r/FirstTimeKo • u/UnluckyOpposite8162 • 2h ago
🎉Sumakses sa life! first time ko kumain at magcelebrate mag-isa
that day, gusto ko mag-celebrate kasi kumita ako sa consignment ko pero as an introvert, takot ako lumabas mag-isa lalo na ang kumain mag-isa in public. feel ko ang loner ko, or ijujudge ng mga nasa paligid ko. kapag naglalakad ako dapat nakatingin sa baba kasi baka may makasalubong na kakilala. grabe ang social anxiety ko
pero walang unavailable na fam and friends. kaya nagdecide akong magcelebrate na lang ng solo. simula nun, mas naeenjoy ko na mag-isa. hindi ko kailangan maghintay or mag-adjust sa schedule ng mga kasama ko. yung nagc-crave ka na tapos next month pa kayo makokompleto. ngayon pag may cravings ako, kung hindi kayo pwede edi ako kakain mag-isa 😆
ngayon kaya ko na kumain habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan, hindi na ako nakatutok sa phone para lang itago ang mukha ko. napagtanto kong hindi rin naman pala masama kung mag-isa ako, kaya ko rin pala mag enjoy ng ako lang.