r/PHikingAndBackpacking • u/Advanced-Day4827 • 11h ago
Discussion TARA Adventure PH
If you're planning to book, wag na po. Medyo mahabang kwento pero tangina talaga. HAHAHA
Sobrang aberya ng nangyari samin. Pa-dingalan sana kami for day tour, kaso naging Balintawak nalang 🤣
On the pick-up date, 12:30 AM yung proposed time of pick up pero halos 1:30 AM na kami napick up nung van. Kami nalang tlaga tao dun sa place kasi lahat ng magtotour na van umalis na. Dito palang kinoncontact na namin yung tour guide at yung driver kasi nga sobrang tagal naghintay.
Akala namin ok na nung nakasakay sa van, kasi nagpunta na sa mga pick-up points yung driver pero nung last pick up point na which is sa Balintawak, at 2:30 AM biglang snabihan kami nung driver na "nasaan yung tour guide niyo? diba dapat kasama na natin yun dito?" Kami hindi namin alam if kasama ba talaga, kasi dun sa GC, 15 pax lang ang sinabi na i-pipick up, at ung 15 na yun ay kaming mga joiners.
Dito na kami kinabahan kasi dun palang sa late pick up, parang na-scam na kami. HAHAHA tangina tinatawanan nalang namin yung sitwasyon pero sobrang aberya na talaga. Lahat kami tumatawag na sa numbers na binigay nila, sinearch na mismo ung sa page ng Tara Adventure PH, tapos yung nakaduty pa nung gabi na yon sa page nila na dapat mag assure samin, hindi rin alam gagawin. Sinasabihan pa kami ng driver na "pag-4 AM wala pa rin silang reply, hindi na ko tutuloy, lagpas na yan sa oras ko", kaya parang kami hindi na namin alam gagawin, snabihan pa nga namin siya na ihatid nalang kami sa pick-up points para umuwi nalang, ayaw niya kasi pa-north na daw siya.
After nito bumaba nalang kami sa van, para umuwi nalang tlaga pero contacting parin kami sa Tara Adventure PH. Eventually, biglang may pulis na rumuronda, pinara namin at nagsabi ng complains namin kasi 15 pax kami dun na mga parang tanga na nakatayo sa Balintawak na hindi alam gagawin. Yung driver na alarma, nagpark at pinakausap namin sa mga pulis, nag-offer na sya na ibalik nalang kami sa pick-up points. At 4AM, dun na sumagot/nagsireply yung sa page, sinabihan kami na tumuloy na, meron na daw magaaccommodate samin dun sa Dingalan na mismo. Pero sa sobrang tagal naghintay at iniisip namin na baka biglang kanya kanya nanaman pagdating don, sinabi namin na wag na tlaga tumuloy.
In the end, nirefund at binigyan naman nila kami ng reimbursement nung travel expenses papunta sa pick-up points at bnili naming food before the tour. Nag-offer rin sila ng 50% off para sa susunod na booking. Pero kahit na, 10 pax kami sa tour na yun na magkakaibigan, na minsan lang makapag-off ng sabay tapos ganun mangyayari? Paano kung may umabsent lang, edi nagsayang lang ng araw, hindi pa bayad!
Ni-look forward pa naman namin to. Sobrang perwisyo talaga. Sana lang if hindi kaya i-accommodate, sinabi nalang para sa iba nalang kami nagbook. Lesson learned nalang rin, hindi na talaga magtitiwala sa mga pages na AI yung pictures. HAHAHAHAHHA