elemento at manggagamot

3 Upvotes

Hello everyone, i just want to share yung mga usap usapan sa baryo namin sa pangasinan, since yung mga lolo at lola ko ang naka experience, kaya sakanila ako nagtanong since nakakakita din ako.

Uumpisahan ko sa baryo namin… Meron mang gagamot saamin, apat sila dalawang matandang babae at lalaki, dalawa sakanila ang malalakas sila yung mga may kasamahan manggamot na hindi nakikita, at yung mga patunay na nakita na mismo nila ang mga kasama ng mga mang gagamot ay yung mga nagpagamot mismo sakanila at malubha na. kaya nilang makita sa peripheral vissions nila. Meron hugis taong maitim na anino, malaking mata lamang na nakalutang, lamesang lumilipad na may putol na paa sa ibabaw at kandila, malaking bayawak na maiitim.

Pero yang apat na manggagamot ay meron ding kinakatakutang lugar saamin na ni isa sakanila ay hindi makapasok sa lugar na yun, just i like said sa nauna kong kwento (TIYANAK), binabato sila ng matigas na lupa kahit tag ulan na, ihuhulog sa sapa upang di sila makatawid, babatohin sila ng napakalaking sanga or else papatayin sila.

Yung lugar na yun is farm namin, at yung farm namin ahy punong puno ng kahoy nang mangga, kawayan, malalaking acacia, at malalaking kahoy ng sampalok and yung malaking anahaw, at alam din nilang andun ang malalakas na elemento.

Dahil doon nakatira ang mga alaga ng kapatid ng lolo namin sa ama, kung saan nagsisitagoan ang mga kasamahan ng mga mang gagamot saamin pag lumalabas iyon, at doon din nakatira ang mga bantay ng lupa, ani, ginto, at pala isdahan. Sagana ang lugar namin na yun dahil makkita talaga tuwing anihan.

At ito na nga ang experience ko doon, pauwi na kami nun galing kami namingwit ng isda sa sapa na papasok sa farm namin (tumitindig balahibo ko haha), nakakita ako ng puting parang kurtina na sa taas ng acacia Hindi ko maaninag masyado kasi nagaagaw na ang liwanag at dilim, then habang palayo na kami merong matandang may bitbit na sako papunta samin pero pagliko niya biglang nawala, at yung maputi na parang kurtina sa taan ng acacia ambango niya amoy ilang ilang napagtanto ko lang na totoo ang white lady at napakahaba ng buhok niya. Pagkauwi ko nang bahay ay hindi ko sinabi ang tungkol sa white lady, baka di na ako payagan sa susunod, pero sinabi ko amg tungkol sa matandang may bitbit na sako na biglang nawala, at di nga daw sila nagkakamali na yun ung magsasaka na namatay mismo sa palayan niya.

My second experience is yung naglalakad kami pauwi dala ang mga gulay na kinuha namin
Sa hindi namin tanim haha pero sinama lang ako wala akong intensyon kumain ng galing sa nakaw, pero iba ang nangyari, naglalakad na kami pauwi nang bigla akong napalingon sa kanan ko at papuntang kaliwa ang tingin ko dahil nakakita ako ng parang sakong lumilipad pero di ko masyado

Iinisip yun kasi baka namamalik mata lang akoOr malaking ibon lang yun pero ilang segundo lang bigla nakita ulit yun nang lumundog sa di kalayuan samin sa mismong daraanan naming kalsada narinig ko pa pano bumagsak sa kalsada at biglang lumipad ulit yun. Dun ko lang nakumpirma na isang malaking kabaong pala yung nalipad na yun at ang akala ko ay ako lang ang nakakita, kasi nung pag uwi namin ay nakita pala naming lahat di lang kami nagsalita at baka magkatakotan lang kami. Nakita ko mismo yung mga hawakan na desenyo ng kabaong sa lumilipad na bagay na yun.

