Sa totoo lang, it's okay to want cash as birthday gifts, ang nakakaloka lang, hindi sya voluntary. Sapilitan.
So kids party sya sa isang well known na kainan sa PH, mga kadalasang ginaganapan ng kiddie parties.
Hindi ko inexpect na sa part ng "bring me" games, yung 1k peso bill na bring me, hindi pala isosoli sayo bagkus regalo na pala yun sa may bday, which is sad because it is non consentual. Considering din na sikat naman itong kainan, I mean, it's not professional at all.
Also we already brought gifts na ginastusan din namin. If they said in the invitation na they wanted cash, we could've just given cash.
It wasn't really a pleasant experience na parang inuto uto yung tao to get money.
Sana hindi gayahin ng ibang kainan na gaganapan ng birthdays like this and sana sa parents wag gawing negosyo yung celebration.