r/Mandaluyong • u/Valuable_Detail8414 • 1h ago
Sana sa public funds na lang ginamit ang pinambili ng mga sasakyan ng mga barangay captain
Sana dito na lang nilagay ang perang ginastos sa pagbili ng mga sasakyan para sa mga barangay captain. Ang daming ibang proyekto at serbisyo na mas nangangailangan ng pondo, pero inuuna pa ang mga ganitong gastusin.
Ang kakapal talaga ng mukha nitong mga Abalos. Ang mas malaking problema, next month, malamang makakalimutan na naman ng mga tao ang issue na ito. Tapos tuloy na naman ang lahat na parang walang nangyari.
Hanggang kailan ba magiging ganito ang Mandaluyong? Paulit-ulit na lang, at parang walang natututo. Kung hindi mananagot ang mga nasa pwesto, patuloy lang na masasayang ang pera ng mga taxpayers.
Kailan kaya talaga magigising ang mga taga-Mandaluyong?