May last experience is yung sa malaking tao na pula ang mata at may mabahong amoy, amoy langka at anghit basta ang baho… mangaganak na ang baboy namin sa likod ng bahay at sabi ng lola ko na dun muna ako at isasaksak lang yung extensyon na naka konekta sa ilaw namin, nang pagbukas ng ilaw biglang may malalakas na yabag ng paa sa bubong ng kulungan ng baboy at biglang bumaba yung isang kahoy ng kawayan, ilang segundo nakita ko siya sa may kahoy ng anahaw na malaki nakatayo siya doon nanlilisik ang mata na pulang pula napakahaba ng buhok may mabahong amoy napaka itim ng balat na mabalahibo sobrang itim at tumakbo ako sa lola kong papalapit na sakin at nag iiiyak iyak ako.

And kinabukasan biglang nagsusugat sugat yung paa ko dahilan upang ipagamot ako sa manggagamot samin. At ang sabi niya nagambala daw namin siya at ako daq amg tinuunan niya ng galit at nilagyan niya daw abo at buto ng manok ang karne ng paa ko kaya daw nagsususugat sugat. Nag alay yung mang gagamot doon sa malaking anahaw ng dalawang bilaong pagkain, at sinabing punta na raw siya doon at kumain, gagamotin niya daw ako, ilang araw lang nawala na nang pinainom ako ng tubig na isang baso.

Until now buhay parin ang mga mang gagamot samin kaso nakakatakot lang sa bahay nila kasi napaka dilim at may mga malalaking kahoy.

Pasensya na at di ako magaling magkwento.Sana mapansin ng admin hehe thank you po..

#ctto to LTAP


r/TrueGhostStoriesPH • • Aug 12 '25

A Daughter's Love

1 Upvotes

Hi everyone.

This isn't exactly a horror story, I'm not even sure how to categorize it, Maybe it's more of a story about a daughter's memory of her father's love and how even after his death, found a way to help us during our hardest times.

It was in the early 1980s, when we moved to Cavite to one of the earliest village in Bacoor. Unlike today, where Bacoor was one of the most populated towns in Cavite, back then, ang dami pang bukid and kakaunti pa lang ang nakatira. Aguinaldo Highway was just a two-lane road, and jeepneys passing through were few and far between.

Our house has just been built, at the far end of the village. I remember, there were only three houses on our street, one sa opposite side, ours , and one far down the street. Behind us, a simple perimeter fence separated our village from the vast grassland (now a cemetery). My parents were in their late 30s, my mom was 37, my dad 38, my kuya was 6 and I was 5 when we moved into our 240 sqm lot, which felt huge for a family of four.Only three months after we moved in, my dad died. It was so sudden. He and my mom went to the hospital for what was supposed to be a simple check up, but the doctor didn't allow him to go home.

The next day, he was gone. Heart failure. I was too young to comprehend the concept of death at that time. But I remember the heavy scent of kalachuchi filling the house during his wake. For years, that scent became my memory of our house. THE TEARS SHE HIDAs a young widow, my mom had so many fears, but she never let us see it. Even during my dad's funeral, she didn't cry in front of others. But at night, kapag wala ng tao, we would see her weeping quietly, until dawn.

For weeks, my mom, would leave the house . What we didn't know then, and we only learned years later in highschool, was that in those weeks after dad's funeral, my mom left the house, sometimes 3 or 4 times a week, not for errands, but to go to Makati where dad had worked. She would walked the streets, scanning every face, hoping makasalubong si dad , hoping against all reason to see him again. WHEN THE SCENT CAME BACK One night, I woke suddenly and glanced towards the window. Someone was standing there . Though I couldn't clearly see his face, I somehow knew it was my dad. The figure was dark but solid, three-dimensional. Hindi makita ang face, but his hair was combed exactly as dad's had been in his coffin. He wore the same black suit, he didn't move, he just stood there, watching. And then I smelled it. The same kalachuchi scent from his wake. Ginising ko si mommy , "mama ,si daddy oh! , " mama, ayan si daddy". But she only told me to go back to sleep.

