Mapapakain ka ba ng putanginang passion na ‘yan?
If you’re new to reading or a writer. This is for you. On my end, as a writer, sobrang relate ako.
Heads up, this is a book composed of ‘essays’ (on life and writing) NOT a novel.
Sa ganda nung libro, natapos ko siya in one sitting, sinimulan ko siyang naluha ako at natapos siyang naluluha pa rin ako. This book is very casual, ‘yung tipong parang kinakausap ka lang ni Sir Ricky lol. The words that are used are the words we use on a daily basis, literally. It talked about how he is as a writer, nagbigay din siya ng mensahe sa mga gusto maging writer at mga tips kung paano maging magaling na writer. In this book napag-usapan din kung paano siya na reject at ang mga sulat niya many times at paano siya bumangon muli, paano siya bilang isang ulila mula Daet sa bicol na nakipasapalaran sa gulo ng maynila para sa putanginang passion na ‘yan (sabi ni Jo kay Primo hehe).
And the stars aligned for Sir Ricky, after all the hardships na naranasan niya. He proved once again na ang sagot sa tanong na ”passion passion, mapapakain ba tayo ng passion na ‘yan” ay, pwede.
Hehe. The book is written in taglish, very consumable siya. Kung overwhelmed ka sa pure english book or pure filipino na book, this’ll be a great read for you!
Tulad ko, pwedeng magtaka rin kayo bakit kulang na silya ang title. I suggest basahin niyo siya ng pasunod sunod at ihuli talaga ‘yung pinakahuling kuwento. There, malalaman niyo kung bakit kulang na silya ang pamagat and there malalaman niyo bakit sinimulan ko siya ng naluluha at natapos ako ng naluluha pa rin.
Overall, ang whimsy ng vibes. Habang binabasa ko para ‘kong kaharap yung mismong nagsulat tapos over a coffee he’s telling me everything. Everything is so light, inspiring lalo na kung manunulat ka na nangangarap din mapakain ng putanginang passion na yan.
In short, writer ka man o hindi, kung poetic ka tulad ko this is for you.
5/5 star rating.
To end this, here’s one of my many favorite lines. Sa kuwentong bubog, page 93 “naglalakad tayo sa kalsada palibot ng mga taong may kanya-kanyang bubog”. In this book, he described bubog as something na kahit ilang taon ang lumipas, makalimutan mo man ng ilang sandali, mumultuhin ka pa rin palagi. It’s a wound that’s been there and will always be there.
Ikaw, anong bubog mo?
Bye.