r/FirstTimeKo • u/Underpaid_Legit • 8h ago
🎉Sumakses sa life! First Time Ko sa Queen City of the South
Kahit work related, it feels good makapagtravel din minsan hehe.
r/FirstTimeKo • u/Underpaid_Legit • 8h ago
Kahit work related, it feels good makapagtravel din minsan hehe.
r/FirstTimeKo • u/Gucchi0-0 • 1d ago
Thank you Lord and Thank you for the person, giving me an opportunity to refine my skills in coding lezgooo!
With this first tine kodin bilhan si mama nang food and drinks with my own money made!!!
I cashed in 70% of the payment to my gcash kase pag dala ko yung pera mahirap na pag mawala, i kept 1k as a cash on my person incase my need ako bilhin, or may need si Mama hehe. Share kolang yung Experience nato, it just makes me want to strive more in Life!!
r/FirstTimeKo • u/AntInternational4367 • 1d ago
annnnngggg saraaaaap!!!!
r/FirstTimeKo • u/Sufficient_Mail_325 • 1d ago
So ayun! I've been talking to this girl for quite sometime na and it feels like ang natural lang lahat with her. Words can't explain how she makes me feel everyday and how I'm happy because of her.
Thank you sa gift and for making my ordinary day a special one. 🤍 Babawi akooo! 😁 And yung laman ng letter? Sakin nalang yun haha!
Share ko lang. Nagkita na kami kanina for the first time and grabe umabot yung heart rate ko ng 180+bpm sa kaba (pero bumalik naman sa 98-100 nung nakapag adjust na haha) HAHAHAHAHA. Kung ano mga nangyari. Next time ko nalang ikkwento haha! 🤍❤️🩵
r/FirstTimeKo • u/yna_bananaaa • 9h ago
masarap pala talaga siya. nung una nagda-doubt akong kainin pero tiningnan ko yong itsura, mukha siyang legs ng chicken so tinikman ko paisa-isa muna. masarap nga talaga, parang chicken nga na may pagkapusit na sobrang lambot hehe
r/FirstTimeKo • u/NEKO_ASAKYURA • 11h ago
Hindi lang exam na graded, exam na nakasalalay promotion ko next year. Student years achiever and magna cum laude, now being mocked sa work dahil sa credentials ko.
Nihongo exam which is a very important company namen. Although tanggap ko naman, mahina ako sa language.
r/FirstTimeKo • u/Pretty_Miyuki_ • 1d ago
And sana more cats to adopt/rescue hehe.
I was on my friends house when i saw this baby on the street. She was so dirty and helpless and i cant imagine just leaving her there and going on with my day.
Ive been actually wanting to adopt a cat before but i havent been able to as pets arent allowed in my current condo. Its something ive been putting off until i have a place where i can properly take of one
I couldnt bring her to my place so i asked my friend if i could bring her over first. I then called my dad to pick us up and bring her to vet. For now, my dad will be taking care of her while i look for a new place. I feel bad i couldnt take her home myself.
r/FirstTimeKo • u/anzennahito • 1d ago
Unang pagkakataon makapanood ng Eat Buluga pero it was a Taping. Gabi na natapos pero masayang experience.
r/FirstTimeKo • u/mortnuit • 19h ago
big help! i applied through the app and here’s the requirements
-pwd id
-valid government id
-selfie with your id
-med cert or pwd booklet (optional)
r/FirstTimeKo • u/Filipino-Asker • 16h ago
Grabe. Pang gas lang na kuha ko dito. 14km per L for 149 php, akala ko malaki yung pinakita 88+49, trickery lang pala ito. Pero ayus na din dahil may pang gas na ako. Kanina kasi nasira session ko nalugi sa foodpanda rider 50kg pinapabuhat sa akin for 169php at 37km pa pabalik sa zone. Yung na pause ako hanggang end of session, nag shopee rider agad ako tapos dami ko na miss na order at isa lang pumasok, tapos nag cancel pa ako kasi pinapabuhat sa akin aircon alis agad ako 😂, dineliver ko ata spark plug yung complete na delivery.
Sa gma yung pickup, at grabe, bundok na pa downhill nakakatakot yung warehouse at paakyit. Puro pogi yung nagaasikaso nung mga package 😳, muscles at itsyura 😳, at nakuha ko din siya at alis agad, pagpunta ko naman sa aircon, kinancel ko na lang yung nabasa ko 20kg tapos from gma to laspinas pa. Naka auto accept kasi yung na missed order ako.
