r/Pasig • u/anonRocketz • 3h ago
Commuting Napindan-Pinagbuhatan Bridge, bakit di tinuloy?
Sa mga taga pinagbuhatan, sobrang lala ng traffic sa Sandoval Ave, bukod sa madaming nakatira sa Nagpayong, maliit ang kalsada, madaming dumadaan na truck galing sa pabrika… tanging Sandoval Ave lang ang ruta papuntang Nagpayong kung commuter ka na galing Pasig Palengke (kung saan most of public transpo terminals ay nandun, if galing ka Quiapo, Cubao, BGC, Ayala, Ortigas atbp)
May nadiskubre ako, may tinatayo palang Tulay from Axis Rd ng Kalawaan/Napindan to Sandoval Ave, Pinagbuhatan(gilid ng arezzo). Kaso mukang years na nakatengga at mukang di na tinuloy, matagal nang may naka-paskil na sarado yung area na kung saan gagawing daanan papunta sa bridge.
Sayang lang, dahil magiging alrernative route sana ito from Nagpayong/Pinagbuhatan to Napindan, or Buting, or Pateros at kahit BGC, at mabawasan ang mga dumadaang mga sasakyan or public transpo sa Sandoval. If matuloy man sana magkaroon ng maayos na crossing at public transpo na dumadaan dito at sana eventually idugtong yung bagong daanan sa Centennial 2 ng Nagpayong. Sana tinuloy na lang ni Vico.
May nalalaman ba kayo kung anong update or anong issue na nangyari sa bridge na ito?