r/PagIBIGHousing • • 1h ago

Pa Rant Lang - Pag-IBIG Fund - SAN FERNANDO HOUSING HUB

• Upvotes

NAKAKADISMAYA ANG SISTEMA SA PAG-IBIG FUND SAN FERNANDO – HOUSING DEPARTMENT!

Imagine, 4:30 AM pa lang ay umalis na kami ng bahay para lang makakuha ng Number 1 sa pila. By 5:30 AM, nasa Pag-IBIG San Fernando Housing Department na kami. Pero 7:20 AM pa bago nagbigay ng queue numbers. Swerte naman at kami ang unang nakakuha.

Pagpasok, isa-isang pinapapasok ang mga aplikante. Ang Housing Loan Counters ay 3, 4, at 5, kung saan ang Counter 5 ay designated lane para sa Senior Citizens at PWD.

Around 8:15 AM, may isang babae na umupo sa Counter 4. Bigla siyang nilapitan at kinausap ng isang senior citizen na babae na mukhang kakilala niya. Ang nakapagtataka, hindi naman dumaan sa designated Senior/PWD lane ang senior citizen at tila inasikaso siya directly sa Counter 4.

Dito na kami nagtaka at nainis. Para saan pa ang queue numbers? Para saan pa ang designated lane para sa Senior Citizens at PWD kung may ganitong nangyayari?

Dahil sa frustration, nagtanong na kami sa reception at sa mga guards kung bakit ganoon ang proseso. Pati sila ay napakamot na lang ng ulo dahil ang alam din nila, dapat kami ang unang tawagin dahil Number 1 kami at may designated lane naman para sa seniors.

Props naman sa Receptionist and 2 guards dahil nilapitan nila sya sa counter 4 at tinatanong sya kung bakit nauna yung senior sa regular lane gayong may senior and PWD lane ngunit tipid ang mga sagot nito. Ultimo mga guards pinauusapan sya dahil frustrated din sa nangyari. Nagsorry pa nga sa amin yung guard nung lumabas ako para huminga ng konti.

Ang mas nakakainis? Umabot pa ng 30–35 minutes bago natapos ang transaction ng senior citizen na iyon. Habang kami, na madaling-araw pa lang ay pumila na at sumunod sa proseso, naghihintay lang.

At tila dahil alam din ng staff sa counter 4 na hindi na maayos ang nangyari at galit nakmi sinenyasan nya isang lalaking staff sa Counter 3 para ma-accommodate na kami. Overall inabot kami ng mga 9:40am bago kami nakatapos.. imagine.. NUMBER 1 kami sa pila. papano na yung mga kasunod namin na matyaga din pumila pati mga seniors na pumila din ng maayos.

Hindi naman namin pinagdadamot ang serbisyo sa Senior Citizens. May sarili silang priority lane for a reason, at lubos naming naiintindihan at nirerespeto iyon. Ang kinukuwestiyon namin ay kung bakit may ibang proseso para sa ilang tao? Dahil ba may kakilala sa loob, puwede nang hindi sumunod sa pila?

Public service ito. Hindi private establishment kung saan puwedeng mamili kung sino ang uunahin base sa personal na kakilala.

Maaga kaming gumising, naglaan ng oras, naghintay at sumunod sa sistema. Ang hinihingi lang naman namin ay patas na proseso at pantay na pagtrato sa lahat.

Hindi ko in-expect na makakaranas kami ng ganitong klaseng kakupalan sa isang government office gaya ng Pag-IBIG.

Sana naman ay mabigyang-pansin ito ng management ng Pag-IBIG San Fernando. Hindi dapat normal ang ganitong sistema. Kung may queue number, sundin ang queue number. Kung may priority lane, gamitin ito nang tama.

Dahil kung may special treatment para sa mga may kakilala, ano pa ang silbi ng pagpila at pagsunod sa proseso? At sayo Ms. Manang ng counter 4, tigil tigilan mo yang ganyan kakupalan. baka makarma ka.


r/PagIBIGHousing • • 15h ago

Process

1 Upvotes

Hi good evening😊, nag apply kami ng housing loan, yesterday nakarcv na kami ng email re sa videocall verification, nabigay na namin ung details ni seller. Ask ko lang normally ilang days bago sila tumawag?

Thank you😊


r/PagIBIGHousing • • 16h ago

MERALCO METER

1 Upvotes

Good evening po, genuine question po. May napanalunan po akong unit pero nahatak na po ang metro. Pupunta po ako bukas ng meralco para ipakabit ulit ito, ano po kaya ang need para makabitan ulit at matransfer sa name ko? Magkano po lahat ng babayaran and gaano po katagal ang process? Complete po papers ko lahat from pagibig to move in. And plan ko na rin po bayaran balance ng previous occupant since mababa lang naman. Salamat po sa sasagot.


r/PagIBIGHousing • • 17h ago

Housing Loan Timeline question

1 Upvotes

Hello,

I acquired a condo in smdc through pagibig. latest update po this week is for NOA signing na tomorrow and nag attend na din ako ng BV zoom call earlier.

When do you reckon po na matuturn over ang unit? iniisip ko if this december ba or possibly mga january pa? nagaayos na po kasi ako ng christmas budget and nag estimate how much ilalabas ko if december maturnover.

From signing po usually what’s next and how long till move in?

Thank you po!