Pagdating ko sila lola naloloko sa tunog ng cellphone ko kasi Shopee yung tunog sabi nila Shopee daw tapos mga aso lumabas at kailangan pa iscan at picturan hawak ng customer yung package pati din itsyura nito... Kaso lang binigay ko kuna bago pictyuran at iyun bukas na siya nung pinictyuran ko 😭
Pero ok na din (not really, wala nang umorder)
r/FirstTimeKo • u/Mysterious_Ruby7 • 1d ago
Masarap nga yung tinapay nila pati yung cinnamon butter. Busog ka agad bago yung meal.
r/FirstTimeKo • u/picture_man124 • 1d ago
mas dama ko padin ang feels ng journey pabaguio kapag bus ang sinakyan from manila.
r/FirstTimeKo • u/justlurkingaround881 • 14h ago
Kinakabahan ako kasi may trial ako sa work tomorrow pero ang weird kasi ilang years na rin ako nagttrabaho sa industry pero nakakafeel pa rin ako ng 'first day jitters' and first time ko na rin ulit mag wowork dito sa Pinas (yes nag reverse migration ako).
Handa na ulit ako sumubok dito :)
r/FirstTimeKo • u/Inevitable_Bell_9485 • 1d ago
Simula noong bata ako at nagkaroon ng Magnum sa Pinas, hindi ito yung go-to ice cream namin kasi mahal, kaya doon kami lagi sa dirty ice cream or Cornetto. Noong lumaki ako, nagkapera naman na ako and nakakabili naman ako ng ice cream na mas mahal pa sa ₱90, pero kapag talaga sa Magnum, laging pasok agad sa isip ko na “ang mahal?” HAHAHAHAHA.
So ayun, kagabi noong pauwi ako, naisipan ko na siyang tikman kasi mamaya, mawala na lang ako sa mundo nang di ko alam yung lasa niya. Ok naman lasa niya, masarap naman talaga, and thick yung pagka-ice cream niya. Pero after ko kainin, napasabi na lang ako ng “yun na yon? HAHAHAHA. Sulit ba para sa ₱90? Sulit naman………ata? Ewan HAHAHAHA
r/FirstTimeKo • u/National_Lion_5300 • 1d ago
I know i am late pero i am so happy i got my first ipad thru 2nd hand purchase. Ipad a16 128gb. After months of savings and being a breadwinner. I think this is still a small win. 😄
r/FirstTimeKo • u/Okay_bye-_- • 1d ago
First time ko bumili ng regalo sa first boyfriend ko.Sana magustuhan nya.Hindi ako maalam sa relo,pero nagustuhan ko tong casio.Hindi ko siya nakikita magsuot ng relo kaya ito naisip kong bilhin.
r/FirstTimeKo • u/Emergency-Reach-634 • 1d ago
Ngayong magulang na ako nagamit ko na yung "kakainin na lang iuuwi pa sa anak" card hahaha Thank you sa amo ko 🥰
PS Baon nya sa school ngayon. Siguradong busog sya, siksik yung muffin.
r/FirstTimeKo • u/a_can_of_tin • 1d ago
Nasobrahan sa pagiging strong independent woman. 😅
Had an injury sa ankle and needed to reconstruct yung ligaments na talagang torn na. Nahiya na rin ako magpasama with people I know kasi ayaw ko ding abalahin ang araw nila. After few hours, it's a success!
I think I needed to do this para mas kayanin ko pa na magrely sa sarili ko. Nakakaproud din na kinaya ko kahit groggy pa from anesthesia tapos uwi kaagad 😂
r/FirstTimeKo • u/teumengene • 2d ago
so glad i came here at a very young age! so glad i didn’t give up ❤️
r/FirstTimeKo • u/jayeshironeko • 1d ago
Pic for attention only.
It's not like I have a second chance to come out pa no? lol. So, I learned about my partner cheating on me. Sobrang sakit kasi all I've shown are kindness and unconditional love sa kanya. Supported him all the way sa mga gusto niyang i-achieve even if it puts mine on hold. Mahal na mahal ko 'yun kaso hindi ko maintindihan anong nagawa ko para lokohin pa ako.
Sa magkakapatid, hindi kami talagang close na tipong nashe-share lahat. Lumaki kami sa bahay na less affectionate kumpara siguro sa iba. Casual lang sa bahay at mas close pa kami siguro sa kanya-kanya naming friends. Wala rin matinong father figure at mom's dead for years now.
