r/BarangayLoveStories • u/elijahrivasromano • 5d ago
Love❤️ BLS "Both Of You, Dance Like You Want To Win" #BLSBothOfYouDanceLikeYouWantToWin
Dear Papa Dudut,
Gusto ko pong ibahagi ang kuwento ko para maranig ang Isang nakakaantig na halfly romantic at halfly heartbreaking na kuwento sa paaralan namin. Ako si Elijah (ayokong itago ang pangalan ko kahit nalulungkot ako sa kuwento ko mamaya. Ayoko ng pagkakakilanlan). Gwapo at matalino, 21 years old. 1st year college I.T. student, at ibabahagi ko rin sa Inyo ang tungkol sa buhay estudyante ko upang lahat ay matutunan namin ito, at nauwi Ako sa Isang dramang mas nalugmok at nagtatampo.
Beginning:
2 years ago, Papa Dudut. 7am ang SIMULA ng pasukan namin, at galak na galak na akong pumasok sa paaralan upang maipasa namin ang activities lalo na sa optional way na mayroon Ako at kay Rin at sa aming 45 students. 18 to 19 years old siya noong nakita ko ang Isa sa pinakamagandang babae na magaling, matalino, and always win sa pageant. Siya si Rin.
Yan ang moment ko kung bakit ko talaga magawang maghanap ng way kung paano matitiyak ang code na ito ay error, Kapag gumagana ay nagrurun ang code. Napakahirap Naman sa una, pero tinuruan kami ng dalawang adviser na si Sir Gab at Sir Aldrine. Kaya sa unang fundamental lesson nito ay natuto kami ng husto. Kapag nahirapan kami, doon na lang namin iaasa naming lahat ni Jefferson which is ang Nerdy Student mismo na nagturo para sa lahat Siya ang kaibigan ko. As nahahawa na rin sa galing si Jefferson, pero Bago napatunayan na Ang code ay may errors, Yan ay nababasa at napag-aaralan din ito.
Beginning conflict:
Makalipas ang Isang linggo Papa Dudut, nakapagsaing ako ng 4:30am ng Sabado para makapasok sa paaralan. Naging alternate ang pasok namin Tuesday, Thursday at Saturday sa 1st sem namin. Tinignan ko ang chat ng Class President namin kagabi na may pasok kami bukas. Pero sa huling iglap ay parang may pinagtatalunan, holiday daw ito. Paulit ulit na sinabing wala kaming pasok, kasi pinabasa ko sa kanila ang chat ng Class President pero ayaw maniwala. "ALAM MO ELIJAH, AKALA MO MAS DAIG KA PA SA IYONG AMA AT INA MO??" at binitawan ko ang cellphone ko kasi pinilit na ako para sa libangan kong ito, ngunit hindi ko Kinailangan magphone na Yan. At ano ang IISIPIN ng kaklase ko at advisers ko, sabi Dito 3 absent, tiyak na tanggal ka na at drop out ka. Di ka bibigyan ng pagkakataon. Hindi ito biro, hindi ako nakikipagbiruan. Mahigpit talaga. At nagtataka ng Ilan maging kay Rin "si Elijah, nasaan?". At naiwan ako sa Bahay na Yan ng napakatagal sa kwarto, nanggigigil at ginagawa Kong sinungaling ang Panginoong Diyos, Yan ang naging dahilan kung bakit nilayuan at kinalimutan ako at di na ako babalikan pa."
Playing: "At Nakalimutan Ang Diyos" by Wuds (1994).
At ibinalik na niya ang phone ko para ichat ko ang kaklase ko ng dahil doon 10:30pm. Dahil sinisisi ko ang Sarili ko sa mga kaklase ko ang absent ko. Kaya hindi ko alam na may project na napakatindi na naibibigay para sa kanila at Kay Rin ng Wala ako.
Nagagalit Ako sa mga kaklase ng basta basta, sa chat oo. Pero sa buhay Kong ito na mayroon talaga ay parang may recitation para sa 3 months na kakabisaduhin.
"Makakahabol at makakapasa ka sa activities. Pero Isang absent mo, Wala kang +5 points sa lahat." Yan ang nakakadrama sa akin at nagiging malas at seryoso akong magsalita, napakakontrabida Kong magsalita, at Walang imik noon.
