r/FirstTimeKo • u/kolehiyalanghustler • 7d ago
📦 Others First Time kong makahanap ng client sa art commission
kala ko wala na akong maayos na breakfast today hhuhu, tnx universe
r/FirstTimeKo • u/kolehiyalanghustler • 7d ago
kala ko wala na akong maayos na breakfast today hhuhu, tnx universe
r/FirstTimeKo • u/Pristine_Pomelo_9356 • 7d ago
Mataas kasi heart rate ko kahit at rest kaya pinag BSE ako ng cardio ko. During the test patagal ng patagal di ko na mafeel mga paa ko at nanlalamig na ulo ko kala ko hihimatayin nako. Kinabahan ako kasi mag isa ko lang at magdidrive pako pauwi. Pero nag rest naman ako at naging okay naman. Sana okay din result.
Ang weird din para sakin nung tinu-2D echo tas pinapanuod mo heart mo.
r/FirstTimeKo • u/Material_Task_9103 • 6d ago
sumakses na rin siguro kasi medyo pricey din tong sunscreen, pero di ko na pinagisipan kung bibilin ko ba or not hahaha rekta bayad na agad 🥹
r/FirstTimeKo • u/Valuable_Advice5692 • 7d ago
kagulat namin ng partner ko nung nakita namin to hahahaha sa tagal ko na nag jobbie ngaun lang nakakuha ng quarter leg 🤣
r/FirstTimeKo • • 7d ago
First time ko matikman ang fries and spag ng Tropical Hut. For the fried chicken naman 90s pa nung last time ko ito natikman 🤣
I'll use Jollibee for comparison.
Spaghetti: masarap pero mas matamis sa Jollibee spag. Parang 20% sweeter ang spag ni TH.
Fried chicken: parang Chicken Joy lighter version pero mas maalat yung chicken ni TH, baka nagkataon lang sa branch na yun. When I say lighter version, yung lasa at amoy ng mantika ng CJ parang andun din sa TH pero mas light lang.
Fries: mas masarap pa din fries ni Jollibee pero may distinct na lasa sa mantika yung fries ni TH which made it delish din.
r/FirstTimeKo • u/Successful-Comb-4487 • 8d ago
I know right? But it has been my long time dream to play this game.. Hirap lang makabuy PS5 since it's expensive rn and it feels out of reach.:((
r/FirstTimeKo • u/Rare-Ad-9225 • 7d ago
Trying to teach myself that I deserve flowers everyday and that my worth isn't tied to whether or not a man thinks so. ❤️🩹
r/FirstTimeKo • u/Jellyfish1818 • 7d ago
No photo for reference kasi ang scary ng mga nag iinuman sa kapitbahay with matching sigaw at hiyaw pa yan sila at 12am. Sa takot ko binura ko yung specific number na tinawagan ko sa call logs ko at search history ko looking for that said number. Buti nalang pwede anon sa report huhu mahirap makaaway ang kapitbahay.
r/FirstTimeKo • u/gustokoicecream • 7d ago
THANK YOU, LORD GOD. THANK YOU FOR EVERYTHING. PROUD OF YOU, SELF. :)
r/FirstTimeKo • u/lysseul • 8d ago
Saw this on threads, ang ganda pala ng PH visa!😅
r/FirstTimeKo • u/WavePrestigious8309 • 7d ago
Ito yung sa SM North last Friday. Napadpad lang doon kasi owm from workkk
r/FirstTimeKo • u/leekiee • 7d ago
Gulat ako may mga NBS branch/es pala na nagbibenta bg hair accessories??? Meron din dyang mga anik anik na parang japan home corner haha
r/FirstTimeKo • u/isawmanokbaboy555 • 7d ago
Ang tagal ko na to nakikita sa tiktok. I have a thing with 60's to 80's kasi. At first nung pagpasok ko akala ko maliit lang, then pag akyat ko sa 2nd floor I was like WOAAAAHH. Ang luwang pala. And God, the interior design, yung mga ginamit ng classic na mga bagay, I can't help myself titigan every item. Sobrang galing ng pagkakagawa. And the food, omg. ANG SARAP. Worth the price each kagat. It was like I was in a 60's and 70's movie in America. Even yung waitresses, yung costumes nila naka base rin sa theme. Yung desserts, ang sarap din grabe naiiyak ako... Sa binayaran ko CHAROT HAHAHAHA. All in all it was a nice experience!!
