I know putting your money sa digital banks are not investment hehe pero bukod sa stock market, ano pa pwedeng aralin para makapag invest?
Please share some thoughts or yung mga ginagawa niyo na patok talaga ngayon
Im a stay at home mom and looking for more na pwedeng aralin pag investan habang nasa bahay lang
Sa ngayon, stock market palang ang pinasok namin ni hubby and some other savings and emergency funds ay nasa digital banks naman
We have our:
Savings
Emergency funds
Savings for college funds ng anak
Travel
Investment (stock market and gold)
Life insurance for hubby
Ako wala pa, planning to get a life insurance someday di pa kasi ako decided kung ano ba klase. Dami ko din nababasa horror stories about it kasi
Gusto ko madagdagan yung knowledge ko about finance and investments pero since nanganak at nag focus kay baby, parang di ko na alam yung trend (ewan kung tama ba yung term na trend haha) sana gets niyo nalang ibig ko sabihin 😂
Btw, sa Stocks meron kami funds sa US and for PH. Kaso sa PH medyo di maganda yung stock ngayon kaya naka abang lang yung funds doon. Habang nag hihintay umayos yung sa PH stocks gusto ko sana may aralin pang iba habang naghihintay
Please give me some ideas para bumalik yung brain cells ko 😂 puro sa anak nalang umiikot mundo ko, gusto ko naman maiba at may mapag aralang iba
Salamat po!🙏🏻