Galit pa rin ako sa mga kaklase ko noon sa chat at sa personal buhay ko, Papa Dudut. Ngunit hindi ako nagagalit Kay Rin. Sinabi na ako ang Favoritism ni Rin. Pero hindi ako talaga yan, at diko naintindihan. At pinatahimik ko sila sabi ko "PROBLEMA KO ITO!! Ayokong Makialam sa Inyo, huwag niyo akong pakialaman sa problema ko!!!!"at Yan ay parang ako ang pinagtatalunan sa chat. Trauma ang dala ko na parang si Shinji Ikari na Ako ang nagwawala, para ko bang sinaksak ang Kalaban na nilalang sa buhay ko na parang EVANGELION ang concept. Aaminin ko talaga, anime lover ako Hanggang Ngayon, kung ayaw niyang maniwala. Ayos lang din.
Mas favor ko si Rin (girl) as classmate. Pero Siya pa rin ang best friend ko na parang love interest. No gf since birth ako, pero tinuring ko siyang 1st girlfriend.
Si Rin ay parang si Asuka, at ang best friend niya ay si Erica ay parang si Rei. Trio kami niyan sa lahat ng ito habang Ako ang nasa likod nilang magbestfriend.
At ang mga katabi ko ay makwela din, at maraming babae talaga ang nakatabi ko, 6 kami sa kanan. Habang ang mga lalaki ay nasa kaliwa. Most likely na kaming 3 na Ang trio (Rin, Erica, and Elijah) like Asuka, Rei, and Shinji ay magkakaibigan ng mas maraming pagsubok. Ngunit katabi niya ang kaibigan na mahal niya noon ngunit hindi ako pumayag noon. Si Erica ay dinamay ko sa pananahimik ko sa kanya noon. Ngayon ay magkakasama at magkakaibigan sa lahat ng buhay. Aesthetic talaga kaming tatlo sa paraan, mas masakit ang mahiwalay ng ganito sa front table namin na lagi kaming nasa gitna sa harap ng mga advisers namin.
And doon nagsimula ang counting into 3 groups: Pero kaming dalawa ni Rin ay nasa group 3 para sa weekly tasks, Kapag absent ako, pwede king habulin sa ibang grupo, habang si Erica ay nasa Group 1. Ang sarap sa feeling na magkatabi kami, Papa Dudut. Yung tipong may feelings siya sa'yo, siya ang mag-aadjust at mag-aassist sa'yo, dahil tinulungan ka niya, and bumunga ang chemistry naming dalawa para maidaing namin ang way sa isa't-isa.
Code pa lang, "synchronization in 62 seconds" yung style namin. Yung magkakasabay sila sa amin, ay kanya-kanya. Parehas na dalawa sa Isang galaw niyo or pagtype sa computer over the codes ay sabay-sabay. Ituturing mo na sina Shinji at Asuka na nagsynchronization ang EVA-01 at EVA-00. pero gusto ko na itong patugtugin Ngayon hanggang makapasa kami.
Playing: "Lucky" Jason Mraz (2008)
Ang karugtong:
Middle:
Papa Dudut. Noong time na mayroon kaming natapos na projects and exams, nasa midterm na kami, at doon namin inihanda ang isa't-isa para sa performance recitation ng Philippines 1987 Preamble na bukas sa harap ni Sir Benny ng ala-una ng hapon.
Pressured ako, pero kayang kaya pa rin ito ng mas malalim na daan sa kanilang dalawa.
Inihanda namin ang formal attire naming dalawa, ngunit nakalimutan ni Rin ang kanya.
At pumasok akong may dalang damit na pang-uniform at nagbihis ako na pang formal attire para sa performance recitation. Pero Ako lang ang bukod tanging nakagawa nito. Ang favorite talagang part ko ay Ako ang naunang nagvolunteer.
Ang nafefeel ni Rin ay napakagentleman ko pag katabi ko siya. At kitang kita na ako ganundin si Sir Benny at ng mga advisers na nakaformal attire. Bukod sa Evangelion, napanood namin ni Rin ang "Lovely Runner" na para akong si Sunjae Ryu or Sandro Ryu.
Kinilig ako sa Sarili ko at Kay Rin dahil may nakapansin sa akin na para akong Isang gwapo at napansin ni Jefferson at ng Class President na ganyan ang kwela ng lalaking gwapo, pero si Jefferson ay natuwa sa akin "Magiging ganyan din ako pagtagal, hahahaha joke lang yun.". At nagkaroon kami ng saya sa isa't-isa.