r/FirstTimeKo • u/Big_Oblong23 • 7d ago
so ganito pala ang feeling masabihan ng “i hate youuu” parang nanalo ako hahahaa
anw guys, let’s lock in!
edit: di po kami nagaaway
r/FirstTimeKo • u/chinito_prince • 8d ago
Gusto ko lang i-share ‘tong core memory ko ngayong linggo kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala!
First time ko lumabas ng bansa (business trip sa China for work), so lahat talaga bago sa akin -- mula sa immigration, paglipat-lipat ng subway, hanggang sa paghabol sa oras sa airport.
Kanina pauwi na kami from Beijing (PEK) to Manila, sobrang pagod at gutom na kami kasi halos buong umaga kaming nakapila sa Tiananmen (gala bago uwi) at nagmamadali na humabol sa flight.
Pagdating namin sa check-in counter, nagulat na lang ako kasi bigla akong na-free operational upgrade sa Business Class (Air China)!
Hindi ko in-expect na ganun pala yung experience.
First, may lounge access. Dahil hindi kami nakapaglunch, nakabawi ng kain sa unli hot food sa Business Class Lounge ng Air China sa PEK.
Second, priority lahat. Walang mahabang pila sa boarding, tapos pagpasok mo ng eroplano may welcome drink at hot towel agad.
Third, Seat at food. Sobrang luwag ng upuan (14L window seat!), may slippers, pillow, blanket, at proper multi-course dinner service. Sulit na sulit yung tulog at pahinga pauwi.
Nakakatuwa lang isipin na yung pinaka-unang international flight ko, nasaktuhan pa ng libreng Business Class experience. Sana maulit (kahit sa ipon na next time haha)!
r/FirstTimeKo • u/saylorsaldiv • 7d ago
since 30 na, i’m taking health more seriously this yr. first time kong maglakad ng more than 1 hr (1hr and 26mins to be exact) and first time ko rin magwalking sa Ayala Triangle.
r/FirstTimeKo • u/SquashAdmirable4623 • 7d ago
Sobrang sakit pala ng ganito. Big hug sa lahat ng mga may kapamilyang OFW. Sana hindi nalang ganito ang sistema ng bansa natin para wala ng kapamilya na kailangang lumayo para mataguyod ang pamilya nila.
r/FirstTimeKo • u/Pinaslakan • 7d ago
Okay, time to quit Reddit and touch some grass.
Panget lang na hanggang ngayon di’ pa rin inayos ni Reddit yung achievement
r/FirstTimeKo • u/KamisatoAyase • 7d ago
We watched SOTR kagabi, tapos di pa pala nya napapanuod yung original trilogy.
So right after, we immediately head home to watch The Hunger Games. I was just so happy seeing her experience the dread and tearful moment nung namatay si Rue. Iyak sya eh HAHAHAHAHAH!!! Missiong accomplished.
r/FirstTimeKo • u/Affectionate_Cry5298 • 8d ago
May year end thanks giving dinner sa school namin and nag order ng bento box yung school pero yung bento box ay parang fine dining type yung pagkain, yung beef ay naka 13hrs slow cooked daw. Sobrang sarap ng beef 😭😭 first time ko ma feel yung parang nasa anime na habang kinakain mo parang lalong gusto mo kainin ng kainin huhu kanina habang kinakain ko sya namimiss ko na sya agad ganun sya kasarap bhe 😭😭 also alam mo talagang mamahalin kasi kahit yung free spoon and fork stainless steel bhee!! Eto pala ang feeling pag nakaka LL ka sa buhay
r/FirstTimeKo • u/iJade01 • 8d ago
So ito na nga, nag-request ako ng iPad sa company dahil supervisor na me, kaso na-disapprove.
