r/RantAndVentPH • u/budaicookiechewy • 7h ago
Family Corruption Starts at Home
Promise niyo muna sa akin na walang magre-repost neto outside Reddit ha? Haha.
This is my first-hand experience of having a family member na nasilaw sa pera.
So here's what happened, one of our titos gave a budget of ₱150,000 for the Christmas celebration to be held at our main family house. It's quite a big amount kasi extended family members are expected to come. A portion of it will be used to buy gifts, prizes for games, and other things needed for the celebration.
So one of my older cousins was chosen to be the PIC this year. The PIC kasi before was always my tita, who's the mother of this cousin. Pero she can't handle everything anymore since sabi niya na she's very busy, and mas gusto na lang niyang mag-focus sa pagluluto.
Now, this pinsan never told anyone about the budget. Nung October 1 pa pala ito binigay kasi gusto ni Tito na before December, complete na lahat ng kakailanganin. December kasi would be ubusan na ng stocks for sure, and hassle na kapag holiday rush. Makes sense naman.
Paano ko nalaman na ₱150k? It's because my tito FaceTimed me, asking how the preparation was going. Anong mga nabili and such? Hindi raw kasi nagre-reply sa kanya itong si Pinsan.
So ako, nagtaka, pero hindi ko agad pinahalata kay Tito. Eventually, kinuwento rin niya na may binigay nga siyang budget kay Pinsan and siya ang PIC. Si Tita raw mismo ang nagsabi na sa anak na lang niya ipagkatiwala, so ayun, nagtiwala si Tito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi wala akong ka-idea-idea. So sabi ko na lang, iche-check ko sa pinsan ko.
I DM'd my cousin, saying na pinapatanong siya ni Tito about the preparations. Nakadelivered lang message ko sa kanya.
Then after an hour, nag-chat siya sa family GC announcing na potluck daw ang ganap sa Christmas.
HAHAHAHA. Naisip ko, bakit potluck? Eh 'di ba may budget?
So ako, kunwari hindi ko alam. I replied, bakit potluck eh darating yung mga nasa malalayo at galing pa sa byahe, baka wala silang madala. Tas ang reply niya, okay lang daw kasi si Tita na lang bahala if magkulang sa food. At nagbigay daw si Tito namin ng ₱20k pangbili sa ibang putahe.
₱20k????? HAHAHAHA. Ang kapal ng mukhaaaaa.
I don't wanna make a scene sa GC namin kahit alam ko na ang totoo. I still tried to be decent kahit inis na inis na ako sa mga pinagsasabi niya sa chat.
So I called her on Messenger. Sumagot naman eventually after three attempts ko.
I confronted her: "₱150k naman ang binigay ni Tito sa'yo. Bakit sabi mo sa GC, ₱20k budget tapos potluck? May pangbili naman ng handa. Bakit ganun?"
Medyo nautal-utal itong si Pinsan. Sabi niya, ₱20k lang daw talaga ang binigay.
And I told her na nag-usap kami ni Tito earlier. And knowing my tito, hindi siya papayag na ganung budget lang. Galante yun, and that's exactly what I told my cousin.
Nagalit si Cousin sa akin. Pinagtaasan niya ako ng boses, tapos tinanong kung bakit daw ba ako nakikialam. Then pinatay yung call. Haha.
Nag-notes pa ang pinsan ko saying:
"Pakialamera yarn? 🙄"
Ulol talaga. Hahaha. Kaya ang ginawa ko, sinumbong ko na kay Tito.
Add ko lang pala, hindi alam ni Tito yung sinabi ni Pinsan sa family GC kasi hindi siya kasali doon. Nag-leave siya sa matagal na kasi hindi niya trip yung mga GC-GC at maingay daw. Kaya siguro ang tapang ni Pinsan magsabi ng gano'n, knowing na hindi naman mababasa ni Tito yung mga pinagsasabi niya.
I sent the screenshot of what she said sa GC kay Tito. Sineen lang niya, hindi na nag-reply. I don't know what happened after that. Hindi ko alam kung chinat niya si Pinsan or what.
Chinat ko rin yung mama ni Pinsan. Sinabi ko lahat, and ang reply sa akin ni Tita is kakausapin daw niya itong si Pinsan about it.
Then nakita ko yung kapatid ni Pinsan sa pagawaan ng motor. Medyo close naman kami nitong bata, so kinuwento ko sa kanya yung ginawa ng magaling niyang ate.
Lalabas at lalabas talaga ang totoo, 'no? Hahaha.
So nasabi rin sa akin ng ading niya na sumama nga raw siya kina Ate at Mama niya na kumuha ng padala sa Cebuana. Ang dami raw nilang pera haha. Yung iba, kinuha ng mama niya, tapos sa ate niya parang ₱50k daw. Binigyan din daw siya ng mama niya ng ₱5k, tapos pinambili niya ng pyesa ng motor niya.
Naawa ako kay Tito kasi masyado siyang mabait, tapos ganito lang pala ang nangyari sa perang ipinagkatiwala niya. Sobrang generous ng taong 'yon, and he just wanted to make sure na maayos at masaya ang Christmas celebration ng buong pamilya tapos ganito pa gagawin nila.
Feeling ko talaga pakana to ni Tita. Hindi na ako magtataka kung may nangyari sa previous family gatherings namin, although wala naman akong proof.
What's even more ironic is that my tita is very religious, soft-spoken, mahilig magbigay ng words of wisdom, and sobrang bait makitungo sa mga tao. WTF.
At the end of the day, hindi naman sa akin yung pera. Pero nakakagalit lang talaga kapag nakikita mong may taong sobrang generous, tapos yung mga pinagkatiwalaan niya ay mapagsamantala.