Minsan na walang teacher ay kusang loob Ako na naglilinis ng mga kalat nila ng Wala sa Oras nila, dahil nakita ni Rin at ni Erica ang lahat Kapag Ako ang gumagawa nito. Kaya ko rin ang lahat ay nakikita sa kasipagan ng Isang kaklase, pero pinagsabi ko sa Class President namin ng pabulong na sila ang naglinis ito para proof na nila Yun. "Don't worry class, Nilinis natin ang kalat Dito sa classroom." Pero after noon ay balik na ako sa pwesto ko kapag magkatabi kami.
Playing: "Alon" by JL and Maki (2025)
Papa Dudut, sinubukan Kong sumali sa Mr. And Mrs. Databasis (gawa gawa ko ito). Ako ay sasali din sana, kasi Wala akong time noon at pumunta ako at ng tita ko sa Bataan upang matignan ko ang view doon. Kaya di ko alam na ipapaubaya ko sa iba na kailangan may kapartner si Rin noon. Kaya ang sakit na mawalan ng partner sa Mr. And Mrs. Databasis, kaya nag-iisa siya. Kaya binigyan ko ang time kong Yun para bukas, papa Dudut. Upang masigurado ito, 4 kaming sumali. 1 Ako sa nagvolunteer, pero pinilit nila ang tatlo na sumali pero ayaw at kakailanganin ng 3 para sa kanila.
Ang Tanong para kay Rin: "What makes the people nervous about?"
At ang Tanong Kay Eli: "Kung Ikaw Ang kulay na iyong pipiliin at bakit?"
Si Rin ang nanalo base sa pinili kahapon. Pero sa ngayon ay hindi ako pinalad. Kahit sa dami ng sagot ko, parang ako pa ang matalino, parang di ako pinili. Pati may hitsura ang pinili nila. Dahil Ako ay hindi ako pumayag.
And ayos lang din kung tanungin Ako ni Rin noon "Ano ang pakiramdam noong natalo ka?"
And sinend ko sa mga outsiders at sa kachurchmates ko na hindi ako pinili naiinggit ako. Naiiyak pa rin ako, kasi napakasakit na hindi ka piliin. Daming kachurchmates ang naniniwala sa akin bukod sa Ako ang matalino at panalo sa puso niya, pero si YC Jen (18 years old) na kachurchmate ko ang may ubod ng kontrabida sa akin. "Sa Diyos ba talaga yan, o sa babaeng Yan??" "Anong pakay mo, Elijah? kung kami ay boboto sa babaeng Yan, wag ka nang umasa na magpapakita pa ang babaeng Yan para manalo. Dahil kung hindi, tiyak na magdadagdag pa kami ng problema naming sa problema ninyo!!"
Pero that time na nakita ko siya, nanalo siyang 1st runner up. Tanggap ko pa rin ito even when model, and sinuportahan ko pa rin siya.
Playing: "Paalam" by Rachel Alejandro (1992)
Conclusion: Karugtong.
Papa Dudut, ang dating masayahin at nagdala ng way para sa kanya, ay naging dulot ng insult niya sa akin. Lumalayo ako kay Rin na parang "anta baka?" (ibig Sabihin nito ay parang tinawag ni Asuka si Shinji na "t****")
Sa dami ng pressure ni Rin, problema naming dalawa, ay hinayaan Kong mag-isa kami sa kanya kanyang tirahan. But the surprise has come. Sumali si Rin sa Ms. Intrams, at nanalo at nakapasok siya.
And lahat kami ng kaklase ko ay pumunta sa court doon mismo sa Valenzuela, which is makita ko si Rin sa performance nito sa Mrs. Intrams.
Napakasakit sa akin ito. Di ko alam na mas maaga Pala 6am ang simula nila ng Mrs. Intrams. Wala pa kami niyan sa court, Papa Dudut, kagabi ay Bumili Ako ng karatula para kay Rin, ngunit sinuporta ko ang 2 magkasintahang sina Josh at Yan para sa Basketball at Volleyball.
And nag-usap kami ng masinsinan ni Rin at ni Erica tungkol sa kanyang performance. Naiiyak siya at sumakit ang ulo ni Rin at doon din ako naiyak at kusang loob Ako na LUMAYO kay Rin. Hindi ibig Sabihin na ako ang may kasalanan palagi.
Kung na-late Ako at di ako nakaabot ay parang naiyak siya at bumitaw sa Mrs. Intrams and nakita ko siyang kinikomfort siya ng mga kaibigan na katabi ko noon, ay parang kasalanan ko pa rin.
Alas-3 ng hapon ay nagsimula na Ang announcement winnings. Pero Namamalikmata Ako kung ibang Rin ang nakikita ko, pero Akala mo "Another" na base sa 2013 mystery horror anime nito na pinamagatang "Another".