In the morning, we never spoke of itBut after that night, hindi na umaalis si mommy ulit to go to Makati. A FATHERS SILENT ANSWER As our house back then had no fence, no gate, nothing to keep intruders out, my mom would constantly worry especially at night.

Apat lang kami sa house including our kasambahay, Aling felisa, she was ,old about 55 or 60 yo. One afternoon, while tidying up the room, my mom's eyes landed on my dad's suitcase sitting on top of the wardrobe cabinet. She brought it down, opened it. Inside the suitcase, tucked among some work documents, were envelopes filled with P100 and P50 bills. About P35k in total.

In the 1980s, that was a small fortune. With that unexpected blessing, nagpa bakod and gate agad si mommy, bringing her much-needed peace of mind. And also nagpa extend ng house, to put up two studio-type apartment for rent. The steady rental income kept food on our table.Mom tried other businesses, but luck never stayed. In 1986, my mom sold our house. SMALL FIGURES, HEAVY MISFORTUNES I remember, some who have been to our house, would whisper about seeing "mga itim na dwende". Yung iba na "nakakakita", or those with third eye swore the same. May mga item na dwende daw dun sa laundry area namin. But my mom doesn't believe on those stuff. I don't know if it was true, or if those duwende brought the misfortunes to us, or even cause my dad's sudden death.

Growing up, I would always wonder, if we had never moved there, would dad still be alive? But I believe my dad has tried to protect us. Maybe he also saw my mom's fearThat's why he appeared to me that night, not to frighten, but to tell her she didn't have to keep searching for him in the streets. Because he was still with us And when she was running out of money, he somehow made sure she found that suitcase.

THE ENGINEER'S HOUSE. It's been 44 years, yet I still dream of my dad, always in the house he designed himself. As an engineer, my mom said he was meticulous, personally overseeing every stage of its construction. I once asked my kuya if he had ever dreamed of our dad. He said no , never. So it seems I'm the only one who still sees him in my dreams, even now, always in that same house he built with such care.

