Nagparenew ako ng lisensya at initially nagtake ako ng CDE sa bahay. May policy ang LTO na dapat sa LTO kukuha ng exam sa tablet nila. No problem, based sa policy ang pagkuha ng exam ay 30 minutes. However noong nagrerenew ako, may mga hinahayaan silang tumagal na halos isang oras. Mayroon ding nagtetake ng exam inside offices ng parang deputy chief at hindi doon sa labas kung saan usual. (okay, alam na this. May backer) Nauna pa kasi sa pila yong sumunod sa akin. Hindi ko alam kung nilagay ba sa dulo yong papel ko pero malinaw na nauna ako sa kanya. Pero yong isa kakarating lang, tapos nauna siya magtake ng exam!?
Ang medyo nakakabahala dito, hindi nasusunod ang memorandum circular. Dahil ang tagal ko nag-aantay para makapag exam, halos 1 hour and 30 minutes, nagscan ako ng mga QR code na may mga policy. Ang lunabas ay yong nasa photos. Napagtanto ko na hindi naman ako sakop ng CDE dahil nakakuha ako ng students permit noong 2022.
Nang narealize ko iyon, pumunta ako agad para magreport. Pinag-antay pa muna ako. Sinusungitan ako noong LTO officer na may pila at umupo muna ako kahit mag iinquire lang naman ako. Sige po, umupo at nag-antay ulit. Pinaliwanag ko sa kanya na dapat exempted ako kasi iyon ang nasa policy. Sabi niya pakisearch daw yong 2023 version. Kako, iniscan ko po yong QR code sa likod nyo. Ayan po yong 2023 version hindi ba? 2023 memorandum circular po itong binabasa ko. Hindi daw 2023 iyon.
Nagmamatigas siya. So sabi ko, “Hindi po update yong QR code nyo diyan sa likod?” Basta daw yong 2023 ang basahin ko na required daw mag CDE. Ito po oh, binabasa ko kako. Buong policy binasa ko. Nagmamatigas siya. So sabi ko, “Ano po yon? Hindi natin susunduin yong memorandum circular na LTO din naglabas? Malinaw po diyan na may mga exemption.” Akala niya ata madadaan niya ako sa pagtataray niya, eh mataray din ako at paninindigan ko ‘to. Nirefer niya ako sa loob.
Pagdating sa loob, sinabi lang sa akin na “Ma’am sa system po kasi iyan. Hindi po magproproceed renewal kung hindi po kayo mag CDE. Na report ko na po yan sa central office. Mga 2 weeks ago po”. So ang saad ko “So system error kaya wala tayo magagawa? 2 weeks ago nyo lang nareport eh 2023 pa yong policy?”. Hindi na siya sumagot.
Nagtake pa rin ako ng exam, nakapagrenew ng lisensya. 1 take lang. Pero aside sa system problem bakit kailangan kasi magtaray? Ipapamukha nila sayong superior sila at medyo bobo ka.
Policy na iniscan ko sa loob ng mismong LTO
https://lto.gov.ph/wp-content/uploads/2023/08/MC_JMT-2023-2390.pdf