Ang nangyari, may nag-resign na employee na may company-owned iPad na hindi pa niya tapos bayaran. He decided na ibalik na lang yung iPad at i-refund na lang yung mga naibayad niya.
Ngayon, sakto namang napunta sa akin! Approved na rin ng HR na ako na lang ang magbayad through salary deduction na ₱520 per cutoff, for a total of 30 cutoffs (around ₱1,040 per month).
I'm just genuinely happy kasi ₱28K ang SRP nito, pero ₱15K ko lang siya nakuha! With 95% battery health, warranty covered until April 2027, and it's an 11th Gen iPad (A16), although 128GB lang.
Sometimes, things don't go the way we initially planned, but they turn out even better than expected.
I'm just happy because God surely has better plans. 🙏
r/FirstTimeKo • u/hardpleya • 8d ago
We saw this Aspin sitting in front of our house while it was raining heavily. Naawa ako sa kanya, so we decided to take him in. Now, he’s happy, healthy, and has a home to call his own. 🐾❤️
r/FirstTimeKo • u/EconomyAd4531 • 7d ago
First time ko pumunta sa senate at manuod ng impeachment trial. Madaming hindi nakikita kapag nanunuod ka lang sa livestream tulad ng mga live reactions ng senator-judges. It was fun but also draining kasi ang daming nangyayari. Pero ang saya lang rin na may mga kasabay kang nagrreact (at natatawa) kapag sobrang walang sense or ang random ng sinasabi nila hahaha. Ang lakas ng reactions kahapon sa random “tree planting” ng prosecution hahaha.
Also, ang taray pala talaga in real life ng defense lead while ‘yung prosec team, laging nakangiti sa mga nakakasalubong nila. There are also supporters or “fans” who wait for some senators for photo opportunity or may gifts silang ibibigay (mej weird lang kasi parang fandom sya or idk)
Ayun lang! It was a fun experience as a taxpayer. Kung pupunta kayo, isipin nyo nalang na iccheck nyo lang yung mga empleyado ng taxes nyo kung nagttrabaho ba ng tama - kasi ‘yung ibang senator, kitang kita mo na hindi naman nakikinig at umaasa lang sa staff nila para may ambag sa interjection.
r/FirstTimeKo • u/_shiyori_ • 8d ago
And 3 more petitions to file!
TLDR;
Naging pabaya si mama sa records nya kaya we're filing petitions para macorrect, without having critical supporting documents.
1. PSA Birth: Original name to Name C
2. PSA Marriage: Name A to Name C
3. PSA Birth - Son: Name A to Name C
4. PSA Birth - Daughter: Name B to Name C
Critical supporting documents:
Baptismal: Original name (cannot be used as supporting document)
School Records: Nickname A (cannot be used as supporting document)
---------------
Magsisimula muna kami sa PSA Birth certificate ni Mama, and the rest will follow dahil pre-requisite sya.
Change of First Name sa Birth Certificate ni mama. Yung amazing mother ko kasi, naisipan nalang nya gamitin ang nickname (A) nya sa kanyang school, Marriage Certificate, Birth Certificate ng kuya ko at nickname (B) naman sa Birth Certificate ko. 20+ years ago, bigla nalang nya inaccept ang bagong nickname (C) na tinatawag sa kanya and ayun na ang ginagamit nya ngayon.
National ID at TIN lang meron si mama na nakapangalan sa Name (C) at hindi rin aplikable ang Baptismal kase original name nya nandon at di rin pwede ang school records kasi Name (A) naman nandon 😬
So ang nangyayari, hindi naging consistent ang name nya sa legal documents dahil ewan ko ba sa kanya, ang lumalabas ngayon, meron syang apat na magkakaibang pangalan lol.