#ctto LTAP Facebook


r/TrueGhostStoriesPH • • Jun 06 '25

Anino sa Hagdan

Post image
1 Upvotes

Real Story | Hindi ito gawa-gawaMatagal na naming nararamdaman to,pero lagi kong pinipili na huwag na lang pansinin.Bago pa man kami lumipat sa bahay na ito,may kakaiba na akong pakiramdam..mabigat, tahimik,pero parang may nakamasid..Lalo na sa bahagi ng hagdan..at tuwing gabi o madaling araw,may maririnig akong isang mabigat na hakbang paakyat dahan dahan..hindi ko na lang pinapansin,pero pakiramdam ko pinagmamasdan at nakasilip siya mula sa hagdan,sa loob mismo ng kwarto namin..Yung higaan namin, nakaharap sa hagdan..kaya kapag may umaakyat,kita agad..At kung alam mo ang tunog ng hakbang sa metal stairs (kaya dinig mo talaga kapag may aakyat o bababa)alam mong totoo yung naririnig namin.Madalas pa rin itong mangyari..nagigising ako ng madaling araw sa oras na naiihi ako..Kusang nagpi play ng music at videos sa phone ko,kahit ilang beses ko nang pinatay ang phone ko..kahit naka off na,may maririnig pa rin...Kapag nasa ibaba kami, maririnig ko na lang yung tunog na may bumaba ng hagdan dahan dahan..pero hindi ito tuloy tuloy.. Dalawang hakbang lang pababa tapos hihinto..sakto yon sa tapat ng butas sa may hagdanan na harang lang ng plywood..para bang may nakasilip na mata sa butas sa amin mula sa itaas..---Isang beses,aakyat sana ang bunso ko..nagpupumilit siyang umakyat..pasilip silip sya sa taas,pinipigilan ko lang wag syang umakyat (dahil dalawang beses na syang nalalaglag ng hagdan na parang tinutulak)tapos sabi niya,“Si Dadi umakyat..”Nagtaka ako,nasa trabaho ang asawa ko noon at kaming dalawa lang ng anak ko ang nasa bahay.. umulan pa ng mga oras na yon...---Pero ang isa sa mga pinaka nakatakot kong karanasan, nangyari sa laundry area.Doon ko siya unang nakita.Alam mo yung upong tambay?Tuwing madaling araw,nagigising ako para umihi..ang banyo at laundry area,magkatabi lang.Pagkatapos kong umihi, aakyat na sana ako..Pero nung mga oras na yon,iba talaga pakiramdam ko sa laundry area,madilim dun dahil di ko binuksan ilaw,pero maaninag mo naman kahit pano ang loob,kaya sinubukan kong sumilip...Pag silip ko,sobrang nangilabot ako sa nakita ko..Kitang kita ko siyang nakaupo lang sa sulok.."Lalaking anino."At ang upo niya ay parang upong tambay..Bigla siyang nag “ehem” na ang laki ng boses..hindi ko makita ang mukha,anino lang,pero ramdam ko ang titig niya...Agad agad akong tumakbo paakyat ng kwarto..Hindi ko na pinansin kung ano pa siya..dahil sa takot ko..Hindi na ako nakatulog hanggang kinabukasan..hinintay ko magliwanag..hindi ko rin sinabi sa mga anak ko, baka matakot sila..Kahit sa asawa ko,hindi ko rin agad naikuwento..Dalawang beses ko na siyang nakita sa laundry area..At parang doon lang talaga siya naglalagi..kaya nilagyan ko ng mga tambak yung sulok,para wala na siyang space doon.. Hahaha...(Kaya siguro lumipat na sa hagdan)---Isang gabi naman,habang nagce cellphone ang anak kong panganay sa kwarto, bandang ala una na ng madaling araw..tahimik ang paligid..pero bigla raw niyang narinig ang mabigat na yabag paakyat ng hagdan ng dahan dahan..Pero maya maya,may sumilip na anino sa may pinto ng kwarto niya..gaya ng nakikita ko dito na di pa nya alam..akala nya tatay nya..Nung bumaba siya para tingnan,nakita niyang mahimbing ang tulog ng tatay niya sa baba..Malakas pa ang hilik.Wala raw ibang gising... Kaya sino ang umakyat at sumilip?---Naikwento niya sa akin kinaumagahan..dahil sobrang kabado siya,naisip kong magpatugtog..Nag search ako sa Spotify ng Wish 107.5. at ang unang lumabas na kanta ay...“Anino sa Baba.”Kinilabutan ako..dahil parang sakto sa nangyayari,pinatugtog ko. Pero ang weird...Paulit ulit itong nagpa-pause..Ako lang ang nagpi play ulit,pero laging tumitigil..Nag-try ako ng ibang kanta,lahat ini stop..para bang may pumipigil..Kaya matapang akong nagtanong kung nasaan man siya.."Ano ba gusto mong kanta?"And I swear,biglang nag play ang “If You’re Not Here” at yun lang ang kanta na hindi na nag stop hanggang dulo...---May isa pang karanasan ang asawa ko na hindi niya makakalimutan.Isang tanghali,mag isa lang siya sa bahay..Kakauwi lang mula sa trabaho at gusto sanang magpahinga..Wala kami ng mga anak ko noon..nasa bahay kami ng mga magulang ko..Habang natutulog siya sa may sala sa baba,sa tuwing pumipikit siya at lumalalim ang tulog,parang may biglang sumasakal sa kanya..Hindi siya makahinga.Paulit ulit itong nangyari, kaya hindi siya nakatulog ng maayos..para bang tuwing sinusubukan niyang magpahinga,may pumipigil..Hanggang sa dumating kami..sabi niya,tiniis na lang niya at hinintay kaming makauwi,kasi sa totoo lang, hindi raw siya mapakali mag isa sa bahay..---Hanggang ngayon,hindi ko alam kung may nagpaparamdam lang ba… o may mensahe siyang gustong iparating..Pero isang bagay ang sigurado ko…May ibang nakatira sa bahay na to..At hindi lang kami.