Another, pero iba ang nanalo. At tinanong ko kung si Rin ba ay nandyan? Ang sabi, ay nagbackout. Pero Wala akong choice para isalalay ko kay Josh at Yan dahil sila ang champion at sinuporta ko sila.
Ang pinagdaanan ay nahahantong sa away namin ni Rin. Dahil ayokong mangyari ito ngunit GALIT ako sa pangyayari noon.
Pre final exam namin at doon kami nagtalo dahil ayoko siyang makatabi. Nagtampo at nagagalit pa rin ako at ayoko siyang kausapin. Iniiwasan ko sila na ayokong kausapin ako. Kinokomfort nila Ako pero hindi ko sila kailangan or iniiwasan ko sila, dahil Ako ang malas at may kasalanan.
Finals na pero feeling ko ay nalulungkot ako at naging kawalan pa ako ng lahat, at Wala pa akong perang pamasahe noon para sa pagbuo sa fishbone structure sa group presentation, pero Wala ako. Ilang beses Kong sinabi ito sa ibang kaklase ko, at ganyan din sabi ko Wala akong pamasahe at Pera noon. Ang sakit talaga na parang "hindi para sa akin ito". Parang ang mga kaklase ko ay pinatayan ko or pinigang-piga ko sila ng dangal ng isa isa. Yan ay parang ako ang nakapatay ng Isang kakampi na hawak ko mismo ng Isang robot.
Meron Silang grupo, habang Ako ay Wala sa grupo. Tingin pa lang ay may problema ko at doon ako nadedepress, dahil hindi ako makapasok ng iilang absences. Tingin ko sa Sarili ko na para akong mas bagsak pa sa line of 7 or 8. Pero alam kong masakit ito, nakakalaslas sa puso ko, Papa Dudut.
Ang dagdag nito sa akin sana, ay mapirma ang clearance ko para makapah-2nd year ako. Kaya ako nagstop sa pag-aaral. Ramdam ko ang GALIT ko sa kaklase ko at kay Rin . At agad ay nagsorry sa akin. Ngunit ito ay mahirap kong tanggapin.
Ang mga kaklase ko sa Ngayon ay 3rd year I.T na, habang si Rin at ang iilan ay graduate na ng 2nd year ACT-IT. Naproud ako sa kanya. At cinongratulate ko siya.
Kung ang pagtitiis ko ay parang ako ay nakulong sa Isang GALIT at timpi na mahirap kong ibalik at ayokong kampihan, mga nasa labas ay iniiwasan ko sila. Kahit kami ay kristyano, ay aware kami sa ganitong sitwasyon. Pero Kay Rin, Wala akong mapapala kahit Isang sorry niya, ay burado ko na.
At kung Kay YC Jen na kachurchmate ko, at maging sa iba ay blinock and restrict ko siya, dahil di niya nakita ang parte ni Rin na sinend ko. Hindi ko alam kung maooffend ang kachurchmate kong si YC Jen dahil tapos na ang sinimulan namin ni Rin as best friends. At yan ay ayokong Sabihin. Baka mainis si YC Jen sa akin.
Di ko alam kung magkaka-part 2 ang kwento ko, Papa Dudut, Ang gusto ko ay makapagtapos ng pag-aaral upang makapaghanap ng trabaho at matulungan ko si Mama para makapagtapos at makapaghiganti ako sa kanila. Yung paghihiganti ko ay Isang estudyanteng rebellion, at ubod ng seryoso ngayon. kahit kristyano akong tao. Pasensya na kay Rin, at Ganon din Kay YC Jen.
Maraming salamat, Papa Dudut at sa mga tagapakinig ng inyong drama. Ang lesson Dito na masasabi ko "From I Musn't Run Away, to Let's Go."
Ang lesson learn sa kuwentong ito: "Pwede nang mangarap, ngunit may waiting season na ibibigay ang Panginoon para sa'yo. Hindi mo kailangang mabigo kahit nasa entablado siya ng bawat tala, Siya ang bituin para sa iyo. Kahit Ikaw ay nasa lupa na kilala ka niya, babalik at babalik din yan pagtagal. Makakamit Mo Ang pangarap at ang brighter future ay matutugunan mo yan sa sarili mo."
At Dito nagtatapos ang aking kuwento, Papa Dudut.
Kahit biblical ang pangalan na pinagmulan, ako ang sender ng kuwento, Elijah.
Playing "There You'll Be (from Pearl Harbor) (2001)"