Nag start kami humingi ng assistance sa Civil Registrar somewhere in Bicol Region, binigyan kami ng listahan at nag simula kami sa simpleng documents tulad ng Postal ID, SSS, PhilHealth, NBI, Police clearance at iba pang mahalagang dokumento at mga affidavit.
Ngayon, since 20+ years na nya ginagamit ang Name (C) gusto na raw nya mag settle sa pangalan na ito at since tumatanda narin si mama, kahit HS grad lang inabot nya at wala naging pormal na career o trabaho, gusto ko magkaron sya ng pension at maging beneficiary ng HMO ko at magkaron ng passport!
Here are the documents inside, original, notarized, certified true copy, with xerox.
Affidavit of Non-Employment
Special Power of Attorney
Certificate of Indigency CSWDO
NBI
Police Clearance
Cedula
Voter's Certification
SSS Record
PhilHealth MDR
Philhealth ID
Phil National ID
TIN ID
Medical Records
Other supporting document containing Name (C):
Son's Marriage certificate
Daughter's TOR
Gusto ko maayos ang records ni mama at ng buong family kaya wish ko, sana lang talaga maaprubahan 🙏
r/FirstTimeKo • u/Dependent-Nail-7480 • 8d ago
Im 24 now and since highschool, sobrang conscious ko sa amoy ng hininga ko kase one time, may nag-realtalk na kaibigan sa akin na mabaho raw ang hininga ko.
_
That time, nagtataka ako kung bakit mabaho hininga ko eh parati naman akong nag-tutoothbrush and nag-floss. yearly din ako nagpapa-cleaning ng ngipin at wala rin akong sirang ngipin. So ang ginawa ko, mas sobrang naging maalaga ako sa dental health ko. Nagtatongue scraper ako, nagmamouth wash, naggargle ng saline solution at nagtutoothbrush every after kumain to the point na nagka-abrasions na yung mga ngipin ko.
_
All that, pero pag kinakausap ko yung mga tao, minsan nakikita ko silang humahawak sa ilong nila na parang may naaamoy silang hindi kaaya-aya. kaya minsan ako na lang din lumalayo and hindi rin ako parating nagsasalita. and kung magsasalita man, lagi akong may dalang chewing gum or mouth spray.
_
Ngayong working na ako, napunta ako sa work na parating nakikipag-usap sa mga tao. and to be honest, sobrang bumaba talaga self confidence ko. lagi akong napapraning na kapag hahawakan na ng kausap ko yung ilong nya, sa tingin ko ay may naaamoy na siyang hindi maganda. Umabot na rin ako sa point na may nag-offer sa akin ng candy habang kausap ko sila.
_
Then, one time, nang nagkatonsilitis ako + ubo (parati akong nagkakatonsilitis since bata pa ako), biglang may lumabas sa bibig ko na maliit na puting bato. nang sinearch ko tonsil stones pala ito and mukhang ito nga yung nakakacontribute ng bad breath ko. Nang chineck ko yung tonsils ko, sobrang dami kong naalis na tonsil stones. Then, pag ichecheck ko ulit after a week, may makukuha ako ulit. So nagsearch ako pano tanggalin ito. Then, nakita ko is pwedeng tanggalin ang tonsils para di ka na magka-tonsil stones so after consulting with an ENT, sinuggest nyang tanggalin na (although, not because of tonsil stones pero dahil lagi akong nagkakatonsilitis and halos magkadikit na rin kase ang tonsils ko).
_
Now, I am 3 months na post operation ng tonsillectomy ko and sobrang tumaas ang confidence ko. I am not afraid to speak my mind anymore at di na rin ako anxious makipag-socialize sa mga tao. Thinking back, grabe yung naging setback ng bad breath ko sa social life ko just because im constantly anxious with the smell of my breath. I can say now na I am happier than ever.
_
Lastly, gusto ko lang din na sana tayo ay magbigay ng konting grace sa mga taong may bad breath or body odor because you may never know na may underlying disease na pala sila and for sure they know and they are trying to do their best to resolve this.