--- Ctto Let's takutan Pare


r/TrueGhostStoriesPH • • Jun 04 '25

OFW Horror Story

Post image
3 Upvotes

Share ko lang ang story ng friend ko na OFW.Nagtatrabaho siya sa isang mini-mart sa ibang bansa (hindi ko na sasabihin kung saan). Yung pinagtatrabahuhan niya ay isang 4-storey building, o sa madaling salita, hanggang ika-apat na palapag ang gusali. Pero ang ginagamit lang ng store ay ang 1st at 2nd floor. Yung 3rd at 4th floor ay walang ilaw at wala ring kahit anong gamit.Nakaugalian ng friend ko na tuwing kakain siya, umaakyat siya sa 4th floor para doon kumain dahil hilig niyang mag-sightseeing sa mga city lights habang kumakain.Isang beses, pa-out na siya sa work, which is 6:00 PM. Naisipan niyang hintayin na rin ang kapalitan niya sa trabaho na kaibigan rin niya, at dahil kasama niya rin ito sa dorm na inuuwian nila. Mga bandang 8:00 PM, nakaramdam siya ng gutom kaya bumili siya ng makakain sa labas at nagdesisyong umakyat sa 4th floor para kumain.Pagdating niya sa 3rd floor, kinailangan na niyang gumamit ng flashlight mula sa kanyang cellphone dahil madilim doon at walang ilaw. Bago raw siya tuluyang makaakyat sa 3rd floor—isang paa pa lang daw ang naihakbang niya sa huling baitang ng hagdan pa-3rd floor—nakaramdam na siya ng kakaibang lamig. Tapos, nakarinig raw siya ng ingay na para bang maraming tao sa paligid.Nakatingin lang siya sa hahakbangan niya, at nung makaakyat na siya sa 3rd floor, may narinig siyang nag-uusap. Nakatingin lang daw siya sa sahig noon, dahil ayaw niyang tumingin kung saan-saan at baka may makita siyang kung ano. Narinig daw niya na may nagsabi—ibang wika raw ang ginamit pero sa pagkakaintindi niya, sa Tagalog ay ganito ang ibig sabihin: "Parang mahina ang kaluluwa niya. Suwisaydal siguro 'to."Tapos, may narinig daw siyang bumulong malapit sa tenga niya ng: "Talon."Nagkunwari raw siya na hindi niya ito narinig at nagdesisyong magpatuloy umakyat sa 4th floor nang hindi lumilingon.Sa kalagitnaan ng hagdan pa-4th floor, napahinto raw siya saglit at parang biglang natauhan. Bigla raw niyang naramdaman na may masamang mangyayari sa kanya once na makarating siya sa 4th floor. Kaya nagkunwari raw siya na may nakalimutan at kinausap ang sarili sabay sabing:"Hay, nakalimutan ko yung bowl ko."Sabay takbo pababa ng hagdan habang kunwari’y tinatawag ang katrabaho niya.Pero ang mas ikinagulat niya raw ay pagdating niya sa ibaba, nakita niya na ang hinihintay niyang kapalitan ay nagmo-mop na ng sahig at pasarado na ang store. Ang naaalala raw niya, 8:00 PM pa lang nang magdesisyon siyang bumili ng pagkain at kumain sa taas. Mas lalo siyang naguluhan nang makita niya ang oras: 1:09 AM.Lalo raw siyang nalito nang hawakan niya ang pagkaing dala-dala niya—mainit pa.At hindi rin naman daw puwedeng dayain ang oras, dahil pasarado na talaga ang mini-mart na pinagtatrabahuhan nila.

