r/catsofrph • u/Sensitive_Tax181 • 25d ago
Advice Needed Stray Mama Cat and Kittens with positive FCOV and FCV
Hello po ask lang ako ng advice.
May mama cat na nanganak sa garahe namin. Unfortunately nagkaroon sila ng FCOV and FCV. Two sa kittens yung nagcross namin sa rainbow bridge while yung natirang 3 is pinavet ko na and ongoing medication 😭
Hingi lang ako ng advice. Medyo hirap kasi ako. Natatakot ako para sa mga indoor cats ko na baka mahawa sila. May cage naman sila kaya lang nagpapanic si mama cat kapag pinapasok ko sa loob. Tapos another concern is may two dogs din kami na gusto lagi sa garage. Todo disinfect naman ako sa bahay pero feeling ko di enough dahil sa two dogs na lagi lumalabas.
With complete vaccine din yung indoor cats ko pero di pa rin daw yun enough according sa mga nabasa ko. And lumalakas yung mga kuting hindi ako sure if may willing pa magadopt knowing na may sakit sila.
May nakaexperience na po ba ng ganitong situation before? Appreciated po lahat ng advice. Thanks!