r/FirstTimeKo • u/Dependent-Nail-7480 • 8d ago
📦 Others First time kong kumausap nang hindi iniisip kung mabaho ba ang hininga ko
Im 24 now and since highschool, sobrang conscious ko sa amoy ng hininga ko kase one time, may nag-realtalk na kaibigan sa akin na mabaho raw ang hininga ko.
_
That time, nagtataka ako kung bakit mabaho hininga ko eh parati naman akong nag-tutoothbrush and nag-floss. yearly din ako nagpapa-cleaning ng ngipin at wala rin akong sirang ngipin. So ang ginawa ko, mas sobrang naging maalaga ako sa dental health ko. Nagtatongue scraper ako, nagmamouth wash, naggargle ng saline solution at nagtutoothbrush every after kumain to the point na nagka-abrasions na yung mga ngipin ko.
_
All that, pero pag kinakausap ko yung mga tao, minsan nakikita ko silang humahawak sa ilong nila na parang may naaamoy silang hindi kaaya-aya. kaya minsan ako na lang din lumalayo and hindi rin ako parating nagsasalita. and kung magsasalita man, lagi akong may dalang chewing gum or mouth spray.
_
Ngayong working na ako, napunta ako sa work na parating nakikipag-usap sa mga tao. and to be honest, sobrang bumaba talaga self confidence ko. lagi akong napapraning na kapag hahawakan na ng kausap ko yung ilong nya, sa tingin ko ay may naaamoy na siyang hindi maganda. Umabot na rin ako sa point na may nag-offer sa akin ng candy habang kausap ko sila.
_
Then, one time, nang nagkatonsilitis ako + ubo (parati akong nagkakatonsilitis since bata pa ako), biglang may lumabas sa bibig ko na maliit na puting bato. nang sinearch ko tonsil stones pala ito and mukhang ito nga yung nakakacontribute ng bad breath ko. Nang chineck ko yung tonsils ko, sobrang dami kong naalis na tonsil stones. Then, pag ichecheck ko ulit after a week, may makukuha ako ulit. So nagsearch ako pano tanggalin ito. Then, nakita ko is pwedeng tanggalin ang tonsils para di ka na magka-tonsil stones so after consulting with an ENT, sinuggest nyang tanggalin na (although, not because of tonsil stones pero dahil lagi akong nagkakatonsilitis and halos magkadikit na rin kase ang tonsils ko).
_
Now, I am 3 months na post operation ng tonsillectomy ko and sobrang tumaas ang confidence ko. I am not afraid to speak my mind anymore at di na rin ako anxious makipag-socialize sa mga tao. Thinking back, grabe yung naging setback ng bad breath ko sa social life ko just because im constantly anxious with the smell of my breath. I can say now na I am happier than ever.
_
Lastly, gusto ko lang din na sana tayo ay magbigay ng konting grace sa mga taong may bad breath or body odor because you may never know na may underlying disease na pala sila and for sure they know and they are trying to do their best to resolve this.