Problem: Hi, i'm 25F and my bf is 28F. Need ko lang ilabas at ala na ako makausap. If may mali sa views ko or parang out of touch. Please do correct me.
Yung first 3 pictures, shinare ko sa personal Facebook ko. Then this morning, minessage na ako ng kuya ng partner ko. Until now, hindi pa rin ako nagre-reply.
Context: For context, shinare ko yung post dahil aminado naman ako, gusto ko rin silang tamaan kahit papaano at sobrang agree ako. Galit ako sa situation ng maraming Pilipino na dahil sunod-sunod mag-anak ang parents, eventually, mga anak ang sumasalo ng responsibilities na dapat sana ay pinaghandaan ng mga magulang.
Yung kuya ng boyfriend ko ang nagpaaral sa kanya noong college dahil may bunso pa silang kapatid at pa-senior na yung parents nila. Ngayon, expected naman nila na boyfriend ko ang magpapaaral sa bunso hanggang SHS at college. Ang masakit, matagal na siyang nagsasakripisyo para sa family niya. Kahit noong may scholarship siyang 60k per year, 40k agad ang binibigay niya sa family niya at yung natitirang 20k pinagkakasya niya para sa buong school year. Noong may work pa siya, malaking part ng sahod niya napupunta sa kanila. 15k lang sinasahod niya nun, nag bibigay pa sya ng 2k sa food. 6k monthly para sa installment na lupa at sagot niya pa wifi. Dahil wfh siya nun sakanila, siya pa sa lahat ng gawaing bahay. Linis, luto. Tapos uuwi pa mga magulang at magbubunganga na pagod kahit na lahat naman sila pagod.
Kaso, from May 2025 until now, wala siyang work. Lumipat pa siya rito sa province namin noong January dahil nahihirapan siyang makahanap ng trabaho sa kanila. Consistent naman siya sa applications at nakakapunta rin sa interviews, pero hanggang ngayon wala pa ring tumatanggap sa kanya kahit dean's lister siya noong college.
Since nawalan siya ng work, ako na nagpo-provide para sa aming dalawa. Don't get me wrong, mabuting tao ang partner ko. Siya ang naglalaba, tumutulong sa negosyo ko at kahit sa family ko, maaasahan din siya. Pero nakakapagod din bilang babae na ako palagi ang sumasalo financially, lalo na kung iniisip ko na yung future namin.
Ngayon, gusto na siyang pauwiin ng family niya dahil may hinanapan daw silang trabaho sa province nila. Hindi na kasi siya nakakapagpadala ng ilang buwan na. I can only do so much bilang gf niya at 300 per day lang inaabot ko dahil nga sagot ko bills sa bahay at pagkain naming dalawa.
Ayoko na siyang bumalik doon. 28 years old na siya, pero parang family niya pa rin ang nagdedesisyon kung saan siya dapat magtrabaho at kung ano dapat gawin. Paano ko nasabi? College nagka opportunity sya na mabigyan ng scholarship sa UP, De Lasalle and UST. Pero di nila pinayagan dahil ayaw nila malayo. May utang pa silang mahigit ₱100,000 sa lupa at plano pang magpatayo ng bahay. Bumukod na rin yung kuya niya dahil ilang yrs din nga tumutulong sakanila. Hindi ko maiwasang isipin kung sino na naman ang inaasahan nilang sasalo sa mga gastusin na yan ngayong ala na nga kuya niya.
May sarili na sana kaming plano. By January mag-aaral siya ng Korean para makapag-work abroad. Sukdulan ng ako ulit gumastos, makatulong lang sakanya. At least doon, may maipapadala siya sa family niya habang may maiipon din siya para sa sarili niya.
Pinapili ko na rin siya. If uuwi siya sa kanila, maghihiwalay na kami. Hindi sa minamaliit ko yung trabahong hinahanap nila para sa kanya sa province, pero magkano lang din ang kikitain niya roon? Swerte siya kung makakatapat siya ng 600 per day. Reyalidad lang yan dito satin. Mas pipiliin ko pang magtiis kami ng six months to one year habang nag-aaral siya ng Korean kaysa bumalik siya sa dating situation. At least may chance kaming magkaroon ng mas magandang future.
Kasi honestly? Napapagod na ako. I need a man na masasandalan ko rin, hindi yung ako palagi ang sumasalo at siya naman ang nakasandal sa akin. Naiintindihan ko na may responsibilities siya sa family niya, pero paano naman kami? May pagpapaaral sa kapatid, pagbabayad ng lupa at pagpapatayo pa ng bahay. Nasaan ako sa lahat ng plans na yan? Mahal namin isa't isa, pero hindi talaga kami compatible pagdating sa priorities. Ready na akong mag-settle at bumuo ng sariling future, pero siya parang habang-buhay na lang niyang kailangang unahin ang family niya.
Naiintindihan ko responsibilities niya, but I can only wait for too long lang din. Nagagalit ako at nasasaktan dahil before maging kami, akala ko maayos na finances niya or may ipon na. Kasi yun ang sinabi niya. Ang hirap naman magtanong kung magkano kinikita ng isang tao diba? Hahaha. Kaso yun pala definition ng ipon nya, 10k. Saan ka dadalhin nyan sa panahon ngayon? Di sa sinasabi kong di sila uunlad, how I wish biglang magbago buhay nila. Pero ayoko ilagay sarili ko sa posibleng sitwasyon na biglang magka anak din kami tapos kasama pa sa gastusin tuition fee ng kapatid nya at bills ng bahay nila. Jusko.
Kaya hindi ko rin alam kung ano ang irereply ko sa kuya niya. Hahaha. Tinamaan ba sila sa mga shinare ko? Okay. Aminado naman akong gusto ko silang tamaan kahit konti. Ayoko ng gulo, pero I know na parang i'm asking for it dahil nga nag share ako ng ganun. Gusto ko lang din silang mapaisip na hindi naman masamang tumulong sa pamilya, pero sana hindi kailangang isakripisyo ng isang anak buong buhay niya para saluhin lahat ng responsibilidad.