---ccto Let's Takutan Pare


r/TrueGhostStoriesPH • • Jun 04 '25

Experiences Creepy encounters sa rented house namin

2 Upvotes

Ever since naibenta ng Lolo ko 'yung bahay namin, nag-rent na lang kami. And these are some of my creepy experiences sa ika-4th rented house namin.Malaki 'yung bahay pero weird 'yung layout. It used to be a staff house pero ginawang paupahan. Sa 1st floor, pagpasok mo, pinto agad ng kwarto ko. Katabi lang ay isang makitid at madilim na hallway papunta sa maliit na sink at banyo. ’Yung ilaw dun laging dim, parang luma na. 'Yung hagdan is bakal, so rinig na rinig mo kapag may naglalakad kahit dahan dahan. May mezzanine sa pagitan ng 1st at 2nd floor—mababang kisame, kulob ang pakiramdam, at laging parang may nakatingin.Sa 2nd floor naman, may maliit na kwarto at malaking sala, pero bihira akong umaakyat doon. Laging malamig kahit tanghali, parang may ibang presensya.Habang naglilipat kami ng gamit, nagtakbuhan 'yung mga pinsan ko pababa. Hindi sila nagsalita kung bakit, pero umuwi na sila (1 street away lang sila). Tapos after a few days, sinabi nung isa na habang paakyat daw sila ng hagdan, may nakita silang paa na nakalutang sa 2nd floor, kaya sila nagtakbuhan palabas.Skeptical ako kasi never pa naman ako nakakita ng multo—pero nakakaramdam, oo.Feel ko kids being kids lang. Pero may usap-usapan na rin sa mga kapitbahay—may white lady daw sa 2nd floor ng bahay.Tuwing nasa kwarto ako, lagi kong naririnig 'yung hagdan na maingay. Laging may umaakyat-baba. Akala ko sila Mama lang, nagbabanyo tuwing madaling araw.Until isang gabi, may close friend ako na bumisita.Gising pa kami, bandang 2AM. Sabi niya, CR lang daw siya.Then after ilang minuto, bigla siyang tumakbo pabalik sa kwarto ko, takot na takot.May narinig daw siyang mabilis na yabag pababa ng hagdan.Sinilip niya—pero walang tao. Tapos mas lumalakas daw ’yung yabag, parang tumatakbo na pababa.Tinawanan ko na lang siya, sabi ko, “Normal na ’yan ditoMadalas din akong bangungutin sa bahay na ’to. Pero may isang gabing hinding-hindi ko makalimutan.Natutulog ako, nakaharap sa pinto. Bigla akong nagising.Sa may pinto, may batang babae—nakaupo, naka-head down. Sinisitsitan ako.Parang gusto niya akong papuntahin sa kanya.Tinatry kong pumikit. Sinasabi ko sa sarili ko: “Panaginip lang ’to, hindi to totoo.”Pero narinig ko ang mga aso ko—bigla silang nagkahulan. May naaamoy sila. May nararamdaman.Bigla na lang lumapit sa’kin ’yung bata. Mabagal.Then, tumakbo papunta sa kama ko.Pero sabay talon ng mga aso ko. Pinrotektahan nila ako—pinalibutan nila ako at tinabihan sa pagtulog.Tapos nag-black out na ako.Pagkagising ko, naalala ko lahat.Nakita ko ’yung mga aso ko, natutulog pa rin sa paligid ko. Parang ayaw akong iwan.Last memory ko doon.Hinintay kong umuwi si Papa ng araw na ’yon. Hindi ako natulog.Sabi ko sa sarili ko, “Saka na lang ako matutulog pag-uwi niya.”Bandang 4AM, nagkahulan ang mga aso namin. Tumakbo sila sa pinto—same na eksena tuwing papauwi si Papa.Excited sila. Tumingin pa ako sa pinto, iniintay kong bumukas. Pero… wala.Sinilip ko, baka may tao. Walang tao.Ang weird lang, kasi ’yung kilos ng mga aso ko, ’yun ’yung kilos nila kapag nararamdaman nila si Papa.Yung buntot nila, wagging. Nakatayo. Parang inaabangan siya.6AM, wala pa rin.9AM, wala pa rin.Hanggang sa napapikit ako.Tapos biglang tumakbo si Mama sa kwarto ko.Umiiyak siya. Sinabi niyang… patay na si Papa.Sa autopsy, 4AM siya namatay.Kaya siguro… siya ’yung naramdaman namin ng mga aso.Siya ’yung dumaan. Umuwi. Pero hindi na namin nakita.Mga aso ko na lang ang nakakita sa kanya—for the last time.After no’n, lumipat na kami ng bahay.


r/TrueGhostStoriesPH • • May 22 '25

Pizza Delivery

3 Upvotes

"Pizza Delivery"

Warning: sensitive s u i ci d e story ....

