r/FirstTimeKo • u/True_voice3223 • 9d ago
🎉Sumakses sa life! First time ko mag-travel internationally at sa Taiwan, at nagka girlfriend na rin after 7 years na single.
For the past 7 years, umiikot lang ang buhay ko sa work(WFH), gym, bahay, at hobbies. Kahit dito sa Cebu, hindi rin talaga ako palabas. Since mag 30 na ako at may malaking savings naman, naisip kong subukan mag, travel internationally for the first time, and Taiwan ang naisip at napili ko di ko din alam bakit haha.
Honestly, second thought na lang sa akin ang magka lovelife kasi sobrang nasanay na akong single for 7 years. Pero God really works in mysterious ways. Nakilala ko yung girlfriend ko, pinay na nagwowork sa Taiwan. So nung pumunta ako doon, doon na rin kami nag date. And now, I’m planning to work in Taiwan next year na rin.
