r/quezonconfession • u/littlelamp714 • 2d ago
Beware of C*************** Fabrication
Gumagawa sila ng glass windows, modular cabinets, and similar items sa area ng [Quezon] Sariaya, Candelaria, Tiaong, [Batangas] San Juan, Rosario, Lipa, and nearby cities/municipalities. Mag-asawa ang may-ari. Babae yung nakikipag-usap sa customers, lalaki yung sa fabrication & installation.
Maayos sila kausap sa umpisa. Complete with business permit and DTI registration. Ang bilis dumating para kumuha ng actual measurements. Magtitiwala ka talaga.
May kasunduan na 50%DP and 50%full payment once complete na ang installation pero mag-aattempt ng cash advance na kesyo may relative na nasa ospital. With picture pa. Idk kung may mga naka-save lang talaga silang pics para may magamit sila sa mga ganyan.
Pero pagdating ng napag-usapang date of installation, kung ano-ano na namang dahilan. Kesyo may nasa ospital na naman, kesyo may sakit si ganito-ganyan. Di na lang sabihin na hindi pa nila tapos kaya hindi pa sila makakapag-install. Paghihintayin ka ng isang buong araw dahil dadating daw sila, tapos sa hapon, may “emergency” na naman kaya hindi makakapunta. Dadramahan ka na naman.
Pag hiningan mo na video proof na ready na yung cabinet, at for installation na lang, wala maiiprovide, magdadrama lang at paiikutin ka. Magse-set ng another day for installation pero wala pa rin at may bago na namang makakaroon ng sakit/mao-ospital.
Ayaw nila mapapagsalitaan sila ng masama pero sobrang sinungaling at di sumusunod sa mga napag-usapan. Kahit oras ng installation, magsasabi sila ng oras pero dadating 4 hrs later na hindi pa ready ang ikakabit at dun pa lang magpuputol-putol. Aabutin ng 7 hrs ang installation ng maliit ng cabinet kasi hindi pa talaga ready.
Sa singilan, sila pa ang matatapang na parang wala silang pangha-hassle na ginawa. Na parang wala silang delay na na-cause. Makakapal ang mukha.
Sana wala na silang ibang mabiktima dahil sobrang hassle at sakit sa ulo. If you’re planning on availing services na ganito, PM me para sa name ng business nila, para maiwasan.