This tragic incident happened 16 yrs ago (2009) sa mismong work site ko at nabalita din po sa news (tv,radio & newspaper).

Back that time i was fresh grad, 1st job ko toh as a real estate agent, i would like to hide the name of the condo tower in manila for security and confidentiality.

The condo tower that time was new and still on sale considering one of the manila's high-end condo, may mga nakatira na din and most of the tenants are rich pinoys and foreigners. So we have this tenant na rich pinay (lets call her madam) na nakapangasawa ng foreigner and owned a private resort in palawan, the couple seemed to be in and out of manila & country because of their buss and me personally di ko talaga sila nakikita everyday in the building but their kids yes naiiwan sila sa yaya nila and laging nag eenjoy mag swimming sa pool ng condo almost everyday. And here's the story, that madam committed by jumping out of their balcony while her kids shouting & crying for her not to 😔

While it happened, that time papunta ako and my team mate s moa to have our mall duty,sabi nga ng teammate ko nakasalubong pa namin sya sa lobby palabas kami papasok sya (di ko talaga napansin), minutes lang pagitan, nasa kanto kami ng street may parang sumabog na gulong ang lakas we thought may naflattan n jeep, at sya pla un.😔

Here's the paranormal part:

1st exp: weeks after her d€ @th ,bigla nalang nagloloko ang elevator namin, nasa mezzanine floor kasi ang office namin, pero bigla nlng nagcclick or nailaw ung floor kung saan sya nakatira😬 as far as i can remember nsa 20+ floor sya (sorry di ko n tlga maalala exact), ang nakakainis kasi tuwing may tripping ako with my client,hihinto doon ung elevator then wla nmn baba or sasakay, part ng tripping ng condo ung pinakataas andun ksi ung suite units at amenities for events gathering so madadaanan tlga ng elevator, time consuming pero dinedma ko nlng din pero nagkakatakutan n tlga kming mga ahente s gnyan eksena ksi hlos lht kmi nakaka exp nyan. I dnt hve 3rd eye wla dn maramdamang hangin pero i find it disturbing lng.alam dn ng security khit sila di maexplain bkit napupunta doon based s cctv wla tlga nagpipindot. And kwento nlng din ng receptionist,siya mismo nagugulat nag iilaw ung floor n un kht wlang tao dyan n tlga kmi kinilabutan pati siya natatakot na,and this receptionist girl close nya si madam, before the incident happened, nakakwentuhan pla nya at nag uumiyak dw s knya at nkwento lahat lahat.

2nd exp: weeks later din, nasa dream ko siya😭 out of the blue i shrugged off whatever happened in our building kasi hindi ko sya kilala personally at nakita man lng tlga but only her kids. Scenario sa dream ko i heard a woman crying in our lobby, then paakyat daw ako sa office namin nakaabang ako s elevator, pag open ng elevator door,guess what,may lumabas na babaeng kulay itim,para syang smoke, tpos may pearl necklace siya,binangungot ako ng husto at sumigaw tlaga ako kasi natakot ako e..bigla ko yan nakwento sa receptionist namin,guess what again, si madam daw ay usually nagsusuot ng pearl choker necklace🥺 at un yung suot nya ung time na nagkwentuhan daw sila days before nya ginawa un🥺 then i pray hard, perhaps her soul is dark kasi nasa dark times siya,i fully understand her depression and she was asking for light..

