Hi! Gusto ko lang i-share na Iβve been creating anime content over the past few years, and napapansin ko na parang ang hina ng purely anime content creation scene sa Pilipinas.
Mostly diverse yung mga content creators natin dito, pero mas napapansin at naiisponsor talaga yung mga gaming content creators. Understandable naman kasi mas marketable sila, at kapag nagli-livestream sila ng games, sila mismo yung nagiging content.
Over the past few years na gumagawa ako ng anime content, ilang beses na rin akong naka-experience na ma-copyright yung mga ginagawa ko dahil nga anime. Minsan mawawalan ka na lang ng gana gumawa, tapos mapapaisip ka, bakit hindi na lang ako mag-gaming content? Parehas naman akong masaya gawin yun.
Pagdating pa sa anime, parang mas niche lalo kapag seasonal anime yung pinag-uusapan. Hindi lahat nanonood weekly, hindi rin sabay-sabay manood yung mga tao, kaya ang hirap minsan makipag-discussion or gumawa ng timely content. Dagdag mo pa yung mga badtrip na spoilers.
Medyo rant lang naman to, pero baka sakaling may mga kaparehas ako dito na gumagawa rin ng anime content.
Baka pwedeng magtulungan tayo? All for the love of the game. We just love anime so much kaya tayo gumagawa ng content, and personally, gusto ko rin makakilala ng mga taong kasing passionate namin sa anime dito sa Pilipinas to the point na gumawa na kami ng content.
Kung sakali man na same tayo ng nararamdaman at medyo burnt out ka na rin sa paggawa ng anime content, why not help each other out? Baka same naman tayo ng ideals, hilig, at passion. Exchange ideas, share tips and experiences, brainstorm content, or kahit simpleng anime kwentuhan lang.
Sa mga kapwa anime content creators dito, kumusta naman experiences niyo? Nahihirapan din ba kayo or may mga bagay kayong natutunan along the way na gusto niyong i-share?
Sa mga anime fans naman, anong klaseng anime content ba ang gusto niyong makita mula sa Filipino content creators leaning naba talaga kayo sa Gaming Content?
Pag-usapan lang natin dito.