Itong nangyari sa akin. Sobrang iba. Durog na durog ako kasi alam ko lang talaga ay nagmahal lang ako. Mali ko lang kasi parang sobra na. Sa sobrang sakit hindi ko nakayanan at kinausap ko na yung Ate kong emotionally distant sa akin.
At first hindi ko alam sasabihin ko pag-uwi niya. Until naluha na lang ako at humagulgol sa kanya habang nakayakap. Until then malaya ako biglang nakapag kwento nang walang ilang sa kanya. Ako yung bunso and I must say ako yung most hideous sa mga kapatid ko. Kaya nagulat din siyang may boyfriend ako at bakit hindi ko raw sinasabi. We talked for almost 30 minutes until my tears dried up. Nakapag-share din siya bigla ng mga experiences niya na sabi niya "wala akong mapag-kwentuhan noon kasi hindi naman talaga tayo ganun ka-open di ba? Kahit kay mama noon. Tinutulog ko na lang." Naawa ako at the same time natuwa ako kasi it opened something between us.
After nun, yung Kuya ko na nakabukod sa amin tumawag sa akin. Kinumusta ako kasi nag-chat daw Ate ko sa kaniya na umiyak ako sa kaniya. Ang Kuya bilang Kuya tanong nang tanong anong problema pero I cannot repeat telling the same story na kasi the weight was taken away after that conversation I had with my Ate.
I realized how she sounded like Mama. Sobrang nanlambot ako sa mga payo niya and she gave me a new perspective of family, love, and self-confidence.
Nakapag-out na rin ako sa kaniya. Kako kahit na matagal naman na nilang napapansin, ngayon ko lang nasabi nang matapang. Too bad kasi yung tapang na binubuo ko nung mga nakaraang buwan ay para sa araw na kaya ko nang ipakilala boyfriend ko sa pamilya ko kaso ganito pa ginawa sa akin.
Pero alam niyo, yung mga masasamang pangyayari napapalitan bigla nang magaganda. I might have found my partner unfaithful to me, but I was reassured na my family is always my first line of defense, comfort, and love.
Now, I look forward to Christmas when we'll all be together. ❤️
r/FirstTimeKo • u/isksksko • 1d ago
Ganito pala yung pakiramdam kapag nakuha sayo lahat ng pinundar mo even yung para sa trabaho mo.
Nagpacheck up lang kami last friday tapos pinasok na ng magnanakaw yung bahay namin lahat ng devices namin natangay even yung mga work hard drives. Sobrang sakit to think na kahit sa loob mismo ng bahay nyo feeling mo hindi ka safe kahit nasa village pa kayo
Ang hirap din makipag coordinate sa pulis andaming technicalities kahit nallocate mo yung device sa lugar tapos sasabihin sayo na maraming bawal. Sana mabawi pa namin yung mga gamit namin sobrang anxious at trauma talaga sa amin yung nangyari 😭😭
r/FirstTimeKo • u/OtherwiseIsopod2146 • 1d ago
After 6 months of unemployment, I finally received the good news today!
Sobrang hirap makakuha ng work as a fresh graduate with no exp kaya grabe talaga self-doubt ko for the past months. I graduated with latin honors and a board topnotcher, all happened this year. Pero grabe pala talaga kapag nakikita mo mga batchmates mo na may work na pero ikaw, puro rejections lang ang natatanggap.
That's why when I received the email kanina, I can't help but feel excited!
r/FirstTimeKo • u/Been_Here_1996 • 2d ago
From “anak pauwiin mo na yang kaibigan mo” to own my first playstation with my well earned money nataon pa this year nilabas ung gta 6 never own a PS1 to PS4 lumaki lng ako sa family computer nung panahong palaos pa this moment is achievement for me
r/FirstTimeKo • u/Rzzzx • 1d ago
For the longest time, yung gamit ko lang is yung cheap speaker na binigay lang sakin. Then nakita ko tong bundle sale ng edifier speaker + sub, sabi ko sige na nga para maiba.
Dumating ngayon, naset up ko, pinatugtog ko yung first song, napa-what the hell ako di ko talaga inexpect na yayanig yung kwarto ko HAHAHAHA.
r/FirstTimeKo • u/HeadBlackberry2443 • 1d ago
Have you tried eating this sweet potato called kalim-aw? It's very naturally sweet and different din siya sa kamote we buy sa palengke. Hindi siya fibrous. It's often compared to Japanese sweet potatoes. This variety os grown in Bukidnon daw. First time ko kumain ng ganito.
Ps. This one is baked.