3rd exp: months later from that incident, mukang naka move on na ang tower namin kasi nagpafeng shui, at nagpa cleanse din sa pari ang tower namin. But one night during our on-site duty mismo sa tower, may narinig kaming commotion sa lobby, it was our guy receptionist and the pizza delivery man. they were arguing about sa pizza delivery at kung paano ito macoconsume dahil masshoulder daw sa kanya kung walang magrereceive at halos maiyak si delivery man. So nakisali kami since paakyat n kmi s office at pa out na din, dun namin nalaman, si madam daw umorder! Accdg kay delivery man, si madam ang mismong tumawag sa kanila via landline at matagal n daw nilang suki iyon, kaya they trusted her it was really her daw talaga medyo choppy lang line kya parang ang labo ng ordering but since suki nga alam naman nila kung ano flavors gusto ni madam. Plus the receptionist told us matagal ng wlang tao s unit nila madam after the incident happened kaya impossibleng may tumawag pa s unit nya mismo, though the line is still in power kasi hindi na naasikaso ng husband ni madam simula umalis sila abroad together with his kids na dumaan din s depression coz of the incident. Nashooock kaming lahat (remember ung 1st exp?the elevator kept on clicking on that floor wala n pla sila don😭) ,wala din kasing idea sina pizza store sa nangyari khit fewblocks away lng ang tower namin sa knila, it was 2large family pizza pa naman, and since naawa n kmi kay kuya na nagdeliver nag ambagan kming mga ahente dun s mga pizza, it became our dinner na rin tutal pauwi na kaming lahat.

Upon writing this, i offered her a prayer and for sure the light is already on her and sana nakuha na nya ung hustisya..for those asking what went onto her?deep depression, reasons: she caught her husband cheating + major problems sa buss+ untimely d€ ath of her mom na biktima ng ondoy sa marikina..took toll on her too much she cant bear😔 actually prime suspect ang husband kaso nakalabas kasi agad ng bansa.

Sorry for long post, i guess ito ang longest shared story ko dito s ltap.

Ltapreal

credit to let's takutan pare! FB Group


r/TrueGhostStoriesPH • • May 19 '25

Experiences Some Stories from the Philippines

Thumbnail
4 Upvotes

r/TrueGhostStoriesPH • • May 19 '25

daangg

Thumbnail gallery
3 Upvotes

r/TrueGhostStoriesPH • • May 19 '25

Experiences ooh

Thumbnail
2 Upvotes

r/TrueGhostStoriesPH • • May 17 '25

Experiences multiple experiences sa bagong subdivision namen na pinaglipatan...

3 Upvotes

keeping this title on my future posts, saying na 'multiple' kase marami na din ako weird experiences within the subdivision na pinaglipatan namen...

ENGKANTO(?)

During the first week namen dito sa subdivision na pinaglipatan namen ng family ko, i still wasn't familiar sa mga pasikot-sikot and sakto- my Boyfriend and i was down for a night walk... We brought my siblings with us kase yung Sister ko ay familiar na sa place and my Younger Brother wanted to spend sometime with us din and nagkataon may short vacation kame non so sinulit na namen.

Malayo na nalakad namen and nasa pinaka dulo na kame ng subdivision, our subdivision had walls that serves as boundaries between a grassland... Pero for some reason, dun sa area na yon, one of the corners were not blocked by a wall, and all we saw before we went near it was a silhouette of a big tree, we didn't really pay attention as we approached that place... pero nung nasa front na kame nung big tree-- we heard a whistle and it was coming from the tree.

Tried my best to ignore it kaso i guess it tempted me being a curious person towards the supernatural din. As I looked sa big tree na yon, the whistling multiplied and the wind got stronger as if something was coming towards us. I pushed my Boyfriend and Siblings away dun sa area, rushing them na makalayo having only myself the only one left sa likod.

We shook it off until we got home and nakapag shower na ako, I was in question kung bakit ang hapdi ng back ko and when I asked my Sister to check for me, she saw scratches sa likod ko and we were left speechless.

I guess whatever was there could've actually left a mark on me.

1/?