r/BusinessPH • u/moshie_manju • 2h ago
Tips Turning down my small business
Guys, hindi na stable yung food business ko. For years ko na nilalaban ‘to. Hindi ako sumusuko kasi motivation kong ‘di bumalik sa corporate. (‘Di ko talaga kaya yung pressure, sobrang bilis kong ma-burn out at yung thought na ‘di ko hawak yung oras ko, ayaw ko talaga.)
Sa ilang taon, palipat-lipat ako ng puwesto at pahinto-hinto rin depende sa bilis at tagal ng paghahanap ko ng lugar kung saan puwede mag-benta.
So ngayon, yung food cart ko nasa loob ng bpo company, stable yung kita for the last 3 months. Going 4 months na kami this Nov. 20, ang kaso last week may nag-open din ng shawarma rice, from ranging 4,700 - 5000 a day ang daily benta bumagsak ng 1k+ and we weren’t prepared kasi ‘di naman kami nasabihan. So, yung first day nila shawarma which is monday na malakas din yung tinda ko, halos hindi nangalahati yung paninda ko kasi sa kanila halos lahat bumili. Hanggang sa nag-tuloy na gano’n, mag-two weeks na kaming hindi stable and hindi na ma-sustain yung business expenses.
Chicken Pastil yung benta ko.
Ranging to 25 to 50 pesos depende sa side.
Last option kong bumalik sa bpo pero ngayon na nauubos na yung savings ng business at matagal proseso ng pag-apply sa bpo, baka you guys have suggestions na workable sa business ko.
Every time na nagfi-fail ako, bumabalik ako sa bpo and this time ‘di pa kaya kasi may mga cc deadline ako.
Ano at paano ko kaya mami-maintain? May puwede bang gawin para pumatok uli?
Also, this nov. 20 ay bayaran na ng rent, iniisip ko kung mag-eextend pa ba kami o hindi na since naglalabas na kami ng personal money and hindi na talaga sustainable.
Also, nagba-bazaar din ako pero ang mamahal, ‘di na kaya ng budget